Mr. and Mrs. Zoldyck?

34 2 0
                                    

     Hello. Here is your critique, MsNotSoFabulous99! Thank you for sharing your story with us. God bless.

     Critic: MissUnknown8

Characters:

     💍 Nagustuhan ko po talaga ‘yong characters niyo not only because of their hidden identity, like 'yong kay Kazumi na minsan eh may nagte-take over sa kanya, but also because of how they are formed! Like Kazuo + Azumi = Kazumi! Kawaii ne!!! Bet ko rin po 'yong may dinagdag kayo na ibang characters from ibang anime. Although nag-iba 'yong ugali nila ng kaunti, sumakto pa rin naman 'yon sa story, kaya walang problema do'n. Sa totoo lang, hindi ko pa napapanood 'yong Hunter x Hunter, so hindi ko pa alam kung nag-iba ba o hindi ang characteristics ni Killua. Kapag napanood ko na lang after na mapanood ko 'yong MGA naka-line up na anime saka ko ico-comment mismo sa story niyo 'yong mga dagdag pang critique. Haha! At syempre, di ko kakalimutang banggitin ang nii ni Kazumi!! Ang sweet kaya nila, lalo na no'ng binuhat ni Aki si Kazumi! Oyy hindi incest ah! Hindi ako fan no'n! Wahaha!!!

Structure/Plot:

     💍 Wala na naman masyadong problema sa structure. May mga typos and wrong grammars, pero kaunti lang naman siguro ‘yon. Masyado akong nilamon ng story kaya hindi ko na napapansin eh... Wahaha! Ipo-point out ko lang po ‘yong proper way of using apostrophe katulad no'ng sa "its" na dapat ay "it's", at "your" na dapat ay "you're". Alam ko naman na alam mo 'yon, kaya edit-edit na lang! Pero 'wag kang gumaya sa'kin na kahit hindi pa tapos ang story eh ine-edit na agad, ha? Tapusin mo muna para matapos rin naming mga readers na basahin 'yong story mo at malaman kung anong mangyayari kina Kazumi at Killua. Haha! 'Yong sa plot naman, diba sinabi mo na parang "dying" na at nawawala na sa original storyline? Okay lang 'yan! Kapag itinuloy mo naman 'yan, malay mo magawan pa ng paraan at sumakto pa rin sa original storyline, diba? (Wow, di naman halatang gusto kong matuloy 'yong story eh, ano? Wahaha!)

Theme/Philosophy: 
 
     💍 Meh… Swak naman 'yong genre or theme sa story mo eh... May kaunti pa ngang cross-over... Hahaha!

Settings:

     💍 Wala na rin pong problema dito sa settings kasi patok naman 'yong ginamit niyong lugar, specifically sa kasal nina Killua at Kazumi, which is 'yong private island, since dapat nga ay walang nakakaalam no'n…

Dialogue:

     💍 Shatap na ako dito… Maayos naman ang structure ng conversation at naiintindihan naman namin kung sino ang nagsasalita, so okay na ‘yon… Ayy wait! Hindi pa pala ako shashatap ditooo!!! Isa sa mga nagustuhan kong sinabi ni Kazumi ay 'yong humugot siya tungkol do'n sa walang forever! Nagustuhan ko 'yon bes! Hahaha!

Author's Style:

     💍 Sa dinami-rami ng mga nabasa kong fanfiction, hindi ko na tanda kung nakabasa na ba ako ng Character x OC... Ulyanin much... Hahaha! At sa dinami-rami na rin ng nabasa kong fanfic na may kasalan, ngayon pa lang ako nakabasa ng isang story na ang mga ikakasal ay 15 years old pa lang. 15 sila diba? Dibaaa?! Di ko na tanda eh... Katulad nga ng sinabi ko, masyado na akong nilamon ng story... Hahaha! So base sa mga sinabi ko, masasabi kong unique 'tong story.

Mood:

     💍 At dahil may kuya na naman sa story na 'to, nabi-bitter na naman ako. Gusto ko kasi ng kuya, pero wala naman akong sarili kong kuya. Cousins lang. (Haaayss, hindi talaga ako maalam makuntento... Tsk tsk tsk...) Basta halo-halong emosyon din ang naramdaman ko dito! May kaba, pagka-curious, excitement, saya, lungkot, minsan napapaiyak na rin ako, pero nangingibabaw pa rin 'yong KILIIIG!!! Lalo na no'ng kinakasal sina Kazumi at Killua, grabeee nakailang beses kong pinigil ang pag-irit ko!!! Waahhh!!!

Insights:

     💍 Actually, nakaka-relate talaga ako kay Kazumi in terms of her, not knowing what she really feels. So siguro ang natutunan ko from that eh “Know what you really feel, because not knowing may cause someone pain...”, katulad no'ng nag-away ang mag-asawa,  at susme, nasaksak pa si Killuaaa!!! Anyways, bakit ko natutunan 'yon? Naranasan ko na rin kasi 'yon. Ang dami ko nang nasaktan dahil hindi ko alam kung ano talaga ang totoo kong nararamdaman... Hayst... Hahaha! Tamana nga drama susme... Pfft...

- - -

Rating of your story:

1.00 (98-100)

Letter marks and its Description:

IP – In Progress

Accentify Critique Lounge [ CLOSED / FINISHING PRIOR APPRAISALS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon