Chapter 1

5 0 0
                                    

First Dare

Hope's POV

"Ms. Evangeline! Ms. Zolietta! And Ms. Evangeline again! Anong kalokohan nanaman ba to? First day of school kalokohan agad ang alam niyo. Graduating students kayo , matuto nga kayong mahiya! Lalo ka na Ms. Evangeline",sigaw ni Mrs. Quinto sa aming tatlo, at tinuro niya ako. Ano ba yan pa epal kasi yung lalaking yun!

Tumingin ako sa kaharap naming upuan at tinitigan ng sobrang sama ang malaking epal na to. At aba! Ang mokong nag pang irap lang.

Sinunod ko namang titigan ng masama ay ang dalwa kong katabi, dahil wagas kung kurutin ako. Kinikilig ba sila sa lalaking to? At aba ang Xiana namumula, ganito talaga siya basta pagdating sa mga lalaki. Tss.

"Ms. Evangeline, please tell me a good reason at sana wag mo nanamang idadahilan ang,”

"Sorry po ma'am it was just a dare"- napabuntong hininga naman si Mrs. Quinto sa sinabi ko.

"Ms. Evangeline, my head is aching now"- Mrs. Quinto.

"Ma'am gusto niyo hilutin ko?"- nabilaukan naman ang lalaking kaharap namin na umiinom ng gatorade. Mabuti nga sa kanya.Pinalo naman ako ni Coleen at Xiana.

"Ano ka ba Hope umayos ka nga"- bulong ni Xiana.

"Ms. Evangeline, tumatanggap kayo ng mga dares diba?"- napatayo naman kaming tatlo ng marinig ang salitang Dare.

"Yes po!"- Coli

"Opo ma'am!"- Xiana

"Yes na yes ma'am!"- ako

"Then I dare you three, to go to the detention room and stay there for 5 hours. Will you take it?"

"Yes ma'a—Detention? Po?"- we said in unison.

"Will you take it?!"

"No ma'am we object—" pinutol ng epal na lalaki ang sasabihin ko. Epal na nga Bastos pa.

"Or maybe they can clean the girls' and boys' bathroom, isama pa ang lockers' room kung saan eh puro SULAT"

"Oo nga—"

"Ma'am pupunta na kaming detention, bye ma'am we love you thank you for teaching us"- sigaw ko.

Lumabas na kami ng Dean's Office at naglakad na papuntang Detention Room. Gustuhin man naming hindi pumunta kaso may nakabuntot kasing teacher, si Sir Jack. Psh!

"Tsk tsk, top 3 ka pa naman Hope"- napayuko naman ako sa sinabi ni Sir. Totoo yun Top 3 ako sa buong Academy dati. Eh ano bang magagawa ko eh gusto ko rin naman kasi yung ginagawa naming tatlo.

"Ano bang naisipan niyo at ginagawa niyo ang mga bagay na yan? Ipinapahiya niyo ang inyong mga magulang, lalo na kayong dalwa; Xiana at Hope. Sobrang laki ng respeto ng mga tao sa inyong pamilya, pero dahil lang sa dalwa nilang anak mababawasan ang mga respetong nakukuha nila?"-dama ko ang pagkadismaya sa boses ni Sir Jack.

Narating na namin ang detention room at wala kaming ibang ginawa kundi ang mag upo. Umalis na rin si Sir Jack, may klase pa daw siya. Kami? Eto tahimik na nakaupo.

"Hope, wag mong pansinin ang mga sinabi ni Sir Jack, boring lang talaga ang teen life niya"- walang palyang basag ni Coleen sa katahimikan, bago dumagdag pa ang halakhak ni Xiana. Mga buang talaga, napangiti na lang ako.

"Pero ang gwapo talaga ni Sett diba? Kyah!"- tili ni Coleen na nasa may kaliwa ko. Si Xiana naman eh nasa may kanan ko, bale nasa gitna nila ako.

"Sett? Siya yung lalaking epal?"- kumukulo nanaman ang dugo ko ng maalala ang lalaking Sett pala ang pangalan..

"Oo siya nga! Grabe ang hot niya nung pinagsasabihan ka niya Hope"-kinikilig naman na sabi ni Xiana.Tss.
Naalala ko yung nangyari kanina. Grr!

Flashback.....

"Ang exciting, ayan na malapit ng matapos!"- tili ni Xiana.

"Shh! Ang ingay mo Xixi"- Coleen

"Eh anong magagawa ko eh ngayon lang ako nakatry magvandalize"

"Halata naman eh"- mataray na sabi ko na ikananguso ni Xixi.

"Ang daya mo Xixi dapat ikaw naghahawak ng camera eh!"- maktol ni Coleen, si Xiana kasi may hawak kani-kanina ng camera eh naengganyong magvandal ayun binigay kay Coleen.

"Dun pa—"

"What the hell?"- napalingon kami sa nagsalita, na lalaki pala. Nabitawan ko ang pangspray na hawak ko. Shit!

"What do you think you're doing?!"- galit na sambit niya. Kinakabahan ako.

"Uhm, nagv-vandalize? Ahaha"- alanganing sagot ko.

"Wait, Ikaw yung top 3 diba? Haha what a sight to see! Alam niyo ba kung anong school ang pinapasukan niyo?!"- lalaki

"Oo! Winston Academy!"- tanga ba tong lalaking to?

"Irereport ko kayo right away!"

"Huwag ka ngang epal! Sino ka ba para gawin yan ha!?"- ang epal niya sino ba siya? Bakit alam njyang top 3 ako? Ni hindi ko nga siya kilala, baka transferee? Tapos wagas kung makapagmayabang ah!

"Eh ikaw? Sino ka para magvandalize ng mga lockers?!"- giit ng lalaki. Okay! Speechless ako dun!

"Hello? Yes, I need you to come here in the lockers' room ASAP!"- sabi ng epal sa cellphone na hula ko eh security ng school. Grr!

End of flashback..

"Grrrr!! Nakakainis yung lalaking yun! Baka mapasama tayo kay na mommy neto eh!"- sigaw ko.

"Easy Hope, hindi naman siguro magagalit sina mommy kasi alam na nila ang ginagawa natin"- pagpapakalma sakin ni Xiana.

"Oo nga tsaka hindi lang naman eto ang first time nating mareport haha wag mong sabihing hindi ka pa immune?"- natatawang sabi ni Coleen.

"Wait! Yung camera?"- shit nasan kaya.

"Nasa akin syempre, eto oh"- inilabas ni Coleen ang camerang ginamit namin.

"Phew! Buti na lang magaling kang magtago"- nag apir kaming tatlo.

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon