Bukas
Hope's POV
"Tsk tsk tsk, mukhang magiging suki na kayo ng detention Ms. Evangeline"- iiling iling na sabi ni Mrs. Quinto bago lumabas at kinandado kami
Nilugmok ko na lang ang ulo ko. Shemay naman kasi, hindi man lang kami binigyan ng chance na magpaliwanag.
"Hay nako paniguradong papagalitan ako ni mommy dahil 6:00 pm ako uuwi"- dinig kong sabi ni Coleen.
"Grabe naman kasi si Mrs. Quinto, detention agad agad? Di ba pedeng principal's office muna?"- iyamot na sabi ni Xiana.
"Kung hindi kasi nag ingay yung isa dyan hindi sana tayo maririnig ng principal na yun"- pagpaparinig ko kay Coleen na tiningnan naman ako ng masama.
"Kung hindi ka sana tumakbo palabas di sana kita hahabulin at hindi sana ako makakapag ingay"- bawi niya.
Sa pagkakataong ito kay Xiana naman kami tumingin ni Coleen at sabay na:
"Kung hindi kasi nag walk out yung isa dyan hindi sana namin gagawin ang mga nagawa namin"- lumaki naman ang mata ni Xiana sa sinabi namin."Excuse me lang ha for I know kayong dalwa ang may pinaka may sala dito, kung hindi niyo na ako pinag tatanong ng kung ano ano na as if hindi niyo ako pinagkakatiwalaan, eh di hindi sana ako mag wawalk out at hindi sana mangyayari ang mga nangyari!"- malamig na sabi ni Xiana. Okay talo kami dun.
"Ah past is past naman na diba Coli?/ Hopia?"- sabay na sabi namin ni Coleen sa isa't isa.
"Haha oo nga!"- tss bipolar talaga tong kinakapatid ko, buti na lang kinakapatid ko hindi kapatid ko.
"Kyah!"- nabigla ako ng mapasigaw yung dalwa.
"Ano yun? Bakit may nagvibrate?"- takang tanong ni Coleen.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa. Ofcourse nasa akin parin ang baby ko ano? Isa ito sa mga kashungaan ng nga teachers pag napapadetention kami. Haha hindi nila alam na may mga gadgets kaming kasama, kahit kinapa na nila kami ng paulit ulit. Magaling akong magtago.
"Ooohh si VvS! Yung favorite ni Xixi. VvS din ang name niya sa twitter?"- si Coleen habang binabasa ang tweet ni VvS. Agad namang dumikit si Xiana sa amin ni Coleen. Okay?
"Anong tweet niya!"- Xiana
"Excited bes?"- binasa na namin ang tweet.
"WHAT?!"- kaming tatlo
Binasa ulit namin ang dare na ibinigay ni VvS to make sure na hindi kami namamalikmata.
"Hahahahaha, she's kidding right?"- Coleen
"Uhm?"- Xiana
"No way! Napakahirap naman!"- sabi ko habang binabasa ulit ang dare ng VvS na to.
"Ang hirap nga pero ang astig!"- napatingin kaming dalwa ni Coleen kay Xiana dahil sa sinabi niya.
"I can't believe you Xiana! Na-astigan ka pa sa dare niya? Eh ang hirap hirap nga eh!"- ako.
Magsasalita pa sana si Xiana ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang Principal. Agad ko namang tinago ang phone ko sa ilalim ng lamesa.
"Coleen your mother is outside, Hope and Xiana your parents are here"- pagkasabing pagkasabi ng Principal ang mga katagang na yon ay nabitawan ko ang phone na hawak ko.
"B-bakit sila nandito?"- napatingin ako kay Xiana na walang kibo. Never pa silang pumunta dito sa tuwing nadedetention kami eh. Siguro maga outing kami? Hindi rin.
Kukunin ko na sana ang phone ko sa ilalim ng mesa ng...
"And I think they have a problem, or maybe we can say that YOUR family has a problem"- pagpatuloy ni Mrs. Quinto.
"An—"
"I will take the both of them! Wala kang kukunin sa kanilang dalwa! Not Xiana! Not Hope!"- narinig kong sigaw ni mommy sa labas.
"I think you two should go"- mahinahong sabi ni Coleen.
Walang palya palya tumayo na kami ni Xiana at lumabas ng detention room. Nakita namin sa labas sina mommy at daddy, nag aaway. Si mommy umiiyak na, then si daddy namumula na ang mata. Gusto kong umiyak pero I know kakailanganin ako ni Xiana. Wala ng ibang tao maliban sa amin.
"Kung hindi dahil sayo! Hindi sana tayo magkakaganito!"-iyak ni mommy habang tinuturo si daddy. Di pa ata nila kami nakikita. Napalingon naman ako kay Xiana ng maghikbi siya. Lumapit ako kanya at niyakap siya. Napahagulgol na si Xiana kaya naagaw namin ang atensyon nina mommy.
"Xiana, Hope! Tara na!"- hila ni mommy sa akin at kay Xiana.
"No Trina! Sa akin si Xiana!"- hinigit ni daddy si Xiana at dahil lalaki si dad nahigit niya si Xiana. So ano meaning nito? Pati kami ni Xiana paghihiwalayin nila? Napaka unfair naman! Hihigitin ko na sana si Xixi ng hilahin na ako ni mommy palayo.
"Xiana!"
"Hope!"
"Mommy naman ano bang nangyayari sa inyo!? Bakit kailangan pang mahiwalay ni Xiana! Bakit bakit bakit!!"- hagulgol ko ng marating namin ang parking lot. Hindi ko na nakayanan at bumigay na ako.
Ang saklap naman, bakit ano bang nangyari at nauwi sa ganito? Hiwalay na sila for real? Tapos ano? Di ko na makikita si Xiana? Bakit naman ganon?
"Anak kailangan eh, kasi ito ang tama"- iyak na rin ni mama.
"Well that's bullshit kasi never namang naging tama ang paghiwalayin at idamay kaming dalwa ni Xiana sa away niyo!"- sigaw ko at wala akong pake kahit pagtingnanan pa kami.
Si Xiana bakit naman ang unfair!
Nang makauwi kami sa mansion dumeretso agad ako sa kwarto ni Xiana at don nagmukmok.
Kinapa ko ang phone ko dahil baka tumawag si Xiana or Coleen.Wait—pakshet! Agad akong tumayo at dahan dahang bumababa papuntang garage at kinuha ang bike ko. Oo nga pala nahulog ko siya sa detention room.
Pagdating ko sa Academy, bukas ang gate? Pumasok ako at nakitang bukas ang guard house kung saan naroroon ang mga susi tsk tsk mananakawan kami nito eh. Kinuha ko na ang susi para sa detention room at nagtungo na doon.
"Nasan ka na!"- mahirap mangapa sa dilim. Bawal ko panamang buksan yung ilaw dito sa detention room baka mahuli ako.
"Ow!"- nabangga ako sa lamesa siguro.
buzzz......
Napatalon ako ng may maramdamang nag vibrate. May umilaw sa may ilalim ng lamesang nabangga ko.
"Yes!"- lumapit ako dito at kinuha. Tiningnan ko ang tumatawag at si Xiana. Pipindutin ko na sana ang accept button ng may marinig akong footsteps papalapit sa pintuan ng detention room. Tumago ako sa ilalim ng lamesa ng sumilip ito sa may pintuan. Si manong guard shems! Dapat umiiyak ako ngayon eh!
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero napagtantuan ko lang kung ano ito ng biglang sumara ang pinto at narinig ko ang pagkakalock nito sa labas. Napapikit na lang ako ng mariin dahil bakit ba ang malas ko ngayon?
Tumingin ako sa phone kong low battery na. Great just great! Hindi ko na nga nakausap si Xiana then nalock
pa ako. Bakit ba ang malas malas ko."Bukas magkikita rin tayo Xixi, bukas hindi na low battery phone ko, at bukas—yari sa akin si manong guard dahil nilock niya ako!"
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?