"Ngayong magaling ka na, Jeremy. Pakiusap, ibalik mo na ako sa amin. Please." pakiusap ko sa kanya pagkababa pa lamang niya mula sa kwarto niya pero hindi niya man lang ako pinansin sa halip ay nagdiri-diritso siya sa kusina para kumuha ng tubig at uminom.
"Ano ba! Ibalik mo ako sa amin!" sigaw ko sa kanya pero pinakatitigan lang niya ako.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kong bakit mo ba kasi ako dinala dito? Hindi ko maintindihan ang motibo mo." Di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahilan upang umiwas siya ng tingin.
"Parang awa mo na Jeremy, naudlot mo na ang kasal ko. Ngayon, hindi ko na alam kong paano pa haharapin si Ryan kaya sana naman pakawalan mo na ako. Please...pangako hindi kita isusumbong sa awtoridad. Pakawalan mo lang ako dito sa isla." Patuloy kong pakiusap sa kanya.
"Pakakawalan din naman kita pero hindi pa ito ang tamang panahon." Simpleng aniya saka ako iniwan sa kusina at dumiritso na naman siya papunta sa kwarto niya pero hindi ako nagpatinag dahil sinundan ko siya. Pabalibag kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya at nakita ko pa ang amusement sa mata niya dahil sa ginawa ko.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Kailangan mo ng pera? Kidnap for ransom ba ito para pambili mo ng droga? Oo mayaman si Ryan pero hindi ako papayag na perahan mo siya dahil lang sa akin. Kung papatayin mo lang din ako bakit hindi pa noon? Bakit mo ba ito ginagawa hah? Hindi ka ganito Jeremy. Nakilala kita bilang isang matinong tao hindi bilang isang criminal at tao na kayang manira ng buhay ng iba."
Humahagulgol kong sumbat sa kanya but I didn't expect that he'll suddenly laugh without any hint of humor. Sa halip ay tumatawa siya ngayon sa harap ko habang lumuluha and I can't understand why I felt a pang in my chest seeing him cry in front of me.
"Jane, I risked my freedom just to get you out of your house unnoticed that night ... with the thought that maybe... if I'll bring you here I could spare you from pain and embarrassment. But I was wrong.." naguguluhan akong tumitig sa kanya dahil sa bawat pagbigkas niya ng mga salita na lumalabas mula sa kanyang bibig ay dama ko ang sakit at paghihirap niya.
"I was wrong because right now, Jane. I'm the one who's hurting. I am hurting because just like everyone else, all you could see in me is a criminal. I am hurting because all you ever did was to cry and beg in front of me just because of another guy who doesn't even love you like I do. And I am deeply wounded because right now...you're hurting." Nagsituluan ang mga luha ko dahil sa mabigat na mga salitang pinakakawalan niya pero hindi pa rin ako lubos na nalilinawan sa pinupunto niya.
"Anong sinasabi mo? Hindi ko pa rin maintindihan." Naguguluhang tanong ko kasabay ng pagtungo niya sa bedside table niya at iniharap niya sa akin ang laptop niya. Parang bombang sumabog sa harapan ko ang bumungad na live video sa harapan ko.
Ryan and Amy is cuddling on the sofa inside Ryan's condo.
Napaupo ako sa sahig kasabay ng walang patid na pag-agos ng mga luha ko. Pero yung sunod na narinig ko mula sa kanilang dalawa ang tuluyang nagpaguho sa mundo ko.
"I love you Ryan."
"I Love you too Amy."
"Ever since I graduated in the military, I've already been stalking you around including the people around you even in the middle of my duty. Noong naging kayo ni Ryan, I know it's illegal and I'm just pouring salt to my wound but I planted a camera inside your house and Ryan's condo." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Eversince I knew him, alam ko nang skilled talaga siya sa IT department.
"I hacked both of your phones including Amy's, that's why I know your whereabouts everyday including theirs. 6 months before your supposed wedding with him, madalas kong makita sa monitor ko na magkasama ang bestfriend at fiancée mo." Iminuwestra niya ang kamay sa laptop saka ihinilamos ang palad sa mukha bago nagpatuloy at ako nama'y walang patid ang pagluha.
"Hindi ako nagduda noong una coz I thought, maybe it's about your wedding kaya madalas sila kong magkita na di ka kasama. Until a month ago, napaunod ko kung paano sila maghalikan sa condo ni Ryan pero wala akong magawa dahil nagtatago ako sa batas at masyado kang masaya sa piling niya na hindi ko naman kayang sirain. I thought everything will fall into place...that what they're doing is just a phase *deep sigh* but just a week ago, nagkita silang dalawa sa condo ni Ryan..."
May mga ipinindot siya bigla sa laptop niya disregarding the current video and rewinding some past videos... hanggang sa bumungad na naman sa harapan ko ang isang video clip ng dalawa.
"Ano ba Ryan, kung duwag ka lang din naman umamin.,tigilan mo na lang ako. Ikakasal ka na sa kaibigan ko." Sigaw ni Amy kay Ryan na balisa at problemado. I'd never seen this side of him. He always show me a happy face everytime.
"Look Amy, I'm trying to tell her but everytime I'm with her I lost all my guts to tell her the truth and hurt her. She's too good Amy. I don't wanna hurt her. Jane trusts us so much." Sagot ni Ryan habang si Amy ay napaupo na sa sahig habang humahagolgol. I felt my heart hurting so much.
"You can't hurt her pero Ryan ako naman itong nahihirapan sa kung ano ba talaga tayo. Niloloko ko ang kaibigan ko. Niloloko natin siya." Humahagolgol pa ring ani Amy and it seems like I am crying with her right now.
"Amy please undertand. Hindi din naman madali sa akin ito. I thought I love her so much that marrying her is the best choice but every damn time that I see you, I feel like she isn't enough for me coz there is someone else like you, Amy." Parang tinarak ng punyal ang puso ko dahil sa mga salitang binatawan ni Ryan. All this time, daladalawa pala kami ni Amy sa option niya.
Kung sana nahihirapan sila at ayaw talaga nila akong saktan sana sinabihan nila ako agad kahit gaano pa ako masaktan. I'd rather be hurt by the truth than be comforted with a lie.
"Ilang araw na lang ikakasal na kayo Ryan. Matuto ka nang manimbang dahil nahihirapan na ako, mabuti pa si Jane walang kaalam-alam, sana kasi ako na lang siya." Doble namang punyal ang sumaksak sa puso ko dahil sa katwiran niya.
Where's my bestfriend Amy with that kind of thinking?
"Let's just meet in here kapag maliwanag na sa'yo kung anong dapat gawin." Dagdag pa niya saka dali daling tumayo at nawala na sa range ng camera.
Doon ko narealize na kaya pala siya nagmamadaling umalis the night before my suppose wedding dahil sa oras na yun ay siya ang pinili ni Ryan.
"Kaya ka andito ngayon. Kaya kita dinala dito coz I wanted to save you from pain and embarassment." Saad niya na halos di kayanin iabsorb lahat ng utak ko. I feel so betrayed and to top it all, I feel like a fool.
Bakit hindi ko nahalata? Bakit nila nagawa sa akin ito? Ano bang mali ko? Am I not worthy of their honesty? And why does Jeremy still cares for me after all?
"Kung hindi ka pa naniniwala sa akin feel free to check everything on my laptop. Kung nagdududa ka sa kung paano ko nalaman lahat, Jane it's through illegal means, hacking. I'm sorry if I wasn't able to do anything to spare you from pain. I'm sorry." Aniya saka ito naglakad patungo sa pinto. Nagsalita pa muli siya bago tuluyang lumabas sa mismong kwarto niya.
"You are now free to go back whenever you please. Hindi na kita pipigilan and it's up to you if you'll report me. Just inform Manang at tatawag na lang siya ng bangka para sa'yo."
Naiwan na lamang ako doon na nakahandusay sa malamig na sahig habang lumuluhang nakatingala sa live na harutan ng dalawang tao na akala ko hindi ako kayang saktan ng ganito.
I suddenly feel sorry for myself at kahit hindi ko halungkatin yung mga sinasabi ni Jeremy na ebidensya, kumbinsido na ako ngayon. Sapat na ang napagtanto kong mga kakaibang kilos at tinginan nila sa nakaraang mga araw para kumbinsehin ang sarili ko kung gaano ako katanga.
Hindi ko na alam kong paano ako babangon pagkatapos nito.
I lost my fiancee. I lost my bestfriend.
I lost a dream of having a happy family.
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Fiksi UmumHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017