Chapter 21

555K 20.5K 5.5K
                                    

#COMM

Chapter 21

Jasper was too silent on our way home. And I was too tensed to even say anything. I mean, technically, I didn't do anything wrong naman... but somehow, I felt really guilty.

Ganto yata talaga if you're in a gray area, kapag hindi defined kung ano ba talaga. Sobrang gulo.

"Uh... Thank you for today," I said nang nasa bahay na kami. Nakatayo na ako sa labas habang kinukuha ni Jasper palabas ng car si Jassy. Naka-tingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. I was bit my lips and playing with my fingers. Sobrang tensed ko na lang talaga.

After makuha ni Jasper si Jassy, he handed him to me.

"Thank you," I said. Jasper just nodded. Hala. Galit nga siya.

I stood awkwardly in front of him and then sighed. Hindi ko pa kasi alam how I'd approach him... kailangan ko muna siguro humingi ng advice sa ibang tao. Ayoko kasi na galitin si Jasper. I mean, ako na nga 'tong nangungulit sa kanya, tapos ginagalit ko pa siya.

"Good night," I just said instead. I went to my room while carrying Jassy. Naka-salubong ko pa nga si Cohen who asked me if I was okay. Sobrang mukhang down ko siguro kaya pati si Cohen na usually naman hindi nakikielam, nagtanong na rin. Nakatulog tuloy ako na sobrang bothered.

The next morning, I woke up extra early kasi sobrang late na ako natulog. Sobrang daming scenario na nagplay sa utak ko. Tapos I dreamt about that Helene pa! Gustung-gusto ko na talaga tanungin si Jasper about who Helene was, pero hindi pa ngayon since alam ko na pissed off pa siya sa akin.

Obvious naman! Sa likod ko siya naglakad after namin makasalubong si Aunt Beatrice! Kulang na lang patirin niya ako sa pagka-badtrip niya sa akin, sobrang feel ko.

"Good morning, Ma'am!" hyper na bati sa akin ni Kellan while Nico was just smiling at me. I already finished eating breakfast with my family. My parents just arrived from a convention somewhere in Vienna. Buti na lang hindi pansin masyado nila na nasa guest house iyong isip ko.

"Morning," I replied rather gloomily. As per usual, napansin agad nila. 'Di ko sure if they're just really intuitive, or sobrang bored lang nila sa work nila kaya pinapansin nila lahat sa akin.

Kellan and Nico both nodded, like they just came up with a realization.

I eyed them. "Have you seen Jasper?"

Umiling sila. "Kakadating lang po natin tapos nakita po namin natutulog pa."

Kumunot ang noo ko. "He's still sleeping?" I asked dahil 8am na. Dati nga super creepy niya dahil 6am pa lang, ready to go na siya. Like when I go out of my room, Jasper's already there. Tapos ngayon, he's still asleep?

Nico nodded. "Opo. Weird nga po, e. Maaga kasi gumising 'yun lagi kasi nga ganun sa PMA."

"Baka ginalit mo na naman, Ma'am," Kellan said.

"Ako na naman may kasalanan," I said and creased my forehead.

"E, Ma'am, ikaw lang naman nakaka-trigger kay Sir Jasper," Kellan replied.

"Wala kaya akong ginagawa!" I said rather defensively... but then, I sighed. Alam ko kasi na I was at fault. Pero ano ba ang dapat sabihin ko! He's my bodyguard naman talaga!

Pero naman kasi, I felt offended on his behalf dahil din sa sinabi ko. Sobrang gulo! If I didn't say that, hindi ko rin naman alam what I should have said! Wala akong mapaglagyan.

Kellan sat. "Kwento ka muna, Ma'am. 'Di naman tayo makakaalis habang wala si Sir Jasper," Kellan said. Naka-upo talaga siya tapos nakapatong pa 'yung chin niya sa dalawang kamay niya. So weird, this guy. Curious tuloy ako bigla kay Kellan kasi he seemed to be invested in my life... ano kaya ang meron sa life niya?

Come On, Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon