"Take a rest Chad, you can always resume the race when you feel ready again." it took me all the courage to grab him and pull
him near to me, almost hugging him.
"Peppy," he keeps crying underneath and I feel his breath as he speaks, quite shaken.
"Hmm?"
"Ano ba ang meron si Cross na wala ako?"
Ah, right. Si Cross lang naman ang malaking epal sa lovestory ng dalwang bestfriend ko.
"Anong meron sya na wala ka? Let me think...hmm. Autistic personality..."
"Huh?"
"Autistic si Cross kaya wag kang maiinggit dun, siguro nakyutan lang si Lory sa unique attitude ni Cross. Pero I assure you,
you're better than him you just have to prove it to Lory. Basta no matter how many times she pushes you away, dont give up
on her. Malay mo ikaw pala naman talaga ang bida sa storya nyo ni Lory diba? Sabi mo nga walang masamang umasa, wala
ring masamang masaktan."
"Peppy, alam mo hindi ako nagsisising pinili kitang maging bestfriend. You know how to feel others. Kung oras lang talagang
mahalin kita, minahal na talaga kita." magsasalita pa lang sana ako kaso napansin kong nakapikit na sya. He fell asleep in my
arms.
Di bale ng hindi dumating yun oras na mahalin mo ako Chad, mahalaga ay dumating yung oras na mahalin ka ng taong mahal
mo. Alam ko naman na sa kwento mo, hindi ako ang bida... Extra lang ako. Hindi masamang umasa pero sa sitwasyong ito,
mas pipiliin kong wag na lang umasa hindi dahil sa natatakot akong masaktan kundi dahil sa ayaw kong masira yung
friendship natin. I value it more than this stupid heart that is beating abnormally.
I brush his hair away from his face and wipe his tears on his cheek, I watch how he's slumbered to his dreams. Just like an
angel wrapped in a cornbeef's arm. Haay, hindi ko magets kung bakit ang katulad ni Chad na almost perfect ay hindi masaya?
Hindi rin siguro masarap sa pakiramdam na hinahangaan at gusto ka ng maraming tao habang yung kaisa isahang taong
gusto mong mapansin ka ay hindi ka mapansin pansin. Ano ba ang ayaw ni Lory kay Chad? At si Lory naman, ano ba
nagustuhan nya kay Cross? Andami naman kasing bulag sa mundo. Tapos mali mali pa yang si kuya Cupid kung magpana,
duduling duling eh. Kelangan na ata ng salamin ni kuya Cupid. =_=
Mabuti pa sigurong umuwi na ako.
Maingat kong inialis si Chad sa braso ko at dahan dahang umalis ng kama, kinuha ko na yung mga gamit ko kahit basa pa,
nagsuot na ako ng sapatos at bago lumabas, I gave him one last look.
"Minsan lang ako magkagusto sa isang tao at sa minsang yun, nabigo pa ako." marahan kong dinampi ang labi ko sa noo nya
at tumalikod na, "Sana lang mapansin ka na ni Lory."
At lumabas na ako ng tuluyan sa kwartong yun. Humingi ako ng payong sa bartender sa baba at lumabas na.
Nagdiretso na ako sa bahay ng mga Sandford dahil wala akong part time sa resto nina auntie ngayon, may pinuntahan kasi
sila kaya sarado ang resto.
