Kinuha ko yung phone ko at pinicture-an sya! Nakakatawa talaga yung itsura nya! ahaha! Nag-enjoy ako sa pagdodrawing sa
mukha nya. :"""D
----
< Eya's POV >
"Hmmmm!" pag-iinat ko as soon as magising ako. "Huh?"
Nabigla ako ng pag-angat ko ay may nalaglag na kumot... wait? Nakatulog ako dito sa sahig? Teka... bakit may kumot ako?
Hindi kaya... kinumutan nya ako? Ah, malabo malabo.
Pero what if...? Awww. May puso rin naman sya kahit papaano eh.
Tumayo na ako at tiniklop ng maayos yung kumot na binigay nya at nakangiting ipinatong ito sa kama nya, niligpit ko na rin ng
maayos ang kama nya na hinigaan nya. Wala na sya, siguro pumasok na sya... Sa totoo lang, natouch ako sa ginawa nyang
paglalagay sakin ng kumot, hindi ko inaasahan ang kabaitan ng isang monster na tulad nya...
Wait. Pumasok na sya? Teka! Anong oras na ba?!!!!
Tumingin ako sa bedside clock...
10am!!!! O________________O
OHEMGEE. Late na ako, as in capital LATE.
Bakit hindi nya ako ginising? T___T
No choice. Aabsent na lang ako.
--------------
Dear diary,
Matatouch na talaga sana ako sa ginawa ni Cross sa paglalagay nya ng kumot sakin pero...
AAAAAAAAAAAAAH! Nakakainis, ang hirap tanggalin ng mga pentelpen marks sa mukha ko! UGHHHH! Ano sya, si jiglypuff
ng pokemon?! Sinusulatan ang mga mukha ng mga natutulog?! Halimaw na takot sa multo na nagbabasa ng romance na isip
bata! Grrr. >(\__/)<
- Eya
-----
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 17
Since late na ako, hindi na ako pumasok. Wala rin naman sense kung papasok pa ako, baka mapagalitan po ako ng adviser
namin.
"Ano naman kaya gagawin ko?" lumabas ako at naggagala gala sa may park. Buti na lang natanggal ko lahat ng doodles ng
pentelpen sa mukha ko, grabe feeling ko mabubura na yung mukha ko kakatanggal ng mga doodles! Ang gagu naman nung
Cross na yun! Wala talagang magawa sa buhay!
Lakad lang ako ng lakad sa park pero maya maya nabigla na lang ako ng may nakasalubong akong kakilala.
"Benjo!"
"Uy Eya, ikaw pala! Kamusta na hija?" kung natatandaan nyo nabanggit ko si Benjo. Sya yung friend ni papa bago mamatay
ito, sya yung nagsuggest sakin na pumasok sa school na 'to at sya rin tumulong para makapasa ako sa "modelling
requirement" ng school. Sabi nya kasi sakin, mas mapapadali ko daw matupad ang pangarap ko kung gagraduate ako sa
school na 'to kasi tinitingala talaga sa bansa itong school at maraming nagbibigay ng opportunities dito. Kaya naman pumasok
ako dito kasi diba nga, gusto kong maging astronaut? Eh kung sa tabi tabing school ako papasok parang 10 lightyears ang
