Sinusubukan ko siyang kausapin pero dedma parin.. grabe ang hirap pakisamahan. O_O
Wag mong sabihing dalawang araw akong walang makakausap?? Grabe nagsorry na nga ako pero sinusumpong parin. Tsk!
“hoy, galit ka pa ba?”
.......................................
Ganda, kausap ko hangin. Hangin kamusta?
“bahala ka nga, nagsorry na ako kahapon pero di parin kita maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan...”
“wala ka na dun!” –denise
Sus, nasigawan nanaman ako. bahala na manunuod na lang ako ng tv. Play-offs pa naman ngayon ng team ko hehe.
Lumipas yung oras, nag lunch na din kami tapos balik ako sa sala, as usual nuod tv.
Nag hapon na...
Nag gabi na....
Dinner na....
T*ang*nang badtrip! Nakakabaliw dito! Kung normal lang siguro yung buhay ko ngayon edi sana kanina pa ko sa tambayan naming magbabarkada.
Kasar, di pa ako kinakausap ni Denise.
Naligo na ko... tapos matutulog na. baka sakali maganda pa yung mapanaginipan ko kahit papano. -____-"
Pero.... bigla na lang...... O_o
((Denise’s POV))
Hmmm.... opo.... gusto ko pong pumunta sa concert ni Lady G.
Talaga po.... vip tickets?
