Nung gabing yun, late na nakauwi si daddy pero hinintay ko parin siya hoping for a good news, at fortunately good nga ang balita. Okay na daw si mommy, may malay na siya... na over worked lang pala siya kaya siya hinimatay.
Pagdating ni mommy kinabukasan, sinalubong ko na kaagad siya. I hugged her so tight, I don’t want to lose her. From then on hindi na muna namin napag usapan ang about sa marriage... nag focus na lang muna ako sa pagbabantay sa kanya.
Everytime na natatapos ang klase ko, umuuwi na ako kagad para bantayan siya. Hindi na rin muna kasi siya pinayagan ni daddy na mag work. Baka ma stress ulit siya, mahirap na... paulit ulit kong binabatayan si mommy. Hindi ko na pinapansin ang araw... hanggang sa dumating na ang takdang panahon.
Friday. June 15. 7:30pm
The day of our wedding....
Sinundo ako ni daddy sa salon, pinag gastusan nila ako para lang ayusan ng ganito. Hindi ko actually alam kung anong mangyayari... nagulat na lang ako nung may dumating na wedding gown sa bahay namin kahapon. I can’t imagine myself wearing this...
Umuwi muna kami saglit ni daddy para suotin ko na yung gown. Kinakabahan ako... pano kung hindi kasya?? Edi hassle? Teka bat ko pa ba iniisip yun? Pero it unexpectedly fitted me. Ang galing nila pumili... natapos na din ako tapos nag punta na kay daddy. Mangiyak ngiyak nga lang siya nung nakita ako... daddy talaga.
3 hours bago kami makapunta sa venue. Traffic kasi... mag se-seven na wala pa kami. Di ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Bahala na.... si Dustin kaya? Ano kayang nararamdaman niya ngayon?
At exactly 7:30 dumating na kami, nandun na si mommy kasama si tito at tita... hindi ko inaasahan to... bakit may mga tao?? Akala ko kami lang?? puro pamilya ba to nila dustin?? Nakakahiya....
Ang venue pala ay sa Pasig. Bahay to actually ng lolo ni dustin... napakalaki, parang mansyon. Actually mansyon naman ata talaga ito. Pero puno parin ng misteryo kung bakit kailangan pang ikasal ni Dustin bago makuha yung mana niya...
At eto na... the real event has started... nag simula na ang ceremony. Nakita ko na rin si Dustin. Nakaayos ngayon yung buhok niyang laging magulo, napaka decent niyang tignan. He looks cooler.... siguro natatawa na yan sa itsura ko ngayon.
Hindi ko to ineexpect sa buong buhay ko... 16 years of existance... pero eto na ko ngayon, naglalakad sa aisle kasama si daddy at nasa harapan namin ang pari.
![](https://img.wattpad.com/cover/1297751-288-k810519.jpg)