Chapter 10

0 0 0
                                    

Surprised

Hope's POV

Mabilis na lumipas ang araw at Sabado na. Medyo okay naman na kami ni mommy nakakapag usap na kami pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa gagawin namin ngayon, alam kong pipigilan niya lang ako. Wala si mommy ngayon nasa pagtrabaho, isang cook sa isang 3 star resto. Lupet ni mommy may trabaho agad. Magaling naman kasi siyang magluto. Alam ni mommy na may lakad kami ni Coleen ngayon pero hindi niya alam kung saan kami pupunta.

Siguro nagtataka kayo kung anong ginawa namin nung mga nakaraang araw na may pasok. Hindi kami pumasok ni Coleen, sinamahan niya ako sa apartment. Okay lang daw naman kahit mapagalitan siya ng mommy niya. Pero good thing is ng malaman ni tita na hindi pumapasok si Coleen ng dahil sa akin eh hindi siya nagalit. Naiintindihan daw niyang kailangan ko si Coleen. Hay ang bait ni tita.

"Hope alam kong sobra sobra mong inaasam ang 8 billion na yun okay I get it. Pero sa tingin mo ba makukuha mo yun kung tutunganga ka na lang? Hello andito na talaga si VvS"- mataray na sabi ni Coleen.

Andito kami sa tapat ng apartment nag hintay kay VvS, naka floral dress ako at naka cocktail dress naman si Coleen with matching sandals na gold. Parehas na parehas ang bihis namin ni Coleen nagkaiba lang sa damit.

Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka pumasok sa kotse ni VvS na kanina pa 'daw' nakaparada. Sorry na lost in thoughts lang.

"Here wear this"- may inabot sa akin si VvS na kwintas na halatang mamahalin dahil sa diyamanteng pendant nito. Halatang hindi papasok ng simbahan si VvS dahil sa nakapang jogging na outfit siya. Nasa back seat kaming tatlo ako ang nasa gitna at nasa kanan ko si Coleen at sa tingin ko eh driver ang nasa unahan.

"Pano naman ako?"- ngiwing sabi ni Coleen.

"Ah this necklace belongs to someone else talaga, I am just letting Hope borrow it para mas kapanipaniwala na siya ang missing daughter ni dad"- napatango na lang kaming dalwa ni Coleen.

"Ms. Hope?"- napalingon naman kaming tatlo sa driver at laking gulat ko ng makitang si Kuya Vic pala ang driver.

"KUYA VIC!"- sigaw naming dalwa ni Colee. Napahalakhak naman si Kuya Vic at ganon din si VvS.

"Napag-alaman kong naging driver niyo siya so I hired him as the driver para naman maibsan ng kahit konti ang natitirang pagdududa niyo sa akin"- pagpapaliwanag naman ni VvS.

Natawa na lang kami ni Coleen at nakipagkwentuhan na lang kay Kuya Vic hanggang sa namalayan na lang naming nasa harap na kami ng simbahan kung saan magaganap ang kasalan.

"Okay so here is my last instruction, diba sa mga previous dares niyo you are using cameras to shoot for evidence?"- napatango naman kami ni Coleen. " Sa dare ko, it's not just cameras"

"Huh?"- ako

"I am using eyes, Hope and Coleen. May nagmamatyag sa inyo at sila ang nagsisilbing cameras ko for evidence. I will just stay here and watch, now go and good luck, Audacious Squad"- gulat man kami ni Coleen pero lumabas na rin kami at humanap ng pwesto kung saan hindi kami makikita. Nasa may mga halaman kami nagtungo malapit sa simbahan. Malalaki naman kaya okay lang.

"Hope kinakabahan ako"- nag aalanganing sabi ni Coleen.

Hinawakan ko lang ang nanlalamig niyang kamay at umayos kami ng pwesto dahil paparating na ang kotse ng bride. Halos mapasigaw kami ni Coleen ng may lalaking papalapit sa mga halamang pinagtataguan namin.

"Hope iihi ata siya my gosh!!- bulong ni Coleen. At syempre ayokong mag amoy panghi eh gumawa ako ng paraan para hindi maituloy ng lalaki ang gagawin niya.

"Kokak..kokak..kokak"- gusto ng matawa ni Coleen sa ginagawa ko pashneyang to.

"Hala baka nuno sa iba na nga lang baka mas lalong lumaki"

Gusto kong tumawa ng sobrang lakas dahil sa narinig ko. Si Coleen naman eh nanginginig na dahil gustong gusto ng tumawa.

Lumabas na kami ng marinig ang hudyat na malapit na kaming pumasok sa eksena. Habang papalapit kami sa entrance eh naiiyak ako kasi dapat kasama namin si Xiana ngayon.

"Sayang tres marias sana tayo kung nagkataon"- dismayang sabi no Coleen na alam kong nanghihinayang din dahil wala si Xiana.

"Kung sino ang tutol sa kasal na ito ay maari lamang na magsalita n—"

This is it

"KAMI!"- nagitla ang lahat sa biglaang pagpasok at pagsigaw namin.

"Tutol kami!" - sigaw naming muli at sa pagkakataong ito ay nakatingin na sa amin ang ikinakasal. Shocks magkamukhang magkamukha nga ang lalaki at si VvS hindi ko alam pero parang naremind niya ang tatay-tatayan ko. Si Daddy Alfonzo, naluluha akong tumingin sa babaeng killer daw na may gulat na ekspresyon at napawi ang lungkot ko at agad na napaltan ng inis ng may mamukhaan ako sa babaeng iyon!

"Sino sila?"

"Anong pakulo ba ito?"

"Mga kabit ba sila?"

"Ako, ako ang nawawalang anak ni Mr. Sanchez!"- sigaw ko with matching iyak, ewan ba kung bakit. Baka na carried away na ako hmm mabuti na yun eh mas mapapaniwala ko sila.

"Sino sa amin?"- nagulat naman ako ng sabay sabay na nagsalita ang pitong lalaking mga nasa 30's na kasabay ang daddy ni VvS.

Pano na to eh hindi ko naman kilala ang pangalan ng dad ni VvS eh. Ay bahala na nga.

Tinuro ko ang lalaking nasa may altar at nagulat ang lahat. Nakarinig ako ng mga bulong bulongan.

"Ano bang pakana mo Ms. Evangeline?"- naagaw naman ang atensyon ng lahat sa lalaking nagtanong na nasa kanan namin.

Lumaki ng sobra ang mga mata ko ng makita si PakSett! Anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko siya mula ulo at naistuck ako sa mga suot niyang blackshoes. Gusto kong matawa dahil kahit blackshoes siya eh kita ko parin ang amos nito. Pfft..

"Do you know her Sett?"- tanong ng mailan ilang tao. Tumango naman si Sett.

"Yes she is the—"

"Daughter of that man!"- hindi ko alam kung bakit ko biglang ipinakita ang kwintas na binigay sa akin ni VvS at mas lalong nagulat ang mga tao. Pero mas hindi ko rin alam kung bakit tumakbo agad sa akin ang dad ni VvS at niyakap ako ng sobrang higpit. Nagpalakpakan ang mga tao ultimong nag kiss the bride chuchu.

"Anak"

VvS' POV

Tawa lang kami ng tawa ni Kuya Vic dito sa kotse dahik sa pinapanood naming malateleseryeng kaganapan dahil sobrang epic ng itsura ng Murderer na si Catharina Monoban. Pumapalakpak siya na akala mo eh sobrang saya kasi nagkatagpo na ang mag-ama kuno.

"Tsk tsk halatang pilit"- komento ni Kuya Vic ng ifocus ng camera ang mukha ni Catharina.

Sobra akong humanga sa ginawa nina Hope at Coleen. Then si Sett ang epic din ng itsura malamang nagulat din siya. Sorry bruh

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon