As I stepped out of the boat, I felt so empty. Para akong ninakawan ng kalahati ng buhay ko. Tila nagpapahiwatig ang bawat bigat ng yabag ko na sa oras na tuluyan ko nang lisanin ang lugar na yun ay wala ring magandang bukas ang naghihintay sa akin.Muli kong nilingon ang pinanggalingan kong isla ngunit sa layo ay hindi ko na din ito maaninag. Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko kasabay sa unti unting pagdidilim ng paligid.
"Miss ayos ka lang?" Ang simpleng tanong ng bangkero na yun ang tuluyan ng nagpabuwag sa depensa ko. Lumuhod ako sa harapan niya dahilan para magpanic siya at di malaman ang gagawin.
"Pakiusap po Tang. Ibalik niyo ako isla. Hindi ko kayang umalis." Humahagulgol kong pakiusap habang nakaluhod at nakahawak sa hita niya. Ilang sandali din siyang natulala bago pumayag at muling ipinalaot ang bangka.
Panay ang tulo ng luha ko habang pabalik kami sa isla. Mabuti na lang talaga maaliwalas ang panahon dahil mababaliw ako kapag hindi kami makakabalik.
"Miss tahan na. Makakabalik din tayo." Pagpapatahan sa akin ni Tatang dahil parang nagpapanic na din siya sa patuloy kong pag-iyak. Sinubukan ko namang tumahan eh kaso hindi ko kaya hangga't di ko nakikita si Jeremy.
Hindi pa man lubos na nakakadaong ang bangka sa pampang ay bumaba na ako kaya ganun na lang ang magkasabay na sigaw ni Manang at tatang dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam pero nasa dalampasigan din si Manang tila alam na babalik ako.
"Si Jeremy ho?" Halos malagutan na ako ng hininga sa tanong ko at tumutulo na din ang basa kong pantalon kasabay ng mga luha ko.
"Aba'y huminahon k..."
"Si Jeremy ho?" Pagputol ko sa kanya dahil wala na talaga akong ibang maisip kundi makita siya't mayakap.
"Hindi ako sigurado kung saan basta lumabas siya sa kwarto niya kanina." Agad akong umalis sa harapan ni Manang at hindi na nag-abalang magpasalamat kay Tatang. Agad kong tinakbo yung direksyon ng may nakaukit sa puno ng niyog.
Hingal na hingal akong humangos patungo doon at tama nga ako dahil naroon si Jeremy. Nakaupo siya sa puno ng niyog na kaharap lang noong may nakaukit na JJ.
Pinagmamasdan lang niya ang nakaukit gamit ang napakalungkot na mga mata habang nakasandal sa puno ng niyog. Hindi na ako nagsayang ng panahon at tinakbo ko na ang distansya namin at humahagulgol akong lumuhod sa harap niya saka siya yinakap.
"Sorry. Sorry. Sorry.." paulit ulit kong hingi ng tawad habang mahigpit na nakayakap sa kanya at ilang sandali lang ay sinuklian niya ako ng mas mahigpit na yakap. We both cried our hearts out habang magkayakap at tila ayaw ng pakawalan pa ang isa't isa.
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at malaya naming pinagmasdan ang mukha ng isa't isa. Tila sinisigurado din niya na totoo ako't bumalik talaga.
"Sor..."
Hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil hinuli na niya ang labi ko at mapusok na hinalikan. I could taste our tears between the kiss that we're sharing pero wala na akong pakialam dahil wala akong ibang maisip gawin kundi tugunin ang mga halik niya.
He deepened the kiss and his hands went down the small of my waist to pull me closer to him. Lahat ng depensa ko sa katawan ay unti unti nang nabuwag dahil sa sensasyong dulot ng kanyang mga halik. He plunged his tongue inside and I can't help but put my arms around his neck.
Binuhat niya ako paupo sa kanyang kandungan at pareho kaming napadaing ng maramdaman ang pagkakalapit pa lalo ng aming mga katawan. His mouth left my lips and he started kissing his way down my neck dahilan para sunod sunod akong mapadaing. I could feel his tongue doing circles and lightly nipping the sensitive spot of my neck.
"Thanks for coming back Jane. I love you so much.." puno ng emosyong bulong niya habang patuloy akong hinahalikan sa aking leeg at wala akong ibang naging sagot kundi mga daing. Once again, he savagely claimed my lips until it lead us into another passionate making out.
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
General FictionHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017