13

19 0 0
                                    

Pagharap ko sa pumukpok sa ulo ko nakita ko isang matandang babae, uugod ugod na mga nasa 60 na ata?

"Ano ba kayong mga bata kayo! Ang mga taong nagmamahalan hindi nagaaway!" bigla kaming sinermunan ni lolo...

pero teka anong sabi? Taong nagmamahalan? O_O

"L-lola, hindi po kami---" mage-explain pa lang ata si panget ng biglang pinukpok din sya ni lola ng baston nito.

"Ang kasintahang babae hindi dapat nagsusuot ng makakapal na lipstick!" biglang lumapit si lola sa kanya at pinress

ang thumb nito sa labi ni panget at inalis ang lipstick nito, "Ang bata bata mo pa hija para maglipstick!"

"Pero may ginawa po kasi kami kanina kaya ako nakalipsti---" pero hindi na sya pinatapos ni lola at sakin naman

humarap.

"Ikaw naman hijo, ang kasintahang lalaki hindi sinisigawan ang irog nya! Naiintindihan mo?" napatakip ako ng ulo ko

kasi hahampasin nanaman nya ako ng baston sa ulo nya.

"Kayong dalwa kung gusto nyo ng matatag at matagal na relasyon, hindi dapat kayo nagaaway sa isang maliit na

bagay. Dapat matuto kayong huwag maging makasarili at matuto kayong isipin ang kapakanan ng isa at hindi lang ng

sarili. Ang tunay na pagmamahalan ay marunong pahalagahan ang kanyang irog, hindi itong marunong magdamot."

tapos pinukpok nanaman nya ako. Ano ba nakakarami na 'tong matandang ito ah.

"Ay sya, ako'y tumatanda na talaga! Hindi ko na nakukuha ang mga nangyayari sa mga kabataang magkasintahan!

Nawa'y hindi na kayo mag-away at magsigawan, mahalin at pahalagahan nyo ang bawat isa dahil pag nawala sya sa

tabi mo, malaking kawalan yan sa buhay mo. Tanga lang ang hindi marunong magpahalaga sa taong importante para

sa kanya. Haay buhay, o sige ako'y hahayo na!" tapos uugod ugod na umalis sa harapan namin si lola.

Kaming dalwa naiwan dun sa may bench na nabigla sa lahat ng sinabi ni lola. Mga halos 1minute atang walang naimik

samin tapos nung tumingin ako sa kanya at tumingin rin sya samin... Nagkatinginan kami ng mga ilang seconds

tapos...

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA!" hindi ko alam pero parehas kaming natawa, ewan ko basta feeling ko

natatawa ako sa pangyayaring iyon at ganun din sya. Yung sobrang shock ang nagpatawa saming dalwa. Bigla bigla

na lang kasi habang nagtatalo kami sa boybawang tapos may biglang mamumukpok na matanda. HAHAHAHA.

Grabe, ngayon na lang ulit ako nakatawa ng ganto na halos humawak na ako sa tyan ko sa sobrang sakit.

"Hahahaha! Grabe," bigla syang tumayo at inimitate yung matanda, "Haay buhay, o sige ako'y hahayo na!"

"Hind hindi, mas nakakatawa 'to," tumayo ako tapos nag-act kunwari na may baston tapos pumukpok sa hangin

imitating the old lady, "Ang tunay na pagmamahalan ay marunong pahalagahan ang kanyang irog, hindi itong

marunong magdamot."

"HAHAHA! Talagang irog pa eh?! Dugo ilong ko! hahaha!"

"Oo nga eh! hahahaha!" ngayon lang siguro kami nagkasundo nito pero sa totoo lang, nakakatawa naman kasi talaga

yung matanda eh pati yung way ng pagsasalita nya. Alam ko dapat maiinis ako kasi napagkamalan kaming

"magkasintahan" pero ewan ko, imbis na mainis ay natatawa na lang talaga ako. Ah kakaibang feeling. hahaha. :"))

DNP - PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon