Not Good Not Bad
Hope's POV
Sobrang lamig naman dapat pala nagdala ako ng jacket. Andito ako sa park kung saan ako nagpalipas ng galit at inis kahapon. 4:30 am palang gising na ako, baka kasi maabutan ako ni mommy hindi pa ako reading harapin siya. 9:00 pm ako umuwi kagabi sa apartment, sinadya ko talaga kasi nga hindi pa ako reading harapin si mommy. Paulit ulit lang?
Alam kong may pasok ngayon but mas importante ang paggawa ko ng hakbang para maayos ang gulo ng pamilya ko, at especially gulo ng buhay ko. My life is a mess, my youth is ruined.
Konsensya: Alam mo bang mas lalo mo lang paguguluhin pag gumawa ka pa ng masama?
Ako: Just stop!
Epal tong konsensyang to!
Tumingin ako sa relos ko at 5:15 am palang, umayos na lang ako ng upo sa bench at pinanuod ang mga taong may kanya kanyang gawain. Medyo malayo ang lugar na ito sa mga nagtataasang buildings ng Manila. Pagala gala lang ang mga mata ko ng mahagip nito ang isang babaeng sobrang pamilyar sa akin. Ultimong paglakad at body posture niya eh sobrang kilala ko.
Napatayo ako ng mailan ilan na lang ang distansya namin. Sobra akong masaya na makita siya, sobrang saya na napaiyak na lang ako. Anong ginagawa niya dito? Akala ko umalis sila?
"Xiana/ Hope"
Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Nakita ko si Coleen hindi gaanong kalayo na may dalang—maleta.
"Xixi"- sabi ko ng makita ang maletang dala dala ni Coleen
"Sorry Hope di kita matawagan, kinailangan kong mag refresh eh. Sobrang daming problema ng pamilya natin"- yukong sabi ni Xiana.
"Okay lang bakit ka nga pala andito?"
"Ah I just want to see you before I fly"- nakayuko parin siya.
"Fly? Ibon lang?"- pilit kong tawa kasi alam ko na ang ibig sabihin nun. Aalis na sila ni daddy.
"Sayang tulog pa ata si mommy, just please take care"- bulong niya bago ako niyakap at tsaka tumakbo na papunta kay Coleen at niyakap ito bago kinuha ang maleta niya at sumakay na sa taxing naghihintay sa kanya.
"I will miss Xixi"- sabi ni Coleen habang kinakawayan ang papalayong taxi ni Xixi.
"Me too"- hindi ko alam pero parang ang saya ko ng makita ko ang kinakakapatid ko kahit panandalian lang.
"May kasalanan ka sa aming dalwa ni Xixi"- nabigla naman ako ng dahil sa sinabi niya.
"Anong kasalanan?"- baliw na ba si Coli?
"Hindi mo man lang sinabi na pumayag ka na sa kakaibang dare ni VvS"- pagmamaktol niya parang bata.
Kinabahan naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang ginawa ko. Tss
"Oh I am so sorry if I am late"- napatingin naman kaming dalawa ni Coleen sa babaeng nakacap ng pang paintor? Then nakalugay ang black na wavy niyang buhok na hanggang sa balikat lang ang haba. Hindi mo rin maipagkakaila ang angking kagandahan niya. Mababakas mo rin na mayaman siya. I don't know but nakaramdam ako ng kakaibang feeling.
"Sino siya?"- Coleen
"I am VvS, nice to meet you"- kinuha niya ang kamay naming dalwa ni Coleen at siya na ang nagshake nito.
"VvS talaga name mo? For real?"- ngumiti lang si VvS sa tanong ni Coleen.
"So bakit siya—"-Coleen
"Andito ako para idiscuss ang gagawin niyo sa dare na ibinigay ko, so shall we just sit here or let's go to the nearest café?"- hinila niya kaming dalwa papunta sa pinakamalapit na café nga.
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?