Chapter 21: Ang Laban Ni Frollo

36 12 2
                                    


“Paano mo nalaman na naging kaklase ko si Devine dati?” Tanong ni Elaira.

“Sinabi sa akin ni Azisa.” Mahinang sagot ni Frollo.

“Ang galing naman… Ang galing galing… Baka makita ko na ang kapatid kong si Leizan ngayon.”

Masayang sabi ni Edeman. Nakayuko lang noon si Elaira habang nagpapaliwanag si Frollo sa kaniya.

Bakas sa kaniyang mukha na hindi niya matanggap ang lahat ng bagay na kaniyang naririnig.

Wala sa kaniyang kamalayan ang lahat ng iyon at hindi niya din magawang paniwalaan ang lahat.

“At sinong makakalimot sa pagsagot mo ng tama sa mga bugtong ni Ariela? Malamang ay nangggaling ka na din doon dati.
Hindi mo lang matandaan pero nanggaling ka na doon dati kaya naman natandaan moa ng mga tanong niya.
Isa lang ang hindi mo nasagot ng tama, ang tanong na hindi mo din nasagot noon. Ang tanong na natapat kay Roi kaya naman nawalan siya ng isang mata.
At, noong gabing hinalikan mo ako. Nakita kong nasinagan ng buwan ang mukha mo at nagbago ang itsura ng mata mo.”

“Hindi ‘yan totoo!”

Nanlisik ang mga mata ni Elaira at kasabay noon ang paglakas ng ihip ng hangin.

Unti-unti umangat ang kaniyang mga paa mula sa sahig at nag-iba na din ang hitsura ng kaniyang mga mata.

Sa kaniyang kaliwang mata ay nakaguhit ang marka ng buwan na may tala sa gilid ang kanan naman ay nanatiling normal at lumuluha.

Nagkaroon din siya ng mga marka sa kaniyang leeg at braso. Mga nakasulat na mga orasyon at litanya.

Nag-iba ang kulay ng kaniyang buhok; mula sa pagiging itim ay naging kulay puti. Ngumisi siya at tumitig kay Frollo.

“Masaya akong pinalaya mo ako… Matagal ko nang gustong makalaya sa babaeng ito ngunit hindi ko magawa. Napipigilan ako ng matindi niyang emosyon bilang tao. At, ngayon dahil sa’yo napuno siya ng kalungkutan dahilan upang makontrol ko siya.”

Nabalot ng takot sila Frollo at Azisa sa nasaksihan.

Masakit para sa binata ang nangyari kay Elaira. Napalapit na ang damdamin niya dito at hindi niya makayanan ang naging resulta ng kaniyang pagiging totoo.

Kung hindi niya sasabihin kay Edeman ang katotohanan ay mamamatay ang inosenteng si Azisa.

“Ako ang unang diyablo. Ako si Leizan. Salamat sa pagpapalaya sa akin.”

Maluwang pa din ang pagkakangisi nito. Kakaiba nga lang ang pagdaloy ng luha mula sa kanang mata nito; may parte pa din ni Elaira ang hindi pa nakokontrol ng diyablo.

“Malungkot na malungkot siya…” Bulong ni Frollo sa sarili.

“Leizan, masaya akong makita kang muli. Napakatagal na nung huli kitang makita kapatid. Alam ko na magkikita talaga tayo ngayon.” Bati naman ni Edeman sa kapatid.

“Mapagkunwari ka pa din Edeman. Hindi mo naman ako gusto noon pa man.” Sagot naman nito.

Gumuhit ang inis mula sa mukha ni Edeman. Hindi niya akalaing babarahin siya ng kapatid sa kabila ng kaniyang mainit na pagbati.

“Maaari na ba kaming umalis?” Sabat ni Azisa. Binalingan siya ng tingin ni Leizan.

“Gusto kita. Edeman pwede bang sa akin na lang siya?” Nakangiting sabi ni Leizan.

“Bakit? Anak ko siya may pangako ako sa kanila.” Tanong ni Edeman.

“Sige na naman, matagal tayong hindi nagkita at kailangan ko nang kumain. Nagugutom na ako.” Pagmamakaawa ni Leizan sa kapatid.

