Chapter 7

0 0 0
                                    

Malas

Hope's POV

"Bukas magkikita rin tayo Xixi, bukas hindi na low battery phone ko, at bukas—yari sa akin si manong guard dahil nilock niya ako!"-naramdaman kong umiiyak na ako.

"Pwede ba tumahimik ka nga, natutulog yung tao eh"- muntik ko ng matapon yung phone ko ng marinig ko yung nagsalita. Habang naghihikbi eh lumapit ako ng bahagya sa bangkong kaharap ko at nangapa.
Namula ako ng may makapa akong matigas. Gulp. Ano to?

"Sinasabi mong minamanyak kita kaninang umaga tapos heto ka ngayon nangangapa ng dibdib ng tao"- pagsasalita ng taong parang kilala ko na.

Napasinghap ako ng maramdaman kong may lumapit sa mukha ko. "Sa tingin mo pangmamanyak rin ba yang ginagawa mo?"- ang bango ng hininga niya. Pero agad napawi ang pangpupuri ko sa kanya ng sumagi sa isip ko kung sino itong kaharap ko. None other than Sett the PakSett!

Tinanggal ko na ang kamay ko sa dibdib niya at bumalik na sa pwesto ko. Pinapanghina nanaman ako. Tatayo na sana ako at hahanap ng ibang pwesto ng ma-out of balance ako dahil parang may humahatak nanaman sa akin pababa. Hindi naman si Sett ang nanghahatak eh.

Boogsshh.....

"Ano ba!"- napasigaw si Sett ng sa kanya ako bumagsak ng ma out of balance ako.

"S-sorry"- yun na lang ang nasabi ko dahil pinapanghina na talaga ako kahit ang totoo eh gustong gusto ko siyang pagsusuntukin. Bakit ba sumasakit nanaman yung ulo ko?

"Mag ingat ka nga! Para ka kasing tanga! Hindi nag dadahan dahan, nakakasagabal ka pa ng iba"- naginit na ang ulo ko sa mga sinabi niya at ang nakakapagtaka lang eh bakit imbes na suntukin ko siya eh bakit napaiyak ako?

"Oo, ang tanga-tanga ko kasi hindi ko hinila si Xiana kanina para magkasama sana kaming lalayas hanggat hindi nagkakaayos sina mommy! Oo ang tanga ko kasi hinulog ko tong phone ko kanina, hindi na sana ako dapat bumalik at malock dito! Oo nakakasagabal ako ng ibang tao, dahil imbes na naka attend na ng klase ang dalwa kong best friend kanina eh hindi at binantayan nila ako sa clinic ng sumakit ang ulo ko at mawalan ng malay! Tanga na oo alam ko!"- dere-deretso kong sabi habang umiiyak.

Matagal ko ng nararamdaman na ang laki laki kong sagabal. Simula nung dumating ako sa pamilya nina Xiana lagi na lang na dedetention si Xiana dahil sa mga kagagawan ko. Simula ng dumating ako dito sa academy, wala na akong ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ng mga nandirito at nang dumating ako dito eh naging sagabal din ako sa estudyanteng top 3 sana noong 3rd year highschool.

"Aisshh"- nabigla ako ng hinigit ako ni Sett at———niyakap! Papalag sana ako kaso, parang yakap nga talaga ang kailangan ko ngayon. Kahit pa nga ata pulubi ang yumakap sakin okay lang, basta may yumakap.

"Sorry Ms. Evangeline"

"Hope!!!"

Kinampay ko ang aking mga kamay sa tubig

"Hope!"

Napatayo ako sa pagkakahiga ko ng magising ako. Ano nanaman ba yun?

"Okay ka lang ba Hope?"- napalundag naman ako ng may magsalita sa kanan ko. Si Coleen pala, nakaupo sa kama ko— wait, kama ko? Eh parang hindi naman ata ako dito nakatulog.

Flashback

"Sorry Ms. Evangeline"- yun na lang ang mga huling katagang narinig ko bago ako napapikit.

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon