Hi. Here is your critique jeuyork. Thank you for sharing your story with us. God bless.
Critic: KawaiiYuzami
***
Characters:
▶ Bet ko yung mga characters mong sina Lia at saka si Pau kasi sila talaga yung tipong mag best friend. Yung tipong sasabihin sayo na "Uy di ba yung crush mo yun?" tapos rinig na rinig pa ng ibang tao. Naiinis lang ako kay Pau kasi bakit siya nagpapaka plastic kay Lia nung una, saka alam naman niyang patay na patay parin si Lia sa ex niya. 😑 Anyway maganda pagkaka portray mo sakanila.
Structure/Plot:
▶ Akala ko yung story is about paano mag move on sa ex. Natuwa ako kasi biglang lumitaw si Apolinario Gomez sa scene para saluhin si Lia. Plot twist nanaman yung kapatid pala ni Pau si Pol. I was like "whaaaaaaat?" Nag enjoy ako sa pagbabasa nung story mo. Nalungkot lang ako kasi bakit hindi happy ending diba? Bakit kailangan pang mamatay ni Pol.
Theme/ Philosophy:
▶ Target readers are teens, hindi ba? Sa plot ng story mo, kuhang kuha mo na yung readers mo kasi maybe halos lahat makaka relate sa story mo, lalong lalo na yung bes mo na kunware kaibigan ka pero inaahas na pala yung syota mo. Anyway, hindi naman ganun yung nangyare pero sympre, nakakainis parin yung tipong best friend mo tapos alam na patay na patay ka sa isang tao tapos papatulan niya. Like, konting hiya naman bes. Napaka relevant nung mga scenes, bet na bet ko.
Setting:
▶ Almost yata sa school yung setting, hindi ba? At kapag nag cha-change setting ka naman, nasasabi mo naman ng maayos kaya hindi nalilito yung readers mo.
Dialogue:
▶ Maayos din pagkakasulat mo ng dialogues mo. Ang tip ko lang, lagi mong banggitin kung sino yung nagsasalita at kung paano niya ito sinabi para feel na feel ng readers yung feelings ng mga characters mo.
Author Style:
▶ Common yung author style mo. Pero hindi ko sinasabing palitan mo. Naiintindihan ko yung pagkakasulat mo ng mga scenes. Tip ko lang, lagyan mo pa ng details yung descriptions mo. Ilagay mo sa description mo kung anong nakikita ng main character mo, para makita din nung readers at para mafeel nila na parang andun din sila sa scene na iyon. Kahit minimal lang na pagkaka describe para mavisualize din ng readers yung lugar na pinangyayarihan.
Mood:
▶ Sad! Nakakalungkot kasi parang bad luck nalang yung nangyayari kay Lia. Tapos yung ending namatay si Pol nang hindi nakakapag explain kay Lia. Nakaka heart broken lang. Nakaka kilig din because of Pol. Parang anime lang yung dating ni Pol, ang perfect niya.
Insights:
▶ So masasabi ko lang, "There are two sides of a coin" Huwag muna gumawa ng desisyon/conclusion pag hindi mo alam ang kwento ng both sides, kasi in the end, pagsisisihan mo rin lang. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. But still, one can accept his/her mistakes and move on with life.
Thanks for sharing your story!- - -
Rating of your story:
1.25 (95-97)
Letter Marks and its Description:
Completed
NI - ( Needs Improvement )
- - -
BINABASA MO ANG
Accentify Critique Lounge [ CLOSED / FINISHING PRIOR APPRAISALS ]
RandomIt hasn't had a chance to be in place long enough to offer a critique of how it's working. The surge has only been fully in place for a week or so. - MB This is Accentify Critique Lounge. Hope you'll give us your trust, in criticizing your story. W...