Chapter 11

0 0 0
                                    

Playing

Hope's POV

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, sobrang lakas na parang lalabas na siya. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakangiti ng pilit sa harap ng mga nakakataas na tao sa akin.

Alam ko namang maliit na ako sa height pero pati ba naman sa posisyon sa lipunan ipagsisigawan pa kung gaano ako kaliit? Lalo pa't walang company na hinahandle ang pamilya ko mas lalo tuloy akong nanliit.

Konsensya: Sa kaloob-looban mo man eh sobrang liit mo, sa panlabas naman ikaw ang nakakataas sa mga nasa harapan mo, kasi nga diba anak ka kuno ng sobrang successful na business man?

Parang sa lahat ng sinabi ng konsensya ko yung kasasabi pa lang niya kanina ang pinaka nagustuhan ko sa lahat.

Dahil sa pagpapalakas ng konsensya sa loob ko eh mas pinagbuti ko ang pag-acting ko.

Andito kami sa mansion ng mga Sanchez, grabe madaan lang kami sa first gate mararamdaman mo ng sobrang yaman ng mga nakatira. My first gate kaming dinaanan bago marating ang main gate na mas lalong nagpalaglag ng panga ko dahil maski malamansion naming bahay dati walang wala sa tunay na mansiong kinalalagyan ko ngayon.

After ng scene na ginawa namin ni Coleen kanina sa simbahan eh hindi na natuloy ang kasalan at imbes na si Murderer ang isakay ni Mr. Sanchez sa magarbong sasakyan niya eh kaming dalwa ni Coleen ang pinasakay niya at ngayon nga eh andito ako sa harap ng mga Sanchez.

Nasa unahan kami ni Mr. Sanchez at nasa pinaka harap namin ang pinaka first Sanchez of the Sanchez Family tree. Ang mommy ni Mr. Sanchez na si Donya Helena , actually kilala ko siya kasi minsan na siyang dumalaw sa company nina mommy noon. At ang asawa ni Donya Helena na si Don Palegrio na nasa picture frame mo na lang makikita dahil nasa kabilang buhay na siya. Hindi ko siya naabutan ng buhay sa pagkakatanda ko.

At ang nasa likod na nila ay ang mga kapatid ni Mr. Sanchez, mga asawa at anak ng mga kapatid ni Mr. Sanchez, mga tito at tita siguro ni Mr. Sanchez.

And hindi man kabilang sa Sanchez family tree pero soon to be DAPAT ay ang Monoban Family na siyang angkan pala ni Sett the PakSett!

Nandito kami sa parang event hall ng mansion, ang gara ng mansion eh may event event hall pang nalalaman.

Iginala ko ang mga mata ko hoping to see VvS but she was nowhere to be found at ganon din si Coleen na bigla na lang nawala ng pumasok kami sa mansion. Iginala ko pa ang mga mata ko at dumapo ito sa lalaking seryosong nakatingin sa akin.
Pinandilatan ko siya at wala paring reaksyon psshh bahala nga siya.

"Finally after so many years, natagpuan ka ng muli"- naiiyak na lumapit sa akin si Donya Helena at niyakap ako kaya niyakap ko din siya. I don't know how I pulled it pero umiyak talaga ako, pwede na ba akong mag-artista? Tiningnan ko ang mga ibang member ng Sanchez family at nakangiti sila sa akin, ngiting puro at wala kang mababakas na fake. Kumukulo naman ang konsensya ko.

I bit my lower lip para mapigilan ang pagluha ko dahil sa ginagawa kong panloloko. Napatingin naman ako sa murderer na babae at nakita ko itong ngumiti sa akin, which is fake. Naging group hug ang nangyari at inaanounce na muna ni Mr. Sanchez na icacancel na muna ang wedding na ARRANGED pala dahil daw mas gusto munang magfocus ni Mr. Sanchez sa akin. Shit naman huli na bang marealize na sobrang laki ng gulong pinasok ko?

Arranged marriage ang nangyari dahil matagal na ring matinding magkaribal sa business ang Sanchez and Monoban family at para matapos na ang pagiging magkaribal , arranged marriage is needed at ang ipinagtataka ko lang eh bakit si Mr. Sanchez at si murderer pa ang dapat ikasal eh sa dami nilang angkan.

Oh well ayoko ng pasukin ang mga yon, sapat na nangloloko ako ng tao, sobra sobra pa nga na hindi na kayang buhatin ng konsensya ko.

