3. Wild

4.7K 90 1
                                    


Katulad nga ng sinabi ni Jeremy umulan nga ng malakas matapos akong magsisigaw sa may dalampasigan.

Imbes na mag-emote sa dalampasigan ay minabuti kong bumalik sa kwartong kinagisingan ko kanina kasabay ng unti unting paglalaho ng pag-asa ko na makakadalo pa ako sa sarili kong kasal. Wala akong ibang ginawa kundi umupo at sumandal sa kama habang walang patid sa pag-agos ang aking mga luha.

Hindi ko akalain na sa ganito lang ako daratnan ng araw na ito. Ang dami ng plano ang nasa utak ko matapos sana ang araw na ito. Nariyan ang isang masaya at buong pamilya para sa amin ni Ryan pero heto ako ngayon.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba niya ako dinala dito?

"Kumain ka na. Hindi ka pa raw kumakain." Anang boses galing sa pintuan. Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi saka tumingin sa kanya and as usual, he has this eyes and expression that is like telling me na hindi ako dapat magalit sa kanya. But for pete's sake, kasal ko ang inudlot niya. Paano pa ako hindi magagalit sa kanya?

"Ayoko." Madiin kong sambit.

"Hindi ko kakainin ang kinakain ng isang tulad mo."  Dagdag ko at nakita ko na naman ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata na agad rin niyang naikubli dahil sa kanyang pagngisi.

Kahit na sa sitwasyong ganito na galit ako sa kanya, hindi ko pa rin maikakaila kong gaano siya pinagpala sa katangiang pisikal at lalo itong nadedepina sa tuwing ngingisi siya katulad nang unang araw na nakilala ko siya.

"Fine. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin basta kumain ka."  Seryosong aniya habang ang mata'y  malamlam pa ring nakatitig  sa akin.

"Ayaw ko sa mga yan." Pagmamatigas ko habang nakatingin sa tray ng dala niyang pagkain.

"Okay." Tila susumusuko nang aniya. " Sabihin mo kung anong gusto mong kainin. Kahit ano basta kumain ka lang." dagdag pa nito  ng hindi ako iniiwan ng kanyang mga mata.

"Gusto ko wild fruits." Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya dahil sa naging sagot ko. Ang totoo nasabi ko lang yun para sana tumigil na siya sa kapipilit dahil alam ko namang wala siyang stock ng ganun.

"Ano?" takang tanong niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Wala ka nun? Pwes, hindi ako kakain." Pagmamatigas ko saka umayos ng higa at nagtalukbong ng kumot. Ilang minuto din ang hinintay ko bago ko narinig ang dahandahang pagpinid ng pinto.

Wala naman akong balak na matulog dahil nais ko sanang humanap ng paraan para makatakas dito sa islang 'to pag tumila na ang ulan pero hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako dahil sa langitngit ng pagsara ng pintuan ng kwarto kasabay ng paghalimuyak ng amoy ng sa hula ko'y mga prutas at pagkain.

Sa pagbangon ko hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa bedside table ko ang halatang kaluluto pang sopas at basket ng iba't ibang klase ng prutas mula sa kilalang kilala ko na apple at grapes hanggang sa mga prutas na ngayon ko lang nakita. Hula ko'y wild berries yung ilan.

Gusto ko wild fruits.

Naalala kong sinabi ko kanina kay Jeremy at for the first time mula kanina ay hindi ko napigilang mapangiti kasabay ng pagkalam ng sikmura ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kinain ko na lang muna yung sopas.

"Hmmm sarap." Di ko napigilang komento dahil sa masarap nitong lasa, tamang tama ngayong medyo umuulan pa sa labas base sa lagaslas ng ulan sa labas.

Matapos kong lasapin yung sopas ay agad kong binalinangan yung basket ng prutas. Isinantabi ko yung apple, grapes, saging at orange dahil mas gusto kong tikman yung wild berries at iba pang prutas na di ko naman alam kong anong tawag.

Ang tikim lang sana na gagawin ko ay nauwi sa pag-ubos kahit ang ilan sa mga ito ay hindi ko alam ang tamang paraan ng pagkain. Hindi ko na din napigilang mapakagat labi ng mapagmasdan ko kung ano  na lang ang natira sa mga prutas. Sa huli'y nagkibit balikat na lang ako saka hinimas himas ang tiyan patayo.

Naramdaman ko na lang ang panlalagkit ng aking katawan kaya nagpasya akong magtungo sa  banyo upang makapaligo. Mukhang napaghandaan naman ang pagkakidnap sa akin dahil nakahanda na ang mga pampaligo at mga kailangan kong gamit. Matapos maligo ay binuksan ko din ang closet na naroon at may mga damit pambabae nga na naroon at bagong undies kaya hindi na ako nagdalawang isip na isuot ang mga ito.

Matapos kong patuyuin ang buhok ko ay dahandahan kong pinihit ang pinto at nagningning naman ang kislap ng aking mga mata dahil sa hindi ito nakalock. Dahandahan akong lumabas at bumaybay sa hagdan hanggang sa sala pero ganun na lamang ang gulat ko ng magsalita si Manang.

"Nakakain naman ho ba kayo Miss Jane?" humarap ako sa kanya saka awkward na ngumiti.

"Ah opo. Salamat po sa sopas at yung mga prutas." Tumango naman si Manang saka naiiling na ngumiti.

"Bakit ho?" di ko napigilang magtanong.

"Kung alam ko lang na kapag si Jeremy pala ang nagluto ay kakain ka, di sana noong umaga ka pa niya ipinagluto." Hindi ko alam kong ano pang dapat na reaksyon ko sa sinabi niya kaya awkward na lang akong tumawa.

"Ah hindi naman po Manang. Gutom lang siguro, pakisabi na lang salamat saka thank you din sa inyo sa mga wild berries." Pagpapasalamat ko na lang.

Umiling lang ulit siya saka nakangiting nagsalita.

"Mabuti pa, ikaw na mismo ang magpasalamat sa kanya. Aba'y sinuong niya ang lakas ng ulan makahanap lang ng wild fruits na hiling mo dyan sa  labas.  Malayo din ang linakbay niya patungo sa mapunong bahagi nitong isla. Ang saya pa nga niya ng malamang hindi ka pa nagigising ng makabalik siya.

Aba'y hindi pa man tinutuyo ang sarili mula sa pagkabasa, ipinagluto ka na niya dahil baka gutom ka na raw. Tinawanan ko pa nga siya dahil para kang naglilihing asawa kong alalahanin niya. Di nga lang ako mapakali dahil kanina pa siya hindi lumalabas sa kwarto niya. Sobra siyang nainitan kahapon dahil sa paghihintay na may mabingwit na isda dahil may bisita daw siya ngayon na ikaw pala tapos first time ulit umulan dito sa isla tapos nagpaulan pa siya."

I swear gusto ko nang lumubog sa kahihiyan at konsensya dahil sa nalaman ko.

Ano nga ba talaga ang pakay niya sa akin?

The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon