“ayan na yung prof, balik na tayo.” –carla
Papunta na ko sa upuan ko. Nandun na si Dustin, nakatingin ako sa kanya pero siya hindi. Usually siya pa mauunang titingin sa sayo. :/
Awkward.... kaming dalawa lang kasi nasa pinakalikod ngayon. I hate Mondays >__<
Na te-tense ako sa mga pangyayari. Mag sosorry ba ako sa kanya? O wag na? pag siya naman nang aaway hindi nag sosorry! So bakit ako mag so-sorry??? Denise wag ka nga!
“huy....”
Sinubukan ko siyang kausapin. Minsan lang to ah kaya dapat niya akong pansinin -_-
“galit ka ba sakin?” tinanong ko siya ng pabulong, jusko ayokong masita nanaman ulit no.
“bat di mo tanungin sarili mo?” –dustin
Engot kaya nga kita tinatanong eh para malaman ko yung dahilan! Pssshh!
“galit ka ba kasi kinakampihan ko si Tom.... or dahil sa mga nasabi ko about you?”
“ewan ko sayo wag mo kong kausapin.” –dustin
O_________O” suplado mode siya ngayon ah. TSK! Edi kung ayaw mo edi wag! Gusto ko rin to no!! buti nga di mo na ako pinapansin!!! HMP!!
Last subject na namin. Nako naman pano to? magsasabay pa ba kami pag uwi?? Baka naman isumpa na ko nito pag kinausap ko pa siya. Eh ano naman??? As if masasapak niya ako sa harapan ng ibang tao.
“okay, class dismiss.” –prof
“bye sir!!” <--- blockmates
>__> tinignan ko saglit si Dustin. Nag aayos siya ng gamit niya. Wow! Nag take down notes siya ngayon, which is very unusual....
“uy....” para akong tanga na pilit kinukuha yung atensyon niya. UGH, I dont like this. Pa hard to get pa tong lalaking to...