Okay lang daw naman sa mga Monoban family  naiintindihan daw nila.

After ng mga mahigit isang oras na pakikisalamuha sa mga Sanchez at Monoban Family eh nakaramdam ako ng tawag ni mother earth.

"Mr. Sanche—"- naputol ang pagsasalita ko ng magsalita si Mr. Sanchez

"Papa anak, papa"- pagtatama ni Mr  Sanchez.

"P-papa"- ugh ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako naiiyak? Dahil ba namimiss ko si Daddy(Alfonzo)?

"Much better, ano yun anak?"- sabi ni Papa

"Uhm cr lang po ako"- tumango naman si P-papa at agad na akong nagtungo palabas ng event hall.

Sumalubong sa akin ang tahimik na hallway ng mansion, mga naglalakihang chandeliers, mga ginintuang vases, at mga picture frames kung saan ay nakalarawan ang mga naggagandahang landscapes.

Naagaw ng atensyon ko ang katangi-tanging picture ng isang maliit na batang babae na may kwintas na katulad ng suot ko, ang ganda niya si VvS ba to? Kamukha niya kasi—teka, sinabi ko kanina sa simbahan na ako ang nawawalang anak ni Mr. Err ni Papa at nang ipinakita ko ang kwintas na binigay ni VvS eh naniwala agad sila then sinabi ni Donya Helena na after so many years eh natagpuan na ako. Hindi kaya pagkamalan nila akong si VvS?

"Yan ang nakababatang kapatid ni Vivian"- napatalon ako ng may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at halos himatayin ako ng makitang si Sett, nakasandal siya sa isang malaking vase.

Nakababatang kapatid ni Vivian? Sino si Vivian? Oh! Itinago ko ang mukha kong gulat ng mapagtantuang si VvS ang sinasabi niyang Vivian, Vv stands for ViVian and S—stands for Sanchez!

"Hope Evangeline"- kinabahan naman ako ng banggitin niya ang full name ko.

"Ano nanaman bang pakulo ang gagawin mo? Are you really the missing second daughter of Tito George?"- mapanuri niyang tanong habang nakahalukipkip at nakasandal sa malaking vase.

Just play the game Hope, just play.

"Unang una, hindi ito pakulo, but it's the naked truth and secondly yes, yes I am"- hindi nakapagsalita si Sett, pero maya maya eh nag smirk siya at dahan dahang lumapit sa akin. Ako naman todo atras hanggang sa nacorner na niya ako. Gulp.

Naaamoy ko na ang mamahalin niyang pabango, wala akong ibang mapagtingnan kaya yumuko na lang ako at nakita nanaman ang unpolish niyang sapatos na itim. Pft..

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Kung pede ko lang sapukin tong epal na to nagawa ko na, kaso ihing ihi na ako eh. Bago mas lalo pa akong napapaihi dahil sa ginagawa ng epal nato.

"You may fool the others but you cannot fool me Ms. Evangeline"- bulong niya sa akin at tsaka bumalik sa loob ng event hall.

Napaupo ako sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Naramdaman kong kumirot ang ulo ko, not now!

"Ugh!"- nahawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit! Parang pinupokpok!

"Hope"

May mga kung ano anong boses akong naririnig, may boses ng babae na umiiyak, may tumatawa ng parang sa d*monyo!

"What's happening to me!"- naiiyak na lang ako sa hapdi. May mga bunch of maids akong natatanaw na may mga dalang tray, nagtatawanan sila pero agad napalitan ng sigaw ng makita nila ako.

"Miss! Are you okay?"- maid 1

"Miss—ha! Yung kwintas!!- narinig kong gulat na sabi ni maid 2

"Anong nangyayari dito?"- may kung sinong boses babae akong narinig.

"Ma'am Catharina"- kita ko kahit blurred na humawan ang nga maid at patakbong lumapit sa akin si Catharina na sa tingin ko eh si Murderer.

"Oh my gosh are you okay dear? Si George! Call him now!"

"Yes po"

Bumibigat na ang mga mata ko at sobrang sakit na ng ulo ko. Bago ako tuluyang pumikit naaninaw ko pang mabilis na lumapit sa akin si Papa( George) at ang iba pang angkan ng Sanchez at Monoban.

I am telling you guys, I am not playing anymore.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon