Chapter 10: Paalam

33 16 3
                                    


“Pito.”

Sagot ni Elaira.

“At paano naman naging pito ang sagot?” Tanong ni Ariela.

“Dinagdagan ko lang ng isang letra ang ‘ito’ dumami na nang maging pito.”

“Ang galing naman…” Sarkastikong puri ni Ariela kay Elaira.

Nakalaya na din si Francis sa pagkakatali nito.

Ngunit, hindi pa siya nakakahinga ng maluwag. Nag-aalala pa siya para sa kaligtasan ng kaniyang nobya na si Devine.

“Sino ang sunod na ililigtas mo?” Muli nang nagtanong si Ariela.

“Pakiusap, si Devine ang piliin mo! Pakiusap!” Pagmamakaawa ni Francis kay Elaira.

Paulit ulit siyang nagmakaawa hanggang sa maiyak na. Lumuluha na din si Devine.

Noon lang niya nakitang nagpakita ng pagpapakumbaba ang nobyo. Nagawa nitong magmakaawa para sa buhay niya.

“Wag mo siyang diktahan Fran. May sarili siyang isip. Kung hindi niya ako piliin, ayos lang… napatunayan ko naman na mahal mo ako.” Sabi ni Devine.

Ngunit lalo lang lumakas ang mga pagmamakaawa ni Francis kay Elaira dahil doon.

“Awwwww… Nakakaiyak naman pala.” Pangungutya ni Ariela sa magkasintahan.

“Ang huli kong ililigtas ay si…”

“Si Brea.” Pinili na ni Elaira ang huli niyang ililigtas. Abot abot naman ang paghihinagpis ni Francis nang hindi marinig ang pangalan ng nobya.

“Hayop ka Elaira. Wala kang kwenta!” Galit na galit si Francis kay Elaira at parang gusto na niya itong patayin.

Inawat lamang siya nila Lei at Frollo upang hindi niya tuluyang masaktan si Elaira.

Napuno muli ng sigawan at iyakan ang silid. Puro masasakit na salita na ang ibinato ng mga kasama ni Elaira na hindi napili upang maligtas. Minumura na siya nila Chaila, Jin at Maia. Hindi matanggap ng mga ito na ‘yun na ang magiging wakas ng kanilang mga buhay.

Si Devine naman ay natulala na habang lumuluha. Hindi na nagtaka si Lei nang piliin ni Elaira si Brea. Si Brea ang naging kaibigan ni Elaira nang mawala sila ni Azisa sa tabi nito.

Ito rin ang nagsali kay Elaira sa Art Club ng paaralan; kung saan naibuhos nito ang talento.

“Ito na ang huling tanong. Kabag nasa iyo ito ay gusto mong ibahagi; ngunit kung ibahagi ay di na mababawi.”

Mabilis sumagot si Elaira.

“Sikreto.”

“HAHAHAHAHA! Magaling! Tama ka!” Nakalaya ang huling pinili ni Elaira na si Brea.

Agad naman itong nagpasalamat sa kaniya.

“Salamat Elaira. Buo talaga ang tiwala ko sa’yo.”

Sampu silang pumasok sa silid ngunit anim na lamang ang makakalabas. Puro hikbi at pagmamakaawa ang lumalabas sa bibig ng mga hindi napili. Si Francis naman ay tuloy sa pagwawala.

“May premyo kayo sa akin dahil nagawa ninyo ng tama ang lahat ng pinagawa ko. Mapapanuod niyo ngayon ang kamatayan ng inyong mga kasamahan. ‘di ba ang saya? Hindi kayo makakalabas hanggang sa may buhay pa sa mga natira. Walang pipikit, lahat manunuod kung ayaw ninyo akong magalit.”

Lumapit sa apat na babaeng natira si Ariela. Ang mga natira ay sila, Devine, Chaila, Jin at Maia. Pawang lahat ay magkakaibigan. Iniangat ni Ariela ang ubod ng talim na espada at lumapit kay Devine. Nakatali ito ng patiwarik.

Isinuksok ni Ariela ang espada sa pagitan ng mga binti ng dalaga. Unti-unti niya itong ibinaba… pababa ng pababa.

Nakakabibingi ang iyak at pagmamakaawa ni Devine. Umaagos na ang sariling dugo pababa sa kaniyang ulo.

Halos mababaliw si Francis sapagkat sa haraap niya mismo pinahihirapan at inuunti unting patayin ang nobya.

“DEVINE!!! Huhuhuhu--
“WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!” Mahahabang sigaw ang bumabaon sa laman ng bawat isa. Malakas, papahina at hanggang sa mawala.

Hati na ang buong katawan ni Devine sa gitna. Umagos sa sahig ang napakaraming dugo at nalaglag din ang mga lamang loob.

Takot na takot na ang mga babaeng kasunod ni Devine ngunit anumang pagmamakaawa nila ay wala na silang magagawa.

Nawala naman sa katinuan si Francis dahil sa nangyari sa kaniyang pinakamamahal na nobya. 

High School of The Demon (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon