El Kleos Vier: The chosen elites

29 2 0
                                    

     Hello. Here is your critique, AliceonIce! Thank you for sharing your story with us. God bless.

     Critic: MissUnknown8

Characters:

     🔥 Sa mga pangalan lang ng characters... I don't know, kapag binabasa ko 'yong mga unique and unique-ish names eh parang cringy? Maybe it's because their names are too unique, parang hindi na kapani-paniwala... Siguro dahil na rin nga ang iba siguro sa mga 'yon ay mga gods na hindi ko kilala or whatsoever... But as I read the story naman, unti-unti nang nawawala ang feeling na 'yon at nasasanay na ako. Pero setting that aside, nagustuhan ko 'yong characteristics ng mga characters, especially si Fierre. Pero bago ko maging bukambibig si Fierre, nagustuhan ko 'yong mga characteristics na 'yon kasi dahil sa mga ito, the characters comeplement with each other. Like 'yong kay Lidell at Helion, si Lidell, pansin ko na naman na mahal niya si Helion, ayaw niya lang umamin (LOL), at siya eh, how can I say this... "nagpapagamit" kay Helion by letting him suck her blood. At ito namang si Helion, dahil sa sinabi niya no'ng nagkausap yata sila ni Henrianna (I don't remember kasi eh... Ulyanin me... LOL), parang talagang ang habol lang niya kay Lidell ay ang kanyang blood. I hope I explained clearly... Magulo akong kausap eh... LOL! So balik tayo kay Fierre... NA-IN LOVE NA YATA AKO SA KANYA! 'Di ko alam kung mapapatawa o mapapa-facepalm ako sa personality niya eh! Hindi halatang archangel siya kasi nagmumura. Tsaka hindi rin talaga halatang general siya! Pero sa bagay, 16 years old naman siya, may pagka-bata pa, kaya gano'n... siguro... LOL! Tsaka napakatindi niya ah! May alam sa labas ng Triesse! Kilala niya si Liza, pati na rin mga salitang tayong nasa generation na ito alam niya! Abaaa senpai na senpai ang peg! LOL! Pero seriously, literal akong napatawa sa sinabi ni Fierre sa part na una niyang ginamit ang mismong powers niya sa mga zombie... Pfft... Kay Hera naman... I liked how curious she is. Naging dahilan 'yon ng pagkaalam pa namin ng mga bagay tungkol sa Triesse at sa kanila mismo. Totoo ngang wisdom is born out of curiosity... Tsaka napansin ko lang, sa'kin lang 'to ah... Parang ginawa mong ka-relate-relate ang ibang characters sa readers. Katulad ni Hera, may pagka-shut-in siya (LOL! Basta nasa loob lang siya lagi.). Ako kasi gano'n din eh... Hahaha! Pero tanong ko lang... Pa'no nalaman ni Hera na sa 7th tower sila pupunta? May kinalaman ba do'n 'yong binanggit niya na "She (Sister Norhana) didn't give any response after that,  she just looked directly into my eyes as if she is sending a message"? O alam niya na talaga simula pa lang?

Structure/Plot:

     🔥 I liked where the story is going. Gaya nga ng sabi mo Ms. Author, maraming mga twists, tsaka may mga new characters pa rin na lumalabas as the story goes on. Sana magpatuloy ito. Nagustuhan ko rin 'yong sa fighting scenes, 'di man gaanong katindi, naiintindihan pa rin naman. I also liked how you describe the appearance and the feeling of the characters. Nagkakaroon talaga kami ng vivid picture sa isip namin. May mga napansin din pala akong wrong spelling and grammar. Edit na lang, okay na. Pero ipo-point out ko lang 'yong sa mga part na ginamit mo 'yong word na "didn't" plus verb. Ang alam ko kasi, once na ginamit mo 'yong didn't na negative since may "not", dapat nasa present tense na 'yong sunod, which means na tatanggalin 'yong -ed sa verb. Tsaka please take note of the proper use of punctuation marks.

Theme/Philosophy: 
 
     🔥 Fantasy na fantasy naman ang story, mapa-pangalan, lugar, pati sa mismong characters, kaya wala nang problema do'n.

Settings:

     🔥 Nagustuhan ko 'yong trick mo. Worth it 'yong hindi mo pagbanggit sa simula pa lang no'ng information kasi sa simula, talagang nakaka-curious kung ano ito, saan 'yan, anong meron do'n. At 'yon nga, no'ng sinagot mo 'yong mga katangungang 'yon, sobra pa sa kung anong gusto naming malaman. Very very detailed, kaya thumbs up for that.

Dialogue:

     🔥 Okay lang naman 'yong pagpapakita ng palitan ng sinasabi, at okay-okay rin naman 'yong mga kaanuhang pinagsasasabi ni Fierre. Normal na rin naman 'yon sa isang 16-year old na lalaki eh. Tsaka it makes the story more interesting and balanced naman. And by that, I mean hindi masyadong seryoso, at may konting humor.

Author's Style:

     🔥 Nagustuhan ko 'yong paggamit mo ng mga malalalim na salita. Nagkakaroon tuloy ng tendency na mag-search ang mga readers ng meaning kung ano 'yon, and it will eventually lead to addition to our vocabulary.

Mood:

     🔥 Seriously, 'di ko alam kung ano talaga ang main kong nararamdaman while reading this story. Tuwa? Inis? Curiosity? Kaba? Kilig? Halo-halo eh. Pero srsly, sarap talagang sapakin ni Fierre... LOL

Insights:

     🔥 Sa story na 'to, ang natutunan ko eh "Take your tasks seriously, whether it involves only yourself or many others, cooperation is important." Na-realize ko 'to the moment na maglaban sina Fierre at Helion at Hera at Lidell. Dahil do'n 'di ko alam kung anong mangyayari sa El Kleos Vier, kung magkakaisa ba sila o hindi...

- - -

Rating of your story:

1.25 (95-97)

Letter marks and its Description:

IP - In Progress

- - -

P.S. In-unpublish/Dinelete niyo po ba? 'Di ko mahanap sa library ko eh... O baka nagloloko lang? LOL

Accentify Critique Lounge [ CLOSED / FINISHING PRIOR APPRAISALS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon