Dare
Hope's POV
Naging maayos naman ang pagdinner namin. Nabalitaan na daw nina mommy ang ginawa namin, at okay lang daw basta babawi kami sa mga grades namin which is just a piece of cake para sa amin ni Xiana. After ng pagdinner namin saktong dating ni Coleen at ngayon nandito kami sa kwarto ni Xiana, nakaharap sa kanya kanya naming laptop.
"Oh ayan na may bagong nagtweet ng dare!"- masayang sabi ni Coleen.
"Coli kita namin/ alam namin Coli"-sabay na sabi namin ni Xiana. Para kasing timang si Coleen, iisang twitter account lang naman yung ginagamit namin, magkaibang laptop nga lang, sisigaw pa.
"Tss"- Coleen
Sa twitter kami tumatanggap ng dares, sa may account namin. Meron din kaming page sa facebook kung saan tumatanggap din kami, pero mas madalas naming magamit eh twitter. Ang tawag sa grupo namin ay Audacious Squad at ang tawag sa aming mga members ng squad ay Dare Taker then sa mga nagbibigay ng dare ay Dare giver.
Isang dare lang ang tinatanggap namin kada isang araw. Marami ang nagtitweet ng dares sa amin pero ang rule namin is kung sino ang pinaka unang nagtweet, siya ang pipiliin.
Ang mga dare na madalas na maatas sa amin ay inaabot ng ilang araw (mahihirap kasi) nagkataong pangmadalian lang ang dare kanina.
Sa tuwing gagawin namin ang dare, lagi kaming may camera para pangvideo. Pruweba namin ito na nagawa, at napagtagumpayan namin ang dare. Pano namin maipapakita sa dare giver? Iuupload namin sa youtube channel namin. Bahala na ang dare giver na panoorin ang dare na binigay niya.Hindi ko alam kung paano dumami ang mga naging followers, likers at dare givers namin. We have no idea.
"Na upload mo na ba?"- tanong ko kay Xiana. Si Xiana ang uploader namin.
Tumango naman si Xiana.Pumunta naman ako sa youtube channel namin at pinanood ang newest dare video namin. Madami ang naga like maunti ang naga dislike. Halatang cinut sa bandang huli ng video, yun kasi yung part na pumasok na sa eksena ang epal na lalaking nagngangalang Sett. Hmph!
Nag comment ang nagbigay ng dare.
VvS:Nice! Can I give you another dare again?
"Hmm?"- naadik na siguro ang dare giver na to. Nagtipa ako sa keyboard ng aking laptop.
(Name): Depende kung mauna ka sa pagtweet bukas, then makakaulit ka.
VvS: Sure!
Nag log out na ako pagkatapos mabasa ang last comment ng dare giver na may pangalang Vvs. Ang weird naman ng name niya sa youtube.
"Oh bakit nag log out ka na?"- nagitla ako sa biglaang pagsulpot ni Xiana.
"Pwede ba Xiana bawas bawasan mo nga pang gugulat mo"- busa ko sa kanya. Nag peace sign naman siya sa akin at bumalik na sa may table niya.
"Kuha lang ako ng makakain"- pagpapaalam ko , tumango lang ang dalwa at nagtungo na ako pababa.Napahinto ako sa may gilid ng pintuan ng kusina dahil sa sigawang naririnig ko.
"Kung naging maingat ka sana sa pagpili ng magiging kanegosyo hindi sana tayo mananakawan!"- si mommy.
"Wag mong isisi sa akin ang lahat dahil aminin mo ikaw rin ay naging pabaya!"- balik ni Daddy.
Ano bang nangyayari? Bakit sila nag aaway? Nanakawan? Kami?
"Iha, bakit gising ka pa?"- si manang pala.
"Manang bakit po sila nag aaway?"- tanong ko kay manang habang nakakapit sa laylayan ng damit niya.
"Hay"- manang
"Manang naman"
"Magpahinga ka na iha anong or-"
"Manang!"- nagitla si manang ng napataas ang boses ko, ako rin naman.
"Anong nangyayari dito Hope?"-napalingon kaming dalwa ni manang sa nagsalita. Si mommy.
"Ah wala naman Trina, tinakot ko kasi ang anak mo ahaha. Ihahatid ko na si Hope sa taas"- hindi ko alam kung bakit pero sumama na rin ako kay manang kahit gusto kong komprontahin si mommy.
"Manang, sorry po kung napagtaasan kita ng boses kanina"- nakayuko kong sabi habang umaakyat kami ni manang papuntang kwarto ni Xiana.
"Ano ka ba iha ayos lang yun naiintindihan kita"- nakahinga naman ako ng maluwag don.
"Pero manang ano po bang problema?"- gustong gusto kong malaman. Sobra akong nacucurious at di ko ito gusto. Hindi ako nito patutulugin.
"Tsaka ko na lang sasabihin anak, sa ngayon ay magpahinga na muna kayo. Ipagpabukas niyo na yang dares niyo, dito ba matutulog si Coleen?"- grabe naman si manang talagang hindi na ako pinagsalita.
"Uhm opo dito po matutulog si Coleen"
"Pano eh may pasok kayo bukas?"
"Ah, eh alam mo naman po yun girlscout laging handa"- ako
"O siya sige mauna na ako"
"Sige po manang good night"- andito na pala kami sa tapat ng pintuan ni Xiana?
"May bad news tayo/ may masamang balita"- bungad sakin ng dalwa ng makapasok ako. At ano daw? Bad news? At talagang sabay pa sila, mukhang bad news nga.
"Ano?"- ok uhm anong bad news? May bashers kami? Or detention kami in one week???
"Hoy ano ngang bad news!"- bakit ba ang tagal nilang magsalita? Kinakabahan na ako sa kanila ha.
"Unang bad news, si Hope natagalan sa pagkuha ng makakain"- Xiana
"At ang mas bad news pa doon ay wala siyang dalang pagkain ng makabalik na siyang muli—aray!"- pinagpapalo ko silang dalwa.
"Masakit hoy!"- maktol ni Xiana
"Kasalanan ko?! Kayo, kung ano anong kalokohan nanaman pinaggagagawa niyo sobra akong kinabahan!"- sigaw ko. Akalain mo ba namang pinagtitripan nanaman ako.
"Hahaha ikaw kasi sobrang tagal mo"- tawa ni Coleen nakisabay na rin si Xiana. Sige pagtulungan niyo ako, gagantihan ko kayo. *insert smirk*
Mukha namang kinabahan yung dalwang baliw ng makita nila ang itsura ko.
"Dapat hindi na natin siya pinagtripan" bulong ni Xiana kay Coleen. Hmph!
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?