Pero tinignan nya lang ako ng masama tapos inignore ako at umupo sya sa may computer nya at nagcomputer
lamang... hello, andito pa ako? May sinasabi pa ako diba? Nag-sosorry pa ako diba? Sabay tatalikuran ako at
magcocomputer na lang sya bigla bigla? Bastos?! >__<
"Hoy aba! Sabi ko sorry!!!" sigaw ko mula sa likod nya.
"Who cares?"
"ABA! ANONG WHO CARES! HOY NAGSOSORRY NA NGA AKO! TA----" napatigil ako sa pagsasalita kasi bigla
syang nagsuot ng headset sa tenga nya which obviously means na hindi sya nakikinig sakin.
Lumapit ako sa kanya, "So ayaw mo talagang makinig sa mga sasabihin ko? Pasalamat ka nga ako na nag-eeffort
dito kahit wala naman akong kasalanan!!!"
Sabay higit ko ng headset sa magkabilang tenga nya. Hindi sya umimik pero binuksan nya naman ang speaker
ng computer nya at nagpatugtog ng kanta mula sa computer ng nakatodo ang volume bale ang ingay lang sa
loob plus the factor na nakasarado ang pinto ng kwarto kaya mas lalong malakas at kahit magsalita ako hindi nya
ako maririnig.
Lumapit ako sa tenga nya at sumigaw, "HOY ANO BA! MAKINIG KA NAMAN! KAUSAPIN MO AKO! HOY HUY
HEY!!!!"
Pero no effect, wapakels pa rin sya sakin. Ini-ignore nya lang ako habang may tinatype sya sa url bar nya,
"http://haveyouseenthisgirl.yolasite.com"... weh, ano naman yang site na pinupuntahan nya? Porn site siguro
iyan. =__=
Pero nakita ko puro echos yung andun sa site tapos may mga texts dun, parang story site ata. Ayy oo nga pala,
nagbabasa tong isang ito ng online fiction... ano ba binabasa nya? *tingin tingin sa screen* huwaawww,
nagbabasa sya ng Voiceless ♪ written by haveyouseenthisgirl. Wow, mukhang maganda, mukhang interesting. So
nakikibasa na rin ako? WEHHHH. TEKA NGA! Kinakausap ko pa itong lalaking ito ah bakit nadadala na ako sa
pakikibasa sa kanya! Shet langgg. =__=
(Denny's note: ako na wagas mag-plug. bwahaha. Basahin nyo po yung Voiceless ♪ :D)
"Hoy ano ba!" pinatay ko nga yung speaker, "Makinig ka nga!"
Hindi sya humarap sakin kundi inabot nya yung banana sa table beside his computer table. Bakit may banana
dun? Unggoy ba 'to? =,=
Humarap lang ulit sya sa computer nya habang kumakain ng saging nya, "Huy, galit ka ba sakin?"
"Hindi."
"Weh? Eh bakit ganyan ka sakin?"
Humarap sya saglit sakin at sinigawan ako, "Nagtanong ka pa hindi ka naman maniniwala!"
"Haay," umupo ako sa gilid ng kami nya, "Sorry kung may nagawa man akong ikinagalit mo."
"Ako dapat magsorry," bigla syang nagbuntong hininga, "Pasensya na, medyo naging OA ako."
"Oo nga, ang OA." buti naman nagsorry din sya? "Alam mo hindi ko talaga naiintindihan kung ano kinagalit mo,
dahil ba yun sa pagtawag ni Chad kaninang umaga? Ang babaw naman nun, wag ka ngang ganun kay Chad may