Curious
Hope's POV
Para akong zombie na naglalakad sa tahimik na corridor ng Winston Academy. Sabi ko naman kasi sa inyo hindi ako patutulugin ng curiousity ko. Buong gabi kong inisip at pinag buo buo ang mga posibilidad sa isip ko kung bakit nag aaway sina mommy.
Ang kinahantungan ng pag iisip ko eh ang pagbabasa ng newest dare namin. Sumasakit ulo ko ng mabasa ko yun eh. Akalain ba namang may nagsabay na dare giver sa pagtweet na saktong 12:00 am? Sinong uunahin namin dun? Eh isa lang dapat, tss.
Huminto muna ako sa paglalakad at umupo sa isang tabi tsaka dinama ang malamig na hangin, 5:45 am pa lang kasi. Tsaka hindi naman nakakatakot dito sa school, may mga guard na naglilibot. Hay ang sarap matulog.
"Kung pagtulog lang din naman ang idinayo mo sa ganito kaagang oras, might as well go home"- boses ng isang lalaki. Sino ba to? Iminulat ko na ang mga mata ko.
*slap*
"What the hell? Bakit ka ba nanampal?"- maktol ng EPAL na to.
"Eh bakit ka ba lumalapit sa mukha ko? May balak kang halikan ako no? Epal na nga manyak pa!"-sigaw ko.
"Excuse me? At bakit naman kita hahalikan?"
"Kasi nga manyak ka!"- naririnig ko ang pag echo ng sigaw ko.
"I would never and will you lower your voice? Para kang taga bundok"- iyamot na sabi ng lalaking nagngangalang, ano nga ba pangalan nito? Ah Sett!
"Get lost will you?"- inis kong sabi.
"Tss"- at sa wakas lumayas na rin siya. Sa room na nga lang ako pupunta, panigurado namang andun na adviser namin. Maaaga kasi ang mga teacher dito. Wait sino ba ang adviser namin? Na curious ako.
Sumilip muna ako sa may pintuan ng classroom namin. Section 1-A ako, oh yeah. Walang teacher pero may mga lesson plan. Ayos! Makatulog nga muna.
Xiana's POV
Sabi ko na nga ba. Sana talaga hindi ko sinang ayunan yung plano ni Coli na pagtripan ang kinakapatid ko. Tuloy! Late na kami!
"Grr Coleen I swear to God mapapatay kita pag nadetention tayo!"- napangiti na lang ng alanganin si Coleen at tumingin na lang sa labas. Andito kami ngayon sa kotse, on the way sa Academy. Si Hope? Ayun maaga daw umalis sabi ng isang katulong namin.
Ito ang ganti niya sa amin ni Coleen ng pagtripan namin siya. Ang hindi kami gisingin ng maaga. Napaka OA pa naman ng mga ganti nun!
Hmm nakatulog kaya siya ng maayos? Paniguradong hindi kasi nilamon siya ng curiousity niya. Narinig ko kasi ang sigawan nina mom at dad ng sinundan ko si Hope. Kukuha rin kasi ako ng makakain, tutulungan ko sana siya kaso yun ang narinig ko. Minabuti ko nga lang na umalis ng mabilis. Hay, paniguradong mukhang zombie yun. Hihi
"Malamang sa malamang tulog si Hope ngayon"- sabi ni Coleen. Nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa narinig ko. Sobrang mapapagkatiwalaan si Coleen. Aabutin tayo ng decades pag inisa isa ko pa ang mga patunay na mapapagkatiwalaan siya.
"Oo nga eh lumalabas pa naman ang pagkamataray nun pag hindi siya nakatulog ng maayos, tsk tsk good luck na lang sa unang taong iinisin siya"- isa na ako sa mga naging biktima ng pagiging mataray niya. As in sobrang taray, kukulo na lang ang dugo mo sa sobrang katarayan niya.