“O sige na nga.” Pilit na sabi ni Edeman. Takot naman ang bumalot kay Azisa.

Wala siyang ideya sa pinag-usapan nila Edeman at Leizan ngunit may kaba sa dibdib niya na nagsasabing nasa panganib siya.

“Tumakbo siya papunta sa pintuan ng rooftop.

Nasa isip niya na kailangan niyang makalabas bago pa man bumaling ang atensiyon sa kaniya ng mga diyablo ngunit huli na ang lahat.

Binalingan siya ni Leizan at mabilis siyang tinungo nito. Dinukot ng diyablo ang puso ni Azisa at saka ito inunti-unting kainin.

“Hindiiiiiiiiiii! Azisa!” Sigaw ni Frollo. Mag-isa na lamng siyang natitira at sigurado na ang kalayaan niya.

Maaari na siyang umalis kung gugustuhin niya ngunit may kung anong boses ang nagsasabi sa kaniya na iligtas si Elaira.

Gusto niyang palayain ang kaluluwa nito sa tanikala ng unang diyablo na si Leizan.

“Malaya ka na Maidaz. Maaari ka nang umalis.” Sabi ng ikalimang diyablo.

“Ano nang mangyayari sa lugar na ito?” Tanong niya.

“Magsisilbi itong kulungan ng mga kaluluwang pinahihirapan. Mabubuhay kami upang sila ay pagdusahin habang panahon.”

“Impyerno?”

“Parang ganoon na nga. Masuwerte ka at makakaalis ka na.” Kalmadong sabi ni Edeman.

“Hindi pa po ako makakaalis.” Sinugatan ni Frollo ang sariling leeg gamit ang isang piraso ng bubog.

Iginuhit niya ang marka ng ikalimang diyablo sa sarili.

“A… anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong ni Edeman.

“Itinatalaga ko ang aking katawan upang maging iyong buhay na sisidlan mahal na Edeman. Dinggin mo ang aking panalangin.” Sigaw ni Frollo.

Sinubukan niyang pasanibin si Edeman sa kaniyang katawan kagaya ng ginawa nito kay Lei ngunit sa pagkakataong iyon ay gamit ang isang binalighong ritwal.

Noon di’y iniwan ni Edeman ang katawan ni Lei at lumipat sa katawan ni Frollo.

Masyadong malakas ang puwersang pilit na pumapasok sa loob ni Frollo at pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang ulo sa sobrang sakit.

“Lapastangan kang nilalang Maidaz. Bakit mo ‘to ginagawa?” Tanong sa kaniya ng diyablo.

“Tulungan mo ako mahal na Edeman. Ililigtas ko ang kaluluwa ni Elaira.”

“Hangal! Ligtas ka na. bakit kailangan mo pang ipahamak ang sarili mo! Magpasakop ka sa akin.” Sabi ni Edeman.

“Hindi! Tulungan mo ako!” Malakas ang paninindigan ni Frollo sa kaniyang nais gawin.

Hindi makontrol ng ikalimang diyablo ang kaniyang damdamin at isipan ngunit taglay na niya ang kapangyarihan nito.

Nagbago ang hitsura ng kaniyang kaliwang mata at nagkaroon ng marka ng bilog at apat na bituin sa gitna.

Layunin niya na mapalaya ang kaluluwa ni Elaira mula sa unang diyablo na Leizan.

“Labanan mo ako Leizan.” Sigaw ni Frollo. Kalmado lang si Leizan at tila wala naman itong pakialam.

“Sa tingin mo ba ay matatalo ako ng kapangyarihan ng mahinang ‘yan?” Pangungutya ni Leizan. Pinulot ni Frollo ang espada ni Roi.

Desidido siyang labanan ang diyablo sa kaniyang harapan. Sinugod niya ito ngunit panay panay itong nakakailag sa kaniyang mga atake.

Noon di’y humaba ang mga kuko ni Leizan na parang mga patalim at sinugod nito si Frollo. Nagawa nitong sugatan ang kamay at braso ng binata.

High School of The Demon (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon