Who?
Hope's POV
"Is she okay now?"- nagising ako sa isang boses ng babae, hindi ko lang masiguro kung sino sumasakit parin kasi ang ulo ko, medyo lang naman.
"Yes, kulang lang sa tulog. Napainom ko na rin siya ng gamot sa sakit sa ulo, excuse me"- sabi ng nurse siguro then nakarinig ako ng footstep palayo at footstep palapit. Shet naman gusto kong imulat yung mga mata ko kaso wala akong lakas.
Napatahimik ang loob ko ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko, nakakaantok. Sino ba to?
"Xiana? Coleen?"- pagkasabi ko nun tumigil na ang paghaplos ng kung sino man. Baka isa kayna Xiana.
Zzzzzzzzzz
"I am so worried about her! Okay na po ba siya?"- nagising nanaman ako sa kung anong ingay na sa palagay ko eh si Coleen. Nakatulog nanaman ako?
"She is okay, now I have to go"- nurse.
Naimulat ko na ang mga mata ko at nakita si Xiana na nakangiti sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Hmm so si Xiana nga yung humahaplos kanina.
"Oh my God Hopia you're okay! "- niyakap naman ako ni Coleen ng makita niyang mulat na ako. Tss OA
"Ano ka ba Coli ang OA OA mo"- natatawang sabi ni Xiana.
"Ano ba kasing ginawa mo at nagkaganyan ka—kyaahh!"- nagitla naman kaming dalwa ni Xiana sa biglaang pagsigaw ni Coli.
"Ano bang problema mo?"- inis na tanong ko.
"H-hindi ka naman buntis diba?—Aray naman!"- Coleen
"Umayos ka nga Coli!"- busa ni Xiana. Nako pasalamat talaga tong Coleen na to at si Xiana ang nangbatok sa kanya, kasi kung ako nako nako.
"Buntis pinagsasabi mo? Ni wala ngang lalaking makalapit sa kin eh mabuntis pa kaya? Ah meron na palang lalaking nakalapit sakin si —"- pinutol ko na ang sasabihin ko. Naalala ko nanaman yung Sett na yun. Manyak yun I swear.
"Who?"- sabay pa na tanong ng dalwa.
"Wala, ay oo nga pala. Na check niyo na ba yung twitter?"- pag iiba ko ng topic.
"Ah hindi pa. Sa tingin mo ba may time kami magtingin?"- Xiana
"May problema kasi ta—"
"Na hack twitter acct natin?!!!"- putol ni Coleen sa sasabihin ko.
Xiana—> poker face
Me—> nakataas isang kilay
"Ahaha OA na ba ako?"- sabay kami ni Xiana na tumango sa tanong ni Coleen na obvious naman.
"Hindi na hack! Kundi may nagsabay na dare giver na magtweet ng dare at excactly 12:00 am and nakaka sakit lang ng ulo eh nag tweet uli ang VvS. So sino pipili—"
"VvS na lang!"- biglang sigaw mi Xiana. Okay something's fishy?
"Bakit siya nanaman?"- Coleen
"Ang aastig kasi ng mga dares na binibigay niya eh"- kumikinang pa ang mga mata ni Xiana habang sinasabi niya yun.
"Ah Xixi haha kumain ka na ba ng maayos? Pano mo naman masasabi na magaganda ang MGA dares na binibigay niya eh isang dare pa lang naman ang nabibigay niya?"- sa wakas sa lahat lahat ng mga pinag sasabi ni Coleen ngayong araw eh may nagustuhan ako.
"Ah haha what I mean is for me parang ang astig niyang magbigay ng dares"- pag aayos ni Xiana sa sinabi niya.
"Pano mo naman nasabi?"- this time ako naman ang nagtanong.
"Aish! Bakit ba ang dami niyong tanong? Kung ayaw niyomg piliin yung VvS then wag! Ako na nga ang nagsusuggest ng hindi na tayo maguluhan eh!"- sabi ni Xiana sabay walk out.
Nahilot ko na lang ang sintido ko dahil dumagdag nanaman ang iintindihin ko.
"Hay naku naman oh! Tss"- maktol ni Coleen. Tumayo ako sa pagkahiga sa kama at akmang aalis na upang sundan si Xiana eh pinigilan na ako ni Coli.
"Hoy saan ka pupunta?"- Coleen
"Susundan ko si Xiana?"- ako
"Pero, pano kung matumba ka bigla or mahimatay? Or worse! "- Coleen
"Ang OA!"- sabi ko at dumeretso na palabas at iniwan si Coleen sa clinic. Psh! Bahala na siya doon.
Tumakbo ako papuntang school garden dahil dun lang naman madalas magpunta si Xiana pag gusto niyang umiyak, magpahangin, at mag emo! Hay naku!
Takbo
Takbo
Takbo
Boooggshh!
Mahuhulog ako nooooo!
May kamay na nakasalo sa bewang ko. Minulat ko ang mga mata ko at—pinapangarap ko na lang na sana eh hindi ko na lang ginawa!
"Tss"- sabi niya sabay bitaw sa bewang ko.
"Aray!"- ang sakit ng pwet ko! Pinanglisikan ko ng tingin ang lalaking labis kong kinaiinisan. Ngumisi lang siya.
"Tss I don't have time for this"- bulong ko at tumayo na agad. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Wala namang mga estudyanteng nakakalat kasi last na tingin ko sa orasan sa clinic eh 2:30 pm at ang nakakapagtaka lang eh anong ginagawa ng Sett na yun sa ganitong oras. As if I care!
Narating ko na ang school garden, natagalan ako sa pagtakbo dahil binagalan ko lang baka biglaang magcollapse ako. At nakita ko si Xiana na—may kausap na babae? Nakatalikod ang babae at nakaharap naman sa akin si Xiana. Ng makita niya ako eh tinanguan lang niya ang babaeng kausap tsaka ito umalis.
Lumapit ako sa kanya."Xixi, sorry sa nangyari kanina"- nakayuko parin siya.
"Napagdesisyunan na namin ni Coleen na si VvS na lang ang kukuning dare give—"
"Teka! Wala pa naman akong sinasabi ah!"- napalingon kami parehas ni Xiana sa sumingit na si Coleen pala.
Sinamaan ko ng tingin si Coleen at tumawa na lang siya ng parang baliw.
"Hala?"- Xiana
"Hahaha oo nga pala no? Nakalimutan ko napagdesisyunan na natin kanina sa clinic kung sino ang pipiliin kahit di naman tunay haha haha!"- dere deretsong sabi ni Coleen
Nagkatinginan kami ni Xiana at sabay na ring natawa. Okay, ayos na kami.
"So it's decided then, VvS ang kukunin nating dare giver"- masayang sabi ni Xiana.
"Siguro boy ang VvS na yun ano? Kaya gustong gusto ni Xixi?"- pagpaparinig ni Coli.
"Hindi noh!"- namumulang sabi ni Xiana. Haha ganito talaga siya pag niloloko namin sa mga lalaki. Basta lalaki.
"Ms. EvangelineS, Ms. Zolietta! Anong ginagawa niyo ng ganitong oras ng klase sa labas?!"
Oh no!
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?