"Edi gawin mo, mumultuhin kita pagkatapos at hindi ko patatahimikin ang buhay mo hanggang sa mabaliw ka. " I said half
angry, half sarcastic.
"Tss. Nakakaasar ka ha! Hoy, umakto ka ngang personal maid ko hindi yang para kang hindi nagtatrabaho, tandaan mo
binabayaran kita."
"Ng tatay mo kamo, hindi mo naman pera yun."
"Aba! Sumasagot ka pa! Eto!" bigla nyang hinagis sakin yung bag nya buti na lang naabot ko, "Dalhin mo yan sa classroom
ko."
Bigla na syang tumalikod, gusto ko sanang umangal pero utos yun eh kaya kelangan ko na lang sundin. Pero nakakaasar
lang, nakakotse naman sya papuntang school ah bakit hindi na lang sya ang magdala? Sakin nya pa pinadala 'tong mabigat
nyang bag eh naglalakad lang naman ako papuntang school! Asaaar!
Pagod na pagod na akong nakarating sa school, tagaktak na ang pawis ko umagang umaga pa lang. Ikaw ba naman
magbuhat ng dalwang bag hindi ka kaya mapagod? Buti na lang hindi pa time, may mga 5minutes pa naman bago magbell
kaya naman nagdiretso agad ako sa classroom ng halimaw na yun para ibigay ang bag nya.
"Excuse me, do you need something?" hinarangan ako ng dalwang mataray na babae pagkarating ko sa pinto ng classroom
nila. Tinitignan pa nila ako mula ulo hanggang paa, para bang minamata nila ako. Err, sige na, kayo ng maganda. Tss.
"Ah, may iaabot sana ako kay Cross."
*SLAP!*
Bigla akong sinampal nung isang babae sa pisngi, hindi ko alam kung bakit, "How dare you?! How dare you call Prince Cross
Sandford by name? Gosh. How uneducated!"
Ganun?! Sinampal nila ako kasi tinawag ko si Cross ng Cross lang? Eh ano ba si Cross, prinsipe ng Pilipinas para tawaging
Prince Cross? Okay lang sila, baliw ba sila? Psychos.
"Hoy kamatis, tantanan mo nga ako sa english mo. Saka sino kaya mas uneducated satin? Ikaw 'tong nanampal ng tao ng
basta basta at dahil lang sa mababa at hindi considerable na dahilan!"
"What did you just call Riri?! A what? A kamatis? OMG."nilagay nya pa yung likod ng palad nya sa tapat ng noo nya at
umaaktong hihimatayin, talagang may maarte accent pa sya dun sa "kamatis" part. Grabe, sasaksakin ko 'tong mga 'to sa
kaartehan eh.
"Eh ano?! Mukha naman kayong mga kamatis sa kapal ng blush on nyo!"
"Aba! Look who's talking, a dirt bag."
Pigilan nyo ako, hahambalusin ko 'tong mga 'to. Pigilan nyo ako.
"Tignan mo sina Riri at Femme, may ina-abuse nanaman ata dun sa may pinto. Sino ba yun mukhang hindi taga klase
natin." sa may loob ng classroom, narinig kong may nagsalitang isang lalaki, napatingin ako sa kanila, marami silang grupo
ng lalaki mga lima ata, yung dalwa nakaupo properly sa seats nila tapos yung tatlo nakaupo sa may table habang nakapalibot
sila in circle, parang naguusap usap ata sila. Pero nakuha ng attention ko yung guy na nakaupo sa table sa may left na
nakapamulsa at tinatanggal ang headset nya, tumingin sya sa direksyon ko at nagmeet yung eyes namin, emotionless lang
