Main Prologue

5 0 0
                                    

"Bilisan mo nga maglakad maabutan pa tayo nito eh!"- sigaw ko kay Xiana na nasa may entrance pa lang ng Winston Academy. First Day of school namin at sobra kaming nalate! 4th year highschool na kami ngayong magkakaibigan.

"Grabe ka naman-k-kung maka-late, seriously Hope? Marunong ka bang tumingin sa relo?"- naghihingalong sabi ni Xiana habang nakatukod ang dalwa niyang kamay sa tuhod.

"Oo marunong ako tumingin at 6:30 na kaya bilis!"- hinigit ko na siya, sobrang bagal , dumadami na tuloy ang mga estudyante. Ayaw kong maabutan ng Student Flood.

Nasa kalagitnaan ako sa paghihila kay Xiana ng may biglang sumigaw.
"Hopia! Xixi!"- napalingon kami sa likodan namin at nakita namin si Coleen na parang takas sa mental dahil wagas kung mag lulundag.

"Kyah! Coli!!"- bumitaw sa akin si Xiana at yumakap kay Coleen. Tumikhim naman ako na nakaagaw ng atensyon nilang dalwa.

"Coli dala mo ba?"- tumango siya na sobra naming ikinatuwa ni Xiana, pero nawala ang pagkatuwa ko ng makita ang unti unting pagdami ng mga estudyante. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na sumigaw. "Student Flood!!"

Hinigit ko na ang dalwang to. Ano na ba ang role ko sa mundo taga hila?
Tss. At sa awa ni God nakarating na rin kami sa locker room. Kung saan gagawin na namin ang iniutos sa amin ng tagautos. Lol

"Sure na ba talaga kayong gagawin natin to?"- nag aalalang tanong ni Coleen.

"Oo sure na sure, there's no turning back. We accepted it."- taas noong sabi ni Xiana.

"First day of school hindi kaya kayo pagalitan ni Tita Trina at Tito Alfonzo? I mean, oo alam na nila ang ginagawa natin pero kasi first day of school nati—ow!"- binatukan ko si Coleen ng pagkalakas lakas.

"Ano ka ba Coleen wag ka ngang nega!"- sabi ko sa kanya.

"Okay so let's do it! Uhm akong magvivideo kayo ang gagawa ng iniutos"- masayang sambit ni Xiana. Psh!

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon