8. Stuck

4.1K 78 1
                                    

"Wanna swim?" alok sa akin ni Jeremy habang pareho kaming nakatanaw ngayon sa dagat.

Umiling naman ako dahil bukod sa kaliligo ko lang kanina bago lumabas ng silid ay hindi ako komportableng makita niya ang katawan ko habang lumalangoy. Nakakahiya naman sa ganda ng katawan niya pero kahit papaano'y may shape naman ang katawan ko.

"My father once told me that if ever I get heartbroken by a woman I should swim." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi habang siya'y sa dagat pa rin nakamasid.

"Bakit naman daw?" I curiously asked.

"Coz the water shall cleanse all the memories of that person who made your heart ache. As you raise yourself from the water, it will mean a brand new start." Seryosong pagpapatuloy niya pero mayamaya'y ngumiti siya sa akin. Hindi ko maiwasang maasiwa dahil sa ganda ng pagkakangiti niya, nakakadagdag lang sa kakisigan niya.

"Effective naman ba?" tanong ko saka nauna na akong nag-iwas ng tingin pero muli kong naibalik ang tingin ko sa kanya ng tumawa siya. It was a sexy chuckle and I can't help but bit my lower lip dahil sa naramdaman kong kakaibang karambula sa sistema ko dahil lang sa simpleng pagtawa niya.

"Well, it was effective for my father coz he successfully forgot his first love before he met my mom but it was not the case for me." Sagot niya saka matiim na tumingin sa akin.

"Coz up until now Jane, every memory that we had still keeps on lingering my mind." Malamlam ang mga matang dagdag niya habang nakatitig sa akin dahilan upang lalong magwala ang kaibuturan ng sistema ko. The heck!

Mula noong time na tinulungan niya akong maglinis lagi ko na lang siyang nahuhuling nakatingin sa akin, sa klase man o habang nagmamartsa kami. Mas madalas pa siyang nakapwesto sa kinaroroonan ko kaysa sa harapan para icheck yung ibang cadete. Madalas akong maasiwa lalo na kapag mahuhuli ko siyang nakangiti sa gawi ko saka ako kikindatan o ngingisihan dahilan upang mapalayo sa akin ang loob ng mga kabatch ko na babae.

"Hatid na kita." Alok niya minsan habang nakasunod sa likuran ko.

"No need. I can manage." Pagsusungit ko dahil baka may makakita na naman at machismiss pa kami.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin samantalang nagpapakagood boy na nga ako para mapansin mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Totoong hindi na siya madalas pumansin sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya, at maayos na din siya kung magcommand at hindi na siya nanttrip kaya laking pagtataka ng mga co-officers niya at mga kabatch din namin.

"Commander tigilan mo ako. Hindi uubra sa akin yang pang-uuto mo." Balik pagsusungit ko sa kanya pero imbes na matinag ay ngumisi lang siya saka bigla na lang hinablot ang bag at mga libro ko para hawakan saka nagpatiunang maglakad.

Ganun lagi halos ang eksena namin. Susungitan ko siya at hindi papansinin pero nakabuntot lang siya sa akin. Masasabi kong naging constant companion ko siya at nung minsan ngang nag-absent ako dahil naospital si Tita ay umabsent din siya ng hindi daw ako makita sa skul kaya pinuntahan ako sa ospital at sinamahan pa akong magbantay.

"Kung hindi mo pa ako kayang tingnan ngayon bilang manliligaw, sana bilang kaibigan man lang maituring mo ako, Jane." Naalala kong sabi niya minsan. Bilang siya naman ang itinuturing kong totoong kaibigan sa mga panahong iyon ay sumang-ayon ako.

"Walang pwedeng magsayaw kay Jane. Ako lang dapat. CR lang ako, Jane. Dito ka lang pag may nag-aya sayong sumayaw huwag kang papayag." Babala niya sa mga kasamahan at sa akin noong graduation ball namin.

Hindi ko nga alam kong matutuwa ba ako noon dahil sa pagiging possessive niya o maiinis dahil sa akala tuloy ng lahat ay kami na. Pero nananalo pa rin sa kalooban ko yung kilig na may isang lalaki na nagpaparamdam sa'yo kung gaano ka kaespesyal.

"Saan ka mag-aaral ng College? Tsaka ano bang kukunin mong kurso?" tanong niya sa akin bago niya ako tuluyang ihatid pauwi sa bahay matapos ang ball.

"Nursing. Hindi ko pa nga lang alam kong saan. Ikaw? Baka dahil CAT Commander ka namin magsusundalo ka na pala? Sana naman hindi." Natigilan siya bigla dahil sa sinabi ko.

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa sundalo?" tanong tuloy niya. Umiling naman ako saka siya sinagot.

"Hindi sa ayaw dahil parehong sundalo ang mga magulang ko pero namatay din sila noong 10 years old ako sa isang giyera kaya nga si Tita ang nag-aalaga sa akin ngayon." Paliwanag ko kaya bigla na lang niya akong yinakap.

"Sorry. Hindi ko naman alam na ganun pala ang nangyari sa magulang mo." Aniya habang hinahagod ang likod ko.

"Hindi ako magsusundalo, IT ang kukunin ko sa college dahil magaling ako sa hacking." Tatawa tawang dagdag niya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Baliw." Bulong ko dahil sa pagtawa niya.

"Sa'yo." Aniya sabay kindat.

"It just hurts that you already moved on from me and is presently moving on for someone else, while me..." huminga siya ng malalim saka tumingin muli sa dagat.

"I'm still stuck with the same girl with that same love or ... more."

Napayuko na lamang ako dahil hindi ko naman alam kong paano ba dapat magreact.

Yung tipong broken hearted ka dahil sa ibang tao pero yung kasama mo broken hearted din dahil sa'yo.

The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon