"Bye Eya, see you again!" hindi pa rin ako lumilingon pero kinaway ko na lang yung kamay ko ng nakatalikod sabay bukas ng
gate ng apartment.
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng kotse, pagkabuhay ng makina at pag-andar nito paalis. Nakangiti akong pumasok
sa gate, patunay na ang landi landi ko. Pangiti ngiti pa ako, shet lang eh kinikilig eh. Bilang isang invisible na estudayante sa
school ko, tinanong ng isang poging pogi kong schoolmate ang name ko diba? Ikaw ba hindi kikiligin?
"WHAT THE f--K?!" nabigla na lang ako sa bumulaga sakin pagbukas ko ng apartment room ko. "ASAN ANG MGA GAMIT
KO?!"
EMPTY. WALANG LAMAN. Walang laman ang apartment room ko!!!!
"Landlord! Yung mga gamit ko ninakaw! HELP!" pasigaw kong takbo sa room ng landlord namin sa baba. Kumatok ako sa
may pinto nya,"Landlord! Landlord!"
Binuksan nya yung pinto, nagaalis ng muta sa inaantok na mata, may bakat pa ng tuyong laway sa gilid ng bibig. EEW.
"Poota Eya, anong kelangan mo? Tulog pa ang Diyos, kumakatok ka na!"
"Eh pagbukas ko ng apartment ko, wala na yung mga gamit ko! Ninakawan akooo!" paiyak kong sabi. Wala na nga akong
gasinong gamit, nanakawan pa ako. Whattalife.
"ULOL. Mukha mo, walang magnanakaw ng mga basura mo. Ayun, tinapon ka dyan sa bakuran. May nakuha na
akong bagong mag-o-occupy dyan sa apartment mo at yung sure na magbabayad regularly. Akin na yang susi na
yan,"
hinalbot nya yung susi sa kamay ko,
"Bahala ka sa buhay mo kung saan ka lilipat. Hindi ko kelangan ng mga
taong hindi kayang magbayad on time."
Sabay sarado nya ng malakas sa pinto sa harapan ko. Parang sinampal ako ni big foot. Gets?
Nakakapanlumo. Wala na akong bahay? Saan ako titira? Saaaaaaaaaaan?! Nakakadesperate naman 'tong situation ko.
Pumunta ako sa bakuran ng apartment, at kinolekta yung mga maleta ko.
"THANK YOU HA! THANK YOU SA PAGIIMPAKE NG MGA GAMET KO SA MALETA AH! THANK YOU! AMBAIT NYO!
GRABE!" sarcastic na sigaw ko sa landlord ko. May gana pang i-empake yung gamit ko nuh? Seesh.
Hinila ko na yung maleta ko at nagsimula ng maglakad sa Mars... hindi, joke lang. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero
basta maglalakad na lang ako baka may madaanan akong pedeng matirhan.
----
Dear diary,
I think I'm falling inlike with a handsome guy. Sobrang landi ko, wala tuloy akong bahay pagkatapos.
- Eya.
PS. Magkapigsa sana sa pwet ex-landlord ko.
------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY // FOUR
"Auntie, please. Magdo-double time ako dito sa resto, bigyan nyo lang po ako ng matutuluyan."