Kahit sino tatarayan niya, sana estudyante ang unang nang inis sa kaniya at hindi teacher ayokong maging suki ng detention ngayong school year. Syempre sasama kami sa kanya sa detention room kahit siya lang ang may kasalanan, kahit sino naman sa amin ang madetention sasama kami. Friendship Goals.
"Andito na po tayo Ms. Xiana"- sabi ni Kuya Vic.
"Kuya Vic"- may itatanong ako kay Kuya, kanina pa kasi ako nacucurious eh.
"Yes po?"- sagot ni Kuya Vic habang pinagbubuksan kami ng pintuan.
"Uhm diba maagang umalis si Hope? As in sobrang aga?"- ako
"Oh ano ngayon?"- Kuya Vic
"Sinong naghatid sa kanya?"- ako
"Oo nga kuya sinong naghatid sa kanya? Eh 5:45 am ka nagigising? Ayon sa isang katulong 4:30 umalis si Hope?"- singit ni Coleen"Ah yun po ba? Nag lakad lang daw si Hope sabi ni—"- naputol ang sasabihin ni Kuya Vic ng tumunog ang phone niya.
"Ah sige kuya mauna na kami"- hinila ko na si Coleen, baka malate pa kami lalo.
Hope's POV
Tubig
Malamig
Hindi ako makahinga!
Ikinampay ko ang mga kamay ko. Hindi ako pedeng malunod!
"Noooooo!"
"Hope!"
"Hope! Okay ka lang ba?"- iminulat ko ang aking mga mata ng marinig ang boses na sa palagay ko eh si Coleen.Tama nga ako, si Coleen. Pero bakit niya hinihimas ang pisngi niya?
"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"- alalang tanong naman ni Xiana na nasa kaliwa ko.
"Huh?"- hinipo ko ang dalwa kong pisnge at basa nga. Sigh.
Maraming mga estudyanteng nakabilog sa akin na sa palagay ko eh mga kaklase namin."Hay, masamang panaginip ba?"- Si Coleen na patuloy parin sa paghimas ng pisnge niya. Tumango naman ako.
"Bakit kanina mo pa ata hinihimas yang pisnge mo? Masakit ba ngipin mo?"- hindi ko na napigilang magtanong kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit.
"Ah kanina kasi—wait nga lang bakit ba ang daming tsismosa't tsismoso dito?"- mataray na sabi ni Coleen sabay tingin ng masama sa mga estudyante na nagsialisan naman.
"Anyways kanina kasi pinaghahampas mo ako bigla, masakit kaya."- taray na sabi ni Coleen.
"Okay ka na ba?"- tanong ni Xiana.
Tumango na lang ako kahit ang totoo eh hindi ko na kayang gumalaw ng gumalaw. Ugh bakit ba ako nagkakaganito?Dumating na rin ang adviser namin. Si Mrs. Salvador pala. Nag sibalikan na ng upo ang dalwa kong kaibigan na katabi ko lang. Actually hindi pa ito ang tunay na seating arrangement namin.
"Good morning class, its okay wag na kayo bumati cause we have to arrange your seats now dahil kompleto na kayo at wala ng nasa DETENTION"- sabi ni ma'am habang tinitingnan kaming tatlo nina Xiana.
"Okay girl- boy ang pattern and since si Ms. Hope ang pang-una sa list. Ms. Hope please transfer to that seat near the window"- turo ni mam sa pinaka unang upuan malapit sa may bintana.
Tatayo na sana ako kaso parang may nagpanghatak sakin pababa't bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
"Hope!"
"Ms. Evangeline!"
BINABASA MO ANG
Daring Dare
Teen FictionLaro tayo gusto mo? Simple lang naman ang mechanics eh. Una maging matapang ka Pangalawa maging brave ka At pangatlo maging matapang ka ulit kasi ang larong lalaruin natin ay walang iba kundi ang the Daring Dare. Ano game ka ba?