Chapter 8

0 0 0
                                    

Begin

Hope's POV

VvS: Ano will you accept my dare? Or you will still ignore it though kailangang kailangan mo na ng pera?

Bakit ba parang minamatyagan kami ng VvS na to? Bakit alam na alam niyang kailangang kailangan ko na ng pera? Bakit—bakit nararamdaman kong umiiyak ako?

"Anak are you okay?"- agad kong pinunasan ang mga luhang umaagos galing sa mga mata ko ng napalingon si mommy sa akin. Agad akong tumango at ngumiti na lang sa kanya.

Ang dare ni VvS sa aming tatlo nung nasa detention kami ang masasabi kong pinakamahirap, pinakaimposible, pinakamasama, at pinaka nakakairita.

Flasback...

Binasa naming tatlo ang tweet ni VvS at talaga namang nag kulo ang dugo ko sa nabasa ko.

VvS: kung kayo nga tlga ang greatest dare taker, I dare you to interrupt a wedding. And I promise you guys, you will earn money.

Syempre ayaw namin ano! Sino bang may gusto sa aming tatlo na manira, lalo na at kasal pa! At ano daw? We will earn money? Nako wag ako ha wag ako. Nakakainis lang.

Mag titweet na sana ako kaso biglaang pumasok si Mrs. Quinto.

End of flashback...

Wala kaming balak manira ng kasal, nakakasuka lang. Pero nakakaapak din ng pride na hinahamon niya kami kung kami nga eh greatest dare taker. Syempre hindi magpapatalo ang Audacious Squad! Pero dahil lang ba sa pride kaya mas pipiliin naming manira?

Pero kung iisipin ko ng mas mabuti, pag tinanggap namin ang dare niya, kikita kami ng pera. Pede ko siyang ipangdagdag sa ipon to 8 billion. Kahit nasa tatlong numero o apat man ang pera na ibibigay niya , tatanggapin ko mapatunayan ko man lang na may kaya akong gawin para maibalik na ang kompanya, para magkaayos na sina mommy, at para hindi na kailangan pang mahiwalay ni Xiana.

"Uy bakit ka umiiyak? Napapaiyak na rin ako eh"- napatingin naman ako kay Coleen at nakita kong naluluha na rin siya. Ngumiti na lang ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. Hay naku naman Xiana nakakainis ka, bwisit ka kahit kelan!

"Andito na tayo"- sabi ni mommy. Bumaba na kami at binuhat ang mga bagahe. Ang mga iba naming gamit eh mamaya pa darating. Dahil kapos sa budget kaya mga mumurahing furnitures lang ang mga nakalagay sa loob ng apartment. Tama lang ang laki ng apartment. Apat na rooms, dalawang malaki na sa tingin ko eh pang bedroom at dalawang maliit na sa tingin ko eh cr. Malapit sa dalawang cr ang mini kitchen, at ang mini living room eh malapit sa may bedrooms.

Tinulungan ako ni Coleen na magdala ng mga gamit ko sa room na nasa kanan. Dito ang bedroom ko. Andito na rin ang single bed ko, I guess nasama ito sa mga first batch na ipinadala.

"Okay lang ba sayo yung bedroom mo?"- tanong ni Coleen sa akin habang inilalapag ang nga gamit ko.

"Oo naman, it's perfect. Hay kung andito si Xiana malamang hindi kami kasya"- naiiyak nanaman ako kaya niyakap ako ni Coleen. "Shhh wag mo na nga lang siya isipin"

After that nagpaalam na si Coleen kay mommy dahil baka daw siya gabihin eh may pasok pa bukas. Wala naman ng masyadong iintindihin kasi wala pa yung ibang mga gamit kaya humiga na lang ako sa kama ko habang nag iintay ng tawag mula kay Xiana or daddy at the same time iniisip ko rin yung dare ni VvS. Gagawin ko ba?

Daring DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon