I can't help but smile as I stretch my arms up. Today is my big day. My wedding day.
Ilang oras na lang and I'm gonna formally be called Mrs. Ryan Echavez
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata para salubungin ang isang napakagandang umaga.
But my fantasies immediately flew away as I roam my eyes around an unfamiliar room. The room is a lot more beautiful and elegant looking than my room in my house but this isn't the right time for me to admire it.
For pete's sake, nasaan ako? Anong ginagawa ko sa kwartong ito?
"Amy?" I tried calling my bestfriend hoping that this is just a prank or a surprise plan for my wedding but seems like no one heard me. I was about to walk towards the door when a sudden flashback stopped me from walking further.
Naalala ko nga pala na iniwan ako ni Amy na supposedly kasama kong matulog last night. Inantay ko pa siya hanggang 10pm, I tried calling and texting her but I ended up getting no response kaya natulog ako sa sofa.
"Tama. I don't remember entering my room, sa sofa ako nakatulog but why am I here? Sinong nagdala sa akin dito?" pagkausap ko sa aking sarili. A mixture of worry and excitement is filling up my system.
Excitement na baka nga parte lang ito ng wedding surprise and worry dahil baka kung nasaan ako ngayon at hindi na matuloy ang kasal ko, ang kasal namin ni Ryan.
I decided to get up from the edge of the bed where I'm sitting pero agad din akong naupo dahil sa biglang pagbukas ng pinto.
"Good Morning, Babe. How's you sleep?" Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo dahil sa taong bumungad sa may pintuan. Bakit siya andito? Siya ba ang nagdala sa akin dito? Anong kailangan niya sa akin?
Sari-saring mga tanong ang pumuno sa aking isipan habang naglalakad siya patungo sa akin at paatras naman ako ng paatras hanggang sa maramdaman ng likod ko ang lamig ng dingding. Isa na lang ang namuong konklusyon sa isip ko, hindi na ito wedding surprise so I must really get worried lalo pa't naalala ko ang napanuod kong balita 2 MONTHS AGO.
Naging masusi ang imbestigasyon ng mga awtoridad and they found out that Jeremy's on drugs. Packs of cocaine and shabu is found inside his condo unit. May mga lumutang din na testigo na madalas daw nila makita si Jeremy na tumatawa o nagsasalita ng mag-isa. Madalas din daw itong nanlilisik ang mga mata kung makatingin ayon sa mga staff ng condominium unit. At according sa mga doctor, it may be caused by drug addiction.
And, he killed Ram dahil pinagbabawalan siya ng kaibigan. Base na rin sa huling text message ni Ram para kay Jeremy.
Stop it, bro. It will just slowly kill you.
Sundalo ka pa man din."Je---remy?" utal kong sambit habang titig na titig siya sa akin. I can read it from his expression na hindi niya gustong kinakatakutan ko siya ngayon. Siguro kung noon ito nangyari baka hindi ganito ang reaksyon ko pero iba na kasi ngayon. Makalipas ang ilang taon, ngayon ko lang ulit siya nakita ng harapan.
"I didn't know I'd be hurting this much just by seeing your reaction. Ganun na ba ako nakakatakot makita, Jane?" there's a hint of pain in his voice habang ang mga mata niyang nakatutok lang sa akin ay puno ng lungkot at kung tama ako ay pangungulila.
But why? Hindi ko pa rin maintindihan kong bakit ganung mga emosyon ang ipinapakita niya sa akin at mas lalong nagagalit ako ngayon dahil sa narito ako imbes na inaayusan na dapat ako ngayon para sa kasal ko.
"Anong kailangan mo sa akin? Wala akong atraso sa'yo Jeremy kaya kung ako man ang sunod na target mong patayin, para mo nang awa Jeremy. Ngayon lang ako magiging lubos na masaya sa buhay ko kaya huwag mo naman sanang udlutin."
Umiiyak kong pakiusap sa kanya. Nanginginig na din ako, hindi ko mawari kong dahil ba sa takot o pag-aalala na baka di na ako makaabot sa kasal ko.
Napatingala naman siya sa kisame kasabay ng isang mabigat na pagbuntong hininga. Malungkot siyang ngumisi sa akin saka napapailing na tumalikod. Hindi naman nakakatakot o mukhang nakadrugs na ngisi at mukha ang nakita ko sa kanya. Sa halip lungkot at sakit ang nakaukit dito.
Gusto kong kwestiyunin ang sakit at lungkot na nakaukit sa kanyang makisig na mukha pero masyado akong napupuno ng pag-aalala na baka maudlot ang kasal ko kay Ryan.
"You'll only be free from here until I say so." Aniya saka tuluyang lumabas at isinara ang pinto. Napaupo na lamang ako sa sahig at napasandal sa malamig na dingding.
Nasaan ako ngayon?
Why am I here?
Anong kailangan niya sa akin?
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Fiksi UmumHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017