Chapter 15: Pagdududa at Tiwala

33 12 2
                                    


“Wala na yata tayong pag-asa. Patay na ang mga kaklase natin. Baka tayo na ang susunod. Hintayin nalang natin kung ano ang mangyayari satin.” Sabi ng nakayukong si Azisa.

Tila ba naubos na ang lahat ng kanilang pag-asa sa buhay.

Kung lalabas sila ay tiyak na hahabulin sila ng mga estudyanteng wala na sa sarili.

At, kung hihintayin naman nila ang pagdating ng araw na itinakda ni Edeman ay hindi pa nila nalalaman ang kasagutan.

“Mabuti pa ay magtalaga na tayo ng sasagot sa tanong ng ikalimang demonyo.” Ang sabi ni Lei.

Sumang-ayon naman ang kaniyang mga kaklase sa mungkahi niya. Mingat nilang pinag-isipan kung sinong dapat sumagot sa tanong.

Hanggang sa napagpasyahan na nila na si Frollo na lamang ang sasagot dito.

“Kahit na mali ang isagot mo mabubuhay ka pa din. Ayos lang naman sa amin na ikaw ang mabuhay total, transferee ka lang naman.

Bigla ka lang namang nasali sa problema ng klase nating kung tutuusin.” Sabi ni Roi.

Tumango naman ang iba sa pagsang-ayon sa kaniya. “Pag-isipan mo nang mabuti ang isasagot mo pag nagkataon.

Alam naming mapagmasid ka at matalino. Sa iyo na namin idinedepende ang mga buhay namin.” Sabi naman ni Lei.

Lima na lamang silang natitira at hindi na din na mahalaga pa sa kanila kung mabubuhay pa ba sila.

Napuno sila ng lungkot sa dibdib. Inalala nila ang bagay bagay na maiiwan nila sa sandaling sila ay mawala na.

“Nag-aalala na siguro sa akin si mama. Hindi ko nasasagot ang mga tawag niya galing ibang bansa. Hinahanap na ako nun panigurado.” Sabi ni Azisa.

Nangingilid ang mga luha nito habang nagkukwento.

“Ang drama drama niyo naman… mamamatay lang naman tayo e. ma-ma-matay… napayuko din si Roi. Namimiss na ako ni Darwin…” Natigilaan ang lahat nang banggitin ni Roi ang pangalang Darwin.

“Sino si Darwin? Roi ah.” Halos sabay sabay na tanong ng mga kaklase sa kaniya.

“Si Darwin yung hamster ko! Baka gutom na gutom na ‘yun eh. Hayysss.” Napangiti ang mga magkakaklase sa narinig nila kay Roi.

Hindi naman pala matigas ang kalooban nito, may natatago pa din siyang lambot sa loob ng kaniyang pagkatao.

“Ikaw Lei? May namimiss ka ba?” Tanong dito ni Azisa. “Wala akong namimiss. Pero, may gusto akong gawin bago man lang ako mawala.” Sagot naman nito.

“Ano naman ‘yun?” Tanong ulit nila dito. “Gusto kong humingi ng tawad sa isang tao.

Gusto kong malaman niyang nagsisisi ako sa pag-iwan ko sa kaniya noong mga panahong kailangan niya ako.” Sagot ni Lei sabay tingin kay Elaira.

Tiningnan lamang siya nito. Tahimik lang si Frollo at Elaira. Para bang wala silang balak na magbahagi ng kanilang kwento.

Sa kanilang hitsura ay hindi makikita ang takot ni pagkabahala man lamang.

Blangko ang kanilang mga mata at parang tinatangay ang kanilang mga diwa. Nanatili silang ganoon hanggang sa sumapit ang gabi.

“Gutom na gutom na ako…” Reklamo ni Roi sa mga kasama. Tiningnan siya ng mga ito ng masama.

“Bakit? Ikaw lang ba ang gutom?” Sabi sa kaniya ni Lei.

“Kapag ako nabaliw, susugod ako sa classroom natin para kunin yung mga pagkain ko dun na nakaimbak!” Muling sabi ni Roi.

Tiningnan nanaman siya ng masama ng mga kaklase dahil napakaingay niya.

“Tatahimik na nga e.” Malalim ang iniisip ni Frollo. Patuloy niyang tinititigan ang libro ng mga litrato na nakuha nila sa library.

“Parang may hindi tama…” Bulong niya sa sarili. Mayroon siyang nakita na kakaiba sa mga litrato.

Sa ibang mga litrato ng mga pangkat na nauna sa kanila ay may nakita siyang estudyante na kamukha ng isa sa kanila.

Luma na ang litrato at halatang matagal na ang nakararaan ng ito ay kunan.

“Kamukha ito ni…” Hinaplos niya ang litrato. Bigla naman siyang nagulat ng magsalita si Elaira.

Naisara niya bigla ang libro.

“Nagulat ba kita? Parang kinabahan ka e.” Ngumiti ito sa kaniya.

“Hindi naman. Nabasag lang kasi ang konsentrasyon ko.” Ngumiti din siya dito.

Sumandal ito sa kaniyang balikat at sinabing.

“Kinakabahan ka Frollo… bakit?”

“Hindi kaya…” Sagot naman niya dito sabay buntong hininga.

High School of The Demon (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon