"Ingat ka, sa likod mo!" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nakiepal ako at sinugod yung nasa likod ni Cross.
"Hiyaa! Ito sayo, umff!" hinampas hampas ko yung likod nya.
"Tangshett ka ah!" bigla nya akong hinarap at sinampiga sa ulo. Napaurong ako sa lakas ng sampiga nya.
"Eya!" narinig kong tawag sakin ni Cross tapos hinigit nya yung lalaking sumampiga sakin at sinikmuraan ito,
"Gusto nyo talagang masaktan ano?!"
Parehas ng nakalupagi sa sahig ang dalwang villains.
Lumapit sakin si Cross at hinubad ang bonnet nya at isinuot ito sakin, lumagpas pa nga ito sa mata ko eh kaya
inayos ko para makakita, "Eh! Ano ba!"
"Bakit ba ang epal mo ha?"
"Ha? Ano? Ako, epal?"
"Oo! Pede namang tumayo ka na lang dyan sa isang tabi at manuod, nakiki-epal ka pa sa eksena! Ayan tuloy
nasaktan ka pa! Epal mo kasi!"
"Ikaw na nga tinutulangan, tatawagin mo pa akong epal. Psh!"
"Hindi ko kelangan ng tulong mo," tapos tumalikod sya sakin at may minurmur in a low voice, "dahil gusto ko ako
tutulong sayo."
"May sinasabi ka?"
"Psh! Wala wala! O ano ngayon gagawin natin sa mga basurang ito sa harapan ko?!"
"Hayaan nyo na sila dyan," napatingin naman kami dun sa babaeng nagsalita, sya yung ginugulo kanina nung
dalwang lalaking ito, "Tumawag na ako ng mga pulis. Anytime dadating na sila, hindi nanaman siguro sila
makakatakas sa mga sugat na tinamo nila, diba?"
"Ah oo, sige alis na kami!" bigla akong hinigit sa pulso ko ni Cross at kinaladkad na papalayo.
"Teka lang, teka lang." hinabol kami nung babae.
"What d'you want?!"
"Wag mong sigawan," siniko ko si Cross pagkabulong ko sa kanya nun.
"Umm... Pede ko bang malaman ang mga pangalan nyo? Gusto ko sanang magpasalamat sa inyo."
"I don't talk to strangers!" pagkasabing pagkasabi nun ni Cross, inapakan ko kaagad ang paa nya ng malakas
kaya naman napasigaw sya, "Aw! Aw! Ow! Fck!"
"Pasensya ka na sa kasama ko ah, may pagka-shy kasi yan eh." jusko, shy? Wala na akong naisip na pandahilan
sa kaabnormalan nya kaya SHY na lang kahit hindi, "Ako nga pala si Eya, tapos sya si Cross."
"Don't call me with my first name, stranger!" pahabol sigaw ni Cross habang hawak hawak ang masakit pa ring
paa.
Nagmake faces na lang ako, "Just ignore him."
"Hehe. Salamat po sa inyo, ako po pala si Ysabel. Maaari ko po bang makuha ang number nyo para maimbitahan
ko naman kayo minsan na kumain sa labas. Treat ko po bilang pasasalamat ko sa inyo."
"No, thank you. Mayaman ako hindi ko kelangang magpalibre sa taong hindi kilala," hinawakan na ako ni Cross
sa braso at inaaya ng umalis pero inalis ko lang kamay nya sa braso ko.
"Ano ba, manahimik ka na nga lang dyan sa isang tabi!" pinagalitan ko sya at humarap naman ako dun sa babae