layuan mo sya, ibig sabihin nun lapitan mo sya! Asar ka naman eh! Hindi ka man lang marunong makaintindi ng
body movement!" sabay tumalikod na ulit sya at nagpatuloy sa paglalakad.
Ha? Pag sinabi ng isang taong nagtatampo na layuan mo sya, ibig sabihin nun lapitan mo sya? Ano daw? Ang
labooooo.
"Hoy Cross! Saan ka pupunta? Hindi ko nagets yung sinabi mo! Ang labo mo!" hindi ko sya sinundan pero
isinigaw ko yun sa kanya para marinig nya.
Hindi sya lumingon sakin at nagpatuloy sa paglalakad pero sumigaw sya, "Mambababae! Maghahanap ng first
kiss! Ang sumunod sakin panget!"
Dear diary,
Mambabae? Maghahanap ng first kiss? Panget ako pero hindi ako susunod sa kanya! Bahala sya! Gawin nya
gusto nya. Sino ba ako para pigilan sya? Ni hindi nga kami magka-ano ano eh! Nagdedate lang kami, yun lang!
Bahala sya sa buhay nya! Mambabae sya kung gusto nya.
Hindi ko sya susundan. Hindi ko sya susundan. Hindi ko sya susundan.
Pero saan kaya sya mambabae? Paano sya maghahanap ng first kiss?
- Eya
Entry --- 36.1
< Cross' POV >
"Hoy Cross! Saan ka pupunta? Hindi ko nagets sinabi mo! Anlabo mo!" narinig kong sigaw nya pero hindi ko sya
nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.
"Mambabae! Maghahanap ng first kiss! Ang sumunod sakin panget!" sigaw ko sa kanya.
Lakad lakad. Inaasahan kong sinusundan nya ako kaya nung matagal tagal na akong naglalakad eh naisipan ko
ng lumingon, "WAG MO NGA AKONG SUNDAN!"
*WOOSH WOOSH*
"Ampanget panget mo!!!!!" napasigaw ako sa inis. Paglingon ko, inaasahan ko nasa likod ko sya at sumusunod
sya sakin pero paglingon ko wala ng tao sa likod ko. Hindi nya ako sinundan! Bwiset! Eh joke lang naman yung
mambabae ako eh, gusto ko lang naman sundan nya ako tapos magsorry sya sakin kasi... kasi... BASTA GUSTO
KONG MAGSORRY SYA SAKIN! Nakakaasar sya bakit hindi nya ako sinundan? Hindi ba sya nakakaintindi ng
body movement? Bwisit na panget na iyon!
Bukod sa may iba na syang first kiss, hinayaan nya lang akong umalis kahit alam nyang mambababae ako. Ayaw
nya ba sakin? Bakit ako nung malaman kung may nahalikan na sya, nainis ako at umabot pa ako sa point na
suntukin si Chad pero nung sabihin kong mambababae ako at maghahanap ng first kiss... hindi nya man lang ako
sinundan? Hinayaan nya lang ako? Wala ba syang pakelam kung may iba akong hahalikan? Unfair! Bakit ako
lang nakakaramdam ng inis pag may ibang lalaking lumalapit sa kanya at hinahalkan sya! NAPAKA-UNFAIR!
Bahala sya sa buhay nya! Mambababae talaga ako!
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
Sa Walang pangalan club house...
NP: Dear Maria by All time low
Lumakas ang sigawan ng crowd mula sa club house. Paano kasi tumutugtog ang bandang Syntax Error ng cover
nilang "Dear Maria".