Hope
Hope's POV
Trina and Alfonzo Evangeline, ang dalwang taong kumopkop sa akin at itinuring akong kadugo. Anak nila ang kaibigan ko na si Xiana Evangeline. Oo tama kayo, ulila na ako. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko ang alam ko lang pakalat kalat lang ako sa lansangan, at ng makilala ko si Xiana; sobra akong humanga sa angking bait niya.
Minsan ko siyang tinanong kung bakit niya kinaibigan ang isang batang lansangang tulad ko, pero wala akong makuhang matinong sagot. Pag masungit isasagot niya 'Eh sa gusto kitang kaibiganin eh', pag may topak 'Kasi crush kita' never nagseryoso yan.
Dahil sa nag iisang anak si Xiana at idagdag niyo na rin ang labis na kabaitan nila eh inampon nila ako, sa pagkakatanda ko 7 years old ako nun.
Never akong pinagbuhatan ng kamay, pero binubusaan nila ako na naiintindihan ko naman. Si Xiana magkasing edad lang kami at sa dahil magaling si tadhana; parehas din ang araw ng aming pagkapanganak. Gusto niya fair and square kami. Pag meron siya, meron din ako. Pag meron ako meron din siya. Adik eh.
Sobra nila akong inalagaan, minahal, sinoportahan pa nga nila ang katarantaduhan namin ni Xiana eh.
At kaya ngayon heto ako nakaupo sa pinaka backseat ng kotse habang pinaglalaruan ang camera at nag-iisip ng mga posibilidad na mangyari pag naka uwi na kami. Paepal kasi yung lalaking yun, kung hindi dahil sa kanya , hindi sana kami madedetention sa unang araw ng pasukan.
"Hope ano ba nakakatampo ka na ah"- napatingin naman ako sa katabi ko na si Xiana.
"Bakit inaano ba kita?"- tanong ko.
"Eh kasi kanina pa kita tinatanong kung anong oras natin isesend ang video sa nang dare satin"- mataray na sagot niya. Haha.
"Ah, mamaya after ng dinner tsaka hihintayin natin si Coleen"- ako
"Kyah! Pupunta siya?"- tss sobra talagang namiss ni Xixi si Coleen, kahit ako rin naman sobra ko siyang namiss. Buong bakasyon kasi nasa New York si Coleen, hindi niya nasabi kung anong dahilan ng pgluwas nila. Plano kasi namin sama sama kaming tatlong magbabakasyon sa Japan.
"Binuksan niyo nanaman po ba ang Audacious Squad Ms. Hope?"- tanong ni Kuya Vic, driver namin. Alam niya rin ang tungkol sa mga pinaggagagawa namin.
"Yes kuya, nagkaroon na nga agad kami ng bagong dare kanina, vandalizing the lockers room"- masayang kwento ni Xiana.
"Haha eh di detention agad ang pasok niyo?"- natatawang sambit ni Kuya Vic.
"Oo nga kuya eh, may epal kasi"- iyamot na sabi ko.
"Ano ka ba Hope hindi sabi siya epal eh, si Sett siya"- maktol ni Xiana sakin. Napatingin naman ako kay Kuya Vic kasi tumahimik na siya eh.
"Basta mga iha maging maingat kayo ha"-hindi ko alam kung bakit pero parang kinabahan ako.
"Bakit naman kuya?"- takang tanong ni Xiana.
"Syempre mga dares yan, may dares na nakabubuti at may dares na nakasasama kagaya na—"
"Kagaya ng kaninang dare"- mahinang sambit ko.
"Exactly Ms. Hope, nakasasamang dare ang ginawa niyo kanina"- Kuya Vic. Napatahimik na lang ako sa sinabi ni Kuya Vic.
"Yehey! Andito na tayo!"- sigaw ni Xiana. Psh kahit kelan talaga panira ng atmosphere itong babaeng to. Nakakatense yung atmosphere bigla biglaan na lang magloloko.
Pagkababa namin sa kotse sina mommy at daddy agad ang nakita ko. Nakatayo sa may pintuan.
Kinakabahan ako. Sobrang seryoso ng mga mukha nila, gulp, alam na ba nila? galit ba sila? Malamang sino bang hindi magagalit sa ginawa namin?"How's your first day?"- masayang bati ni mommy. Eh?
"Okay lang mi"- ngiti kong sabi. Masaya si mommy eh di masaya na rin ako.
"Come inside ready na ang dinner"- anyaya ni daddy.
Tumingin muna ako kay Xiana na ngumiti lang sakin at tinap ang balikat ko. I guess okay lang naman pala kay na Daddy. I hope
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?