"Oo, bestfriend ko. May angal ka?"
Parang namutla syang ewan tapos nilayo nya yung tingin nya,"Ah wala, wala. Sige bumalik ka na sa kwarto mo. Tatawagin na
lang kita pag may kelangan ako. Kelangan bihis ka na bago mag-eight."
Yun lang yun sinabi nya, lumabas na lang ako. Ano kaya problema nun? Namutla? Baka may lagnat.... weh, yun lalagnatin?
Nah, hindi tinatablan mga halimaw ng lagnat... baka may sapi lang yun.
Nagdiretso na lang talaga ako sa kwarto ko sa bahay ng mga Sandford. Tinignan ko kung anong laman nung paperbag.
Nilabas ko yung black dress at tinapat sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, sleeveless 'to at mahaba. Buti na lang hindi
maigsi, nakakahiya kasi, ang panget ng legs ko ang dry masyado. Tapos tinignan ko rin yung sapatos, silver sya at hindi
naman masyadong kataasan yung heels, buti na lang kasi kung hindi baka mamatay ako dahil lang sa takong.
Meron pa dun sa loob ng paperbag eh, isang mask na may tali, kinuha ko ito. Isa syang Venetian mask na pang-mata, silver
ang design nito na puro swirls tapos sa gilid nito sa right ay may naka-attach na isang white feather na manipis. Sinukat ko
sya at tumingin sa salamin, nakakatuwa naman. Ang kyoot kasi nung mask. Buti na lang masquerade ang theme, atleast pag
ganto hindi ako manliliit dun kasi nakatakip yung mukha ko! bwahaha.
----
8pm, Herm Palace.
Nakarating na kami ni Cross sa birthday party ni Lory. Ewan ko, may sapi nga ata talaga si Cross kasi habang nasa byahe
kami wala syang imik at hindi nagtataray. As in, para syang anghel kanina sa tahimik. Nanibago nga ako, hindi kaya may
kumidnap sa totoong Cross? Para kasing hindi sya eh.
Nung pagpasok namin dun sa palace, grabe... sobrang laki at nakakalula. Red yellow or something yung kulay ng paligid,
tapos sobrang elegante pa ng dating ng mga tao dun. Bongga lang talaga ha. Pero wala akong makilala sa kanila kasi puro
sila nakamaskara. :|
"Asan kaya si Lory?" sabi ko sa sarili ko habang nagpapalinga linga sa paligid, nagbabakasakaling makita ko sya.
"Wag ka ng umasang makikita mo yun hangga't hindi pa nagmi-midnight."
"Eh?!"
"Ang alam ko kaya masquerade ang theme nito eh dahil sa gusto ni Lory na magpakita pagpatak ng 12am, hindi pa kasi
ngayon ang birthday nya. Bukas pa. Kaya sa palagay ko, nasa paligid lang sya pero walang nakakaalam kung sino sya at
kung anong suot nya."
"Waaaa. Talaga?" pero hindi nya na ako pinansin dahil nagdirediretso na sya sa paglalakad.
"Uy! Wait! Teka lang!" sa sobrang bilis nya sa paglalakad at sa hindi ako sanay maglakad sa sapatos na may heels kahit
mababa lang, hindi ko nagawang mahabol si Cross. Nawala sya at ngayon, nagiisa ako sa malaking palace na ito na walang
kakilala.
Paano na ba yan? Kung katulad nga ng sinabi ni Cross ang mangyayari, edi malabo bang mabigay ko 'tong kwintas na
pinabibigay ni Chad sakin? Ohno. Ayokong sirain ang proposal plan ni Chad. Shet naman oh. Kelangan mahanap ko si Lory
