"Maawa kayo sa akin! Wala lang ako sa sarili kaya 'yun ang naisagot ko. Pero maniwala kayo sa akin! Nagsasabi ako ng totoo." Pagmamakaawa ni Feliz.
"Bakit hindi ka pa dinadatnan?" Tanong ni Brea sa kaibigan.
"Buntis kasi ako." Pabulong na sabi ni Feliz.
"Hindi tayo pwedeng magtiwala sa sinasabi niya. Minsan na siyang nagkamali!" Mariing sabi ni Elaira sa mga kasama.
"Sa ngayon, hindi natin alam kung sino ba ang dapat na pagkatiwalaan. Baka nililinlang talaga tayo!" Sigaw ni Lei upang mapakalma ang tensiyon.
"Patayin na ninyo ang banta sa inyo. Kung hindi ninyo gagawin ay ako mismo ang papaslang sa inyong lahat. Mawawalan na kayo ng pagkakataong makaalis dito sa lugar na ito." Pag-aapura ni Kaima.
Matapos marinig ang mga sinabi ni Kaima ay nilapitan ni Elaira si Feliz. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa kaniya na ipagtanggol man lamang siya dahil totoo ang kaniyaang sinasabi.
Inilapit ni Elaira ang kaniyang labi malapit sa tainga ni Feliz at sinabing: "Patawarin mo ako." Sabay kuha sa isang kutsilyo.
Ginilitan niya ang babae ng walang pag-aalinlangan. Hindi na siya napigilan ng mga kagrupo sa kaniyang ginawa. Napatahimik ang lahat. Ang ibang babae naman ay umiiyak sapagkat hindi nila alam kung ano ang paniniwalaan.
"Tama lang ang ginawa ninyo. Tama na nagdesisyon kayo ng maaga. Ngayon, ibigay ninyo sa akin ang dila ng sinungaling na iyan at makakadaan na kayo."
Pinutol ni Elaira ang dila ni Feliz at ibinalibag sa sahig. "Masaya ka na ba? Paraanin mo na kami!" Iritang sigaw ni Elaira. Bakas ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama ngunit ipinagkibit balikat niya na lamang ito.
"Makakadaan na kayo." Sabi ni Kaima sa mga mag-aaral. Lumakad na nga sila paalis sa lugar na iyon.
Ang hindi nila alam ay nag-anyong tao ito at pinuntahan ang bangkay ni Feliz na nakahandusay sa sahig. Pinulot niya din ang putol na dila nito at kinain.
"Hmmm, mas masarap pa din ang dila ng totoong sinungaling. Kawawa naman, hindi nila alam na kasama pa din nila ang banta sa mga buhay nila. Tsk tsk tsk." Sabi ni Kaima habang sinisimulan niyang kainin ang katawan ng kaawa awing si Feliz.
Nagpatuloy naman ang Grupo ni Lei at Francis na tuntunin ang Library. Walang may gustong pag-usapan ang nangyari sa lugar kung saan nakaengkuwentro nila si Kaima. Sariwa pa din sa bawat isa ang mga nangyari at ang ginawa ni Elaira upang makaalis sila sa ganoong sitwasyon.
Wala ni isa man ang kumakausap sa kaniya.
"Hindi talaga natin inaasahan ang mga nangyari kanina at walang sa atin ang may gusto ng lahat ng iyon." Kalmadong sabi Lei.
"Dapat alam na ninyo na teritoryo 'yun ng ikaapat at hindi na tayo dumaan doon. Kayo ang higit na pamilyar sa lugar na ito!" Inis na sisi ni Frollo kay Lei.
"Tao lang kami! Kung alam na namin lahat e'di sana hindi na tayo nagpapakahirap na mabuhay ngayon. Sana normal pa 'din ang lahat!"
"Kumalma kayong lahat! Hindi makakatulong sa atin ang pagtatalo talo sa ngayon!" Sigaw ni Elaira.
Tumahimik naman ang grupo at nagpatuloy sa paglalakad. Nang nasa ikaapat na palapag na sila ay nakakita sila ng isang batang babae na nakauniporme din ng katulad sa kanila. Maitim at mahaba ang buhok nito na halos tumakip na sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
TerrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...