Pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa... Andun na ako sa part na pumunta sya sa ball at nasurprise yung prince at
ginusto syang isayaw, declining all the girls in the hall...
"While Cinderella was thus amusing her sisters, she heard the clock strike eleven and three-quarters, whereupon she
immediately made a courtesy to the company and hastened away as fast as she could that one of her glass slippers
slipped at the end of the stairs."
EDI TAMA NGA! Yung babae nga ang nakaiwan! At hindi ang lalaki!
"Oh ano, bakit sinarhan mo na yung libro? Hindi mo pa natatapos ah?"
"Eh alam ko na storya! Sabi ko na nga eh si Cinderella ang nakaiwan at hindi yung prinsipe! HANSHUNGAKS naman
nito eh!" inihagis ko yung libro sa may damuhan hindi malayo samin.
"HOOY! Bakit mo hinagis yung libro!" bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo namin sa damuhan para kunin at
pulutin yung librong hinagis ko.
Nung makuha nya yun ay pinagpagan nya pa yun at minake sure na walang dumi or gasgas dun habang pabalik sya
sa tabi ko, "Nanghihiram ka na nga lang ng libro, sisirain mo pa. Ano na lang sasabihin sakin ni Aly pag nasira 'to?"
"Asus, kaya pala naman. Kay Aly pala yung libro. Ipakilala mo nga sakin yan one time."
"Shut up!" ay bad mood si koyaaa? hahahaha. XD
Oo nga pala, andito kami sa may park kasi bigla nya akong tinawagan sa cellphone "KO" at sinabing makipagmeet
daw ako sa kanya ngayon at may importante daw kaming paguusapan. Since wala naman pasok ngayon dahil sabado
eh nakapagdecide akong pumunta na lang dahil wala rin naman akong gagawin.
Itinanong ni Memo yung tungkol sa ball kagabi, kung how it went daw... Syempre, naikwento ko na rin sa kanya lahat
lahat kasama yung lalaking tangek na nadapa sa hagdan at iniwan pa ang kabiyak na sapatos na nagmala-cinderella.
Kahit naman hindi ko ikwento yun, siguradong malalaman din naman nya. Alam nyo naman si Memo, may pagkafishy
yan, lahat na lang alam nya at hindi ko alam kung bakit. =__=
"So did you like him?"
"E-eh? E-ewan ko!" nabigla naman ako sa tanong nya.
"C'mon, be honest to yourself. Did you like him?"
"Aba malay ko! Ni hindi ko nga kilala tapos paano ko magugustuhan? Ano yun, parang pagkain? Sasabihin mong
masarap kahit hindi mo pa natitikman?!" teka.. parang ang laswa ata ng naging comparison ko... =__=
"Eh paano kung kakilala mo sya?"
"Eh?"
"Tutulungan kitang makilala sya, sabihin mo muna sakin... anong naramdaman mo ng gabing yun? Be honest."
"Ehh.. naramdaman ko? Ano... umm... ehh..." palinga linga ako na para bang makakahanap ako ng sagot sa hangin...
"Ehh.. ano... kasi... paano ba... eh... ahh... eh..."
"Ano ba? Mag-a-e-i-o-u ba tayo dito?" impatient na sabi nya. Antaray nitong isdang 'to, PMS ba 'to? =__=
"Teka lang! Nagiisip eh!" >_<
"Hindi naman yan iniisip eh! Pinapakiramdaman!"
"Psh. Ewan ko... naramdaman ko nun time na yun? Ehh... yung ganto," tinapat ko yung kamay ko ng ilang inch lang sa