----------------------------------------------
Dear Diary,
Teka. Niyayaya nya akong matulog sa tabi nya? Epekto ba ito ng matinding lagnat at takot? Ewan ko parang may kumalbit sa
puso ko ng maaninag ko yung mukha nya mula sa liwanag ng lampshade habang niyayaya nya akong matulog sa tabi nya...
Alam nyo ba yung feeling na para kayong nakakakita ng bata na gustong tumabi sayo sa kalagitnaan ng gabi kasi nagkaroon
sya ng masamang panaginip?
May mga tao talagang hindi mo pedeng basta bastang husgahan sa panlabas na anyo, minsan
kasi ang totoong katauhan talaga nila ay yung nasa saloobin nila. Parang si Cross, halimaw sa panlabas na anyo pero isa
pala itong batang iyakin sa loob loob. To be honest, I find this side of him cute. :"3
- Eya
-----------------------------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
entry --- 19.1
“Pede bang tabihan mo ako?” nabigla talaga ako sa tanong nya. Hindi ako nakaimik, napatulala tuloy ako sa sinabi nya, para
bang hindi nagfunction or nagload sa utak ko yung sinabi nya. Parang nabingi ako ng hindi oras.
“H-ha? Anong sabi mo?”
“S-sabi ko tabihan mo ako!” sumigaw sya pero but he actually croaked which shows how embarrassed he is with his request
kahit hindi kita ng maayos ang expression ng mukha nya sa dim light.
“A-anong?!”
“T-tabihan mo ako!” nanginginig na sabi nito. “P-pero don’t think anything dirty! Wag kang green minded! Gusto ko lang na
tumabi ka dito sakin para mahawa ka sa lagnat ko at mamatay ka!”
Ibang klase rin ah. Mag-aask na nga lang ng favor nangunguna pa rin ang nakakainis na ugali nya! Gets ko naman kung bakit
gusto nya ng may katabi--- alam kong para syang isang 5yrs old ngayon na hindi makatulog sa takot. I understand him, I was
like him when I was 10yrs old after I saw my parents got killed right in front of my eyes which gave me nightmares for so many
years, everytime I woke up from those nightmares, I went to my Ate’s bed crying and asking her if I could sleep beside her.
“Pag nanghihingi ng favor, anong sinasabi? Hindi ba dapat magpe-please muna?” sinusubukan ko munang asarin sya since
sinisira nya tulog ko. Tatabihan ko naman sya eh, hindi ako kasing malisyoso nya noh! I’ll just do it kasi I know the feeling na
you can’t sleep because of the fear you have inside you. I’ve been there in that state so I completely understand his fear.
"Please mo mukha mo!" haay. Ito talaga 'tong Cross na 'to walang pag-asa. Magpe-please lang hindi kayang gawin? Ohwell,
manigas sya. I understand his fear pero yung pride nya hindi ko magets!