Nang mag umaga na ay naghanda na ang magkakaklase na bumalik muna sa kanilang silid aralan upang makakuha ng mga pagkain at mga gamit na kakailanganin nila.
Kinakailangan na din na malapatan ng lunas si Roi. Kahit na may kakulangan na ito ay hindi pa din ito sumusuko.
Hangga't maaari ay sinisigurado niya na makakasabay siya sa kaniyang mga kaklase sa laban ng mga ito upang mabuhay.
"Roi, kaya mo pa ba? Aakayin ka na lang namin kung hindi mo pa kayang tumayo." Alok ni Lei sa kasama.
"Kaya ko naman, ayaw ko na maging pabigat pa ako sa inyo."
"Ga'nun ba? Kunin mo na 'tong panyo ko. Ito nalang muna ang itakip mo sa mata mo Roi."
Kinuha naman ito ni Roi at saka itinakip sa kaniyang isang mata. Umaga noon kaya naman walang banta ng panganib sa mga mag-aaral. Tulog ang mga diyablo sa mga oras na iyon. Paalis na sila ng silid nang may mapansin si Roi na isang sisidlan.
Tinungo niya ito at binuksan. Sa loob nito ay nakita niya ang ilang mga lummang libro, mga litrato at isang espada na may marka ng rosas sa talim nito.
"Uy! Tingnan ninyo itong nakita ko." Lumapit ang magkakaklase sa sisidlan at tiningnan ang mga lumang bagay na nasa loob nito.
Napako naman ang atensiyon ni Frollo sa isang lumang libro na may laso. Dinampot niya ito at tiningnan ang mga nakasulat dito.
"Ano 'yan?" Tanong ng mga kaklase ni Frollo sa kaniya.
"Ang nakasulat sa pabalat ay... Ariela V. Montejo." Natahimik ang lahat nang marinig nilang basahin ni Frollo ang pangalan na nasa pabalat ng libro.
"Iyan na yata ang diary ni Ariela. Basahin natin, baka may makita tayong may kinalaman sa kinakaharap natin ngayon." Sabi ni Lei. Binasa nga ng magkakaklase ang diary ni Ariela sa pag-asang makakahanap sila ng kasagutan doon.
NAKASULAT SA UNANG BAHAGI NG TALAARAWAN: Namatay ang isa kong kaklase ngayong araw. Nagalit sa akin ang mga magulang niya dahil ako daw ang may kasalanan sa pagkamatay niya.
Sinabi kasi ng mga kaklase ko; may kaibigan daw akong mga demonyo at ang mga ito ang pumatay sa anak nila. Kinausap ako ni teacher kanina. Akala ko dadamayan niya ako kasi galit na sa akin ang lahat... pero hindi naman pala. Sinigawan niya ako at nilait lait.
Sabi niya umalis nalang daw ako sa school na to para hindi na magkagulo pa. umiyak ako kasi mahal ko ang academy. Naramdaman yata ni Leizan na umiiyak ako e. pinipigilan ko siyang lumabas sa akin pero nagagalit na din siya. Gusto niya nang patayin si Teacher pero ayaw ko pumayag. Si Leizan ang unang demonyo na nakatira sa akin. Siya din ang pinakamalakas sa pito. Hinawakan ako sa braso ni Teacher kaya nasaktan ako. Napasigaw na din ako. Kaya a'yun, lumabas sa akin si Leizan at kinain niya ang ulo ni Teacher. Natatakot ako na baka malaman ng lahat na ginawa ni Leizan 'yun. Ako nanaman ang sisisihin. Hindi na ako uuwi sa amin. 'dun nalang ako sa malaking kwarto sa ikaapat na palapag. 'dun walang makakakita sa akin... Doon na nahinto ang pagbabasa ng mga mag-aaral sapagkat wala nang sumunod pang nakasulat.
"Akala ko ba patuloