It took us another 3 hours for us to return to the island. Hindi ko alam pero parang siguradong sigurado siya na gusto kong bumalik sa isla kasama siya kahit hindi ko pa man sa kanya nasasabi. Namalayan ko na lamang na sabay naming tinatahak ang daan pabalik rito. Sumakay kami sa kotse na hindi ko alam kong legal ulit na kanya saka muling sumakay sa motor boat niya. The journey was a bit off dahil wala ni isa sa amin ang nagsasalita. I didn't dare talk to him coz he seem bothered about something but his expression softens every time he looks at me. Hindi ko tuloy maiwasang mailang.
"Manang sabayan niyo na po siyang kumain. I still need to do something in my room." Aniya pagkarating pa lamang namin and I was about to stop him and invite him para sabayan kami pero tila naumid ang dila ko ng halikan niya ako sa noo.
"Rest well after you eat." Malambing na aniya saka tuluyang umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya.
I had no choice but to dine with Manang. Tahimik lang kami at paminsan minsan ay nagtatanong kong ano pang gusto kong kainin sa mga ulam na iniluto niya. Wala naman akong ibang komento sa mga luto niya kundi masarap. I cook but not as good as her.
The night was so silent and stars filled the sky. Dahil hindi ako makatulog kahit alas dose na ng gabi ay lumabas ako patungo sa dalampasigan. I wanted to closely hear the sound of the waves than to hear the painful beating of my heart. Naupo ako sa gilid nito and I felt the cold breeze slowly penetrating my skin. I forgot to bring a jacket but I was too lazy to go back kaya titiisin ko na lang.
Isang minuto pa lamang yata ako nakakaupo ng maramdaman ko ang paglapat ng mainit at mabangong bagay sa balikat ko. It's a jacket and its scent immediately filled my nostrils and I got to be a lot more comfortable wearing it. Jeremy na Jeremy ang amoy. Tumabi rin siya sa akin, not so close but enough to still feel his warmth. I must say that he looks even more handsome even only with the stars lighting us.
"I told you to rest well." Paniningil niya and I can't help but blush dahil sa paghalik niya sa noo ko kanina. Gad! Why is it even a big deal to me?
"Hindi kasi ako makatulog." Pagdadahilan ko which is totoo naman. I heard him sigh. Seconds later, yung alon na lamang ang tanging naririnig namin.
"Saan ka pa pala nagpunta kanina? Paano kong nahuli ka nila?"I bit my lower lip with my question. Hindi ko na kasi matiis ang katahimikan. Noon gusto kong sumuko siya pero ngayon parang nagdududa na ako sa sarili kong paniniwala. I noticed a smile creped on his lips with what I asked.
"Now you're worried." I sensed delight with the way he said those words.
"Hindi ah. I was just....just..." tila nawala yata ako sa kung anong dapat na idedepensa ko which cause him to chuckle. Napapahiya naman akong nag-iwas ng tingin.
"Hanggang kailan ka mananatili dito? Kailan ka susuko sa awtoridad?" di ko naiwasang maitanong makalipas ang ilang minutong katahimikan. Naramdaman ko ang bahagyang pagsulyap niya sa gawi ko saka napapabuntong hiningang nagbalik ng tingin sa dagat.
"Sa tamang panahon." Simpleng aniya. Gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko alam kong paano. He used to open up so many things about him to me before pero iba na ang sitwasyon ngayon. Malamang sa tinagal tagal ng panahon at baka hindi na din ako ganun kaespesyal sa kanya tulad noon.
Pero sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako titigan at alagaan pati na din yung mga nasabi na niya sa akin mula ng mapadpad ako sa islang ito like he's telling me na he's still into me, hindi ko maiwasang umasa kaso alam ko namang hindi na pwede.
Hindi na.
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Ficción GeneralHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017