Chapter 35

5 1 0
                                    

Gio's POV

It took me almost an hour before i was able to convince Jong that i'll be fine and he should get to work.

He'll just be 2 floors down yet he refused to leave my side.

"Ken, chill okay? Dito lang ako pag break mo aakyat ka lang andito ka na."

Kinailangan ko pa syang ipagtabuyan para lang bumaba sya at magtrabaho.

Kaloka kasi nasa 3rd floor lang ako tapos sa 1st floor - ER - lang sya eh ayaw pa pumasok.

After 4 blood bags, 500cc, im feeling much better yet i can feel my body is deteriorating.

Malamang sa malamang, bagsak ang immune system ko as in 55 hindi lang 70 kumbaga sa class card.

RBC and Plasma ang kailangan ng katawan ko pero alam ko rin na paglumala pa eh marrow o stem cell transplant na ang kelangan ko na close to impossible makakuha ng donor kasi nga ulilang lubos ako at walang kamag-anak na kilala.

GREAT!

Napabuntong hininga na lang ako nang pumasok sa room ko si Dr. Sales at isa pang Doctor, oo doctor sya naka coat rin eh

Ive seen those familiar eyes before...

"Hi Ms. Lim." The new doctor said offering his hand for me to shake and i did

"Hello, Dr?"

"Sya si Dr. Martinez, one of the best oncologists in the country." Pakilala ni Dr. Sales at para makasigurado

"Dr. Federico Martinez II?" I cautiously asked which made him chuckled

"Yes, Hija." Mas kamuka sya ni Jong pag naka smile kahit mata, height at complexion lang nakuha ni Jong sa kanya. Weird noh?

"How can i help you, doc?"

"Well, from this day moving forward i'll be incharged." He said as he scanned my chart and flip through the pages

"Dont get me wrong doc but i dont think i can afford your professional fee." I told him bluntly which made him tear his eyes from my chart then to me

"You dont have to worry about that Hija. You're my son's fiancè and i cant just let someone else, no offense Ryan,"

"None taken, Rico." Dr. Sales replied, mukang friends sila first name basis eh.

"Bottom line is, whether you like it or not i'll handle your case and be your doctor." Sabi ni Dr. Martinez yong tono na AND THAT IS FINAL!

Ganon ang pagkakasabi nya so ako naman, okay sabi mo eh.

"Thank you po." Na lang nasabi ko pero bago sya umalis

"Lumaban ka para sa anak ko, please."

Di ko napigilan tumulo luha ko sa pakiusap nya kaya tumango na lang ako.

Obviously, tough love ang namamagitan sa kanila ni Jong.

Nakaidlip pala ako at nagising ng may humalik sa noo ko at isa lang ang alam kong gagawa kong non at yong amoy na yon kahit mejo amoy ethanol ahaha

"Kanina ka pa?" Usisa ko

"Nope."

"Nagmerienda ka na?"

"Di pa kaya ako nagmadali umakyat kasi i know marami kang stock." Sagot ni Jong na natatawa habang nagbabalat ng banana akala ko kakainin nya yon pala para sa akin

"Thanks."

"Toxic kayo?" Tanong ko

"Mejo, merong accident eh tapos may politician na inatake so ayon media's pestering us." He said nonchalantly habang kumakain ng cake

"Nagrounds na si doc?" Out of nowhere na tanong nya di ko alam kung ano sasabihin ko buti na lang nakatalikod sya kasi kumuha ng inumin

"Oo pero wala naman binigay na bagong prescriptions so i guess keri lang." Totoo naman yong sinabi ko i just left out a tiny detail na father nya ang nag rounds.

"Good to hear." He said as he sat beside me, sa bed mismo.

"Andito yong laptop pag wala ka magustuhang movie sa tv." He tapped the night stand's drawer beside him

"Thank you." Sagot ko tapos dumating na ni Khaye, Ed at Ate Mae

Apparently, pag break din ni Khaye eh andito rin sya dumadalaw at kumakain ahaha mas masaya daw kasi yong mga choices ng pagkain dito kesa sa pantry

For some reason di nagtatagpo ang mag-ama dito sa room ko, either coincidence or sinasadya ni Dr. Martinez.

If thats the case, Arghh mag-ama nga sila, ang lalaki ng ego.

"Alam mo bang si Dr. Martinez pala ang father ni Jong?" Usisa ni Khaye after a week since ive checked in here since 2 lang kami ngayon

"Oo, Dr. Federico Martinez II nga diba?" I deadpanned

"Grabe sya lang naman yong isa sa pinakamalulupet at highest paid specialist well oncologist dito sa pilipinas." Napalunok na lang ako don sa highest paid, damn.

"Pero bakit di nababanggit ni Jong? Ay oo nga pala di sila in good terms." Tanong nya sagot nya ahahaha ako ba talaga kausap neto o sarili nya?

Sunod sunod na yong hatching ko tapos barado na ilong ko.

"Shit sinong galing dito ang may sipon?" Tanong ni Khaye sabay kapa sa noo ko

"Yong nurse na escort ni Doc though naka mask naman sya." Sagot ko pero yong boses ko akala mo nag snorkeling ako then malamang cool fever yong tinapal nya sa noo ko

"Pota, alam naman nila ang protocol eh." Inis na sabi ni Khaye pero nagbabalat na sya ng ponkan - ayaw ko kasi ng oranges eh.

"Eh naka mask naman sya nagkataon lang na sobrang hina ng resistensya ko, umayos ka nga parang di mo alam." Saway ko kay Khaye

"Eh kahit na malamang di nag-alcohol yon. Sino ba yon at maregaluhan ng sandamkmak na alcohol." Inis pa rin sya pero mejo kalmado na

Dumating na rin Jong kasi off duty na nya and for the past week eh 2 kaming tenant dito ahahaha kasi dito na rin sya natutulog naliligo at kumakain. Tipid kami sa tubig at kuriente ngayon hehehe

Sumunod na rin si Ed at Earl na as usual may dalang foods. Luto ni Ate Mae at mga binili nila na kakainin nila habang andito sila

"Who the fuck among you have colds?" Galit na tanong ni Jong nagulat kaming lahat pero sumagot rin

"Ewan."

"Wala!"

"Not me."

"Kelangan sumisigaw?" We all said in unison to answer him

"Eh kanino ka nahawa?" Malumanay na si Jong di na beast mode

"Mr. Martinez, you know for a fact na highly susceptible ako sa lahat ng sakit ngayon kaya expected nato from time to time." Paliwanag ko pero iiling iling pa rin sya

Nagkukwento ng mga katangahan nila sa Club Mwuah for the past week kaya super tawa kami gang sa bigla na lang akong naubo and imbes laway yong tumalsik eh dugo na konte lang nong una gang sa nasamid na ako at umubo ng bongga mas marami ng duho ang lumabas

At nataranta na silang lahat.

musikeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon