xxxii : not once but TWICE

3K 39 6
                                    

Authors POV (hehehe ako ito hahaha! Time to shine baby~!)

Hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Denise sa sinabi ng dalawa niyang kaibigan.

At dahil na rin sa sinabi nila Loraine at Carla, natigilan na lang ang mga kalalakihan sa pang-aasar nila. Lalo na si Karl na pasimuno ng lahat.

Reaksyon ni Dustin?

Wala.

Para lang siyang tuod doon. Concentrated lang siya sa pagkain niya, syempre paborito pa naman niya yung inorder niya, sinigang na  baboy.

Pero hindi tungkol sa maasim-asim na pagkain ang gusto kong pagusapan.

Isa lang kasi ang masasabi ko ngayon sa sitwasyon nila. A-W-K-W-A-R-D!

“T-teka nga! Bat ba bigla kayong tumahimik? Hello! Parang hindi kayo to ah! Mag-ingay naman kayo guys!” –denise

Hirit ni Denise na kunwari pang masaya sa lunch nila. Nakakailang naman kasi diba? Hello kahit mga lalaki naiilang din.

“Hoy Den hindi kami tahimik ah! Sarap lang talaga ng pagkain dito kaya mas tinututukan namin to!” –toffer

“Duh! Kaya nga best place to eat in west view to diburrr?” maarteng pagkakasabi ni Loraine.

“Osiya siya!!! Lamon na mga dre! Baka nakalimutan niyong saglit lang ang break! Lols” –ryan

Thirty minutes din bago sila matapos sa pagkain nila. Balik naman sila sa dati, edi kanya kanya na ng usapan. Syempre humiwalay na rin kahit papano yung mga babae. May 15 minutes pa namang natitira kaya naupo muna sila sa isang pavillion malapit sa building nila.

Tahimik silang umupo sa napuntahang pwesto. Oo. Tahimik. Napansin to ni Denise kaya siya na lang ang nagsimula, ayaw niya kasi ng ganito. Sa mga ilangan factor between friends, nabwibwisit siya pag ganun.

“Hello?? Earth to my bebes! Kamusta naman ang katahimikan niyo! Nakakapanibago kayo ah! Lalo ka na Loraine? Salita salita din baka matuluyan ka!” –denise

“Den naman eh! So talagang ako dapat yung mauuna mong ookrayin!” huminga muna siya ng malalim bago ituloy yung susunod niyang sasabihin “Kasi... it’s about kani.....”

“Kanina? Yung sinabi niyo? Naks! Alam niyo bang proud ako sa inyo? Thanks talaga sa inyo natigil narin yung pangaasar nila sakin! Thanks for butting in” –denise

“Eto naman kung makagamit ng word na butting in parang mali pa yung ginawa namin.” –carla

“No no no no no! In a good way yun Carl! Thanks talaga, and yung sinabi mo kanina, the best yun.” nag two thumbs up pa ang loka. Na ikinatuwa naman ni Carla.

“Hehehe, your welcome Den, and please, refrain from calling me Carl! I’m not a guy okay?” –carl

“Whatever Carl........a hehehehe!” at dahil dyan, nabalik naman sa dating pagkukulitan ang apat.

Napansin na lang ni Loraine na halos silang tatlo lang ang nagsasalita, tahimik lang si Ali pero nakikitawa din naman siya pag nagpapatawa si Denise. Hindi niya natiis ang asal ng kaibigan kaya sya na ang naunang magtanong.

“Al! Okay ka lang? I mean, you’re too quiet today.....” –loraine

“Ano ka ba! Kita mo namang tumatawa si Ali sa mga jokes nitong si Den diba? To talaga observant!” –carla

Napatingin na lang si Denise kay Ali. Tama nga si Loraine, may something kay Ali na kakaiba. Tahimik nga talaga siya sa araw na to, well tahimik naman siya lagi pero mas malala ngayon.

My Seatmate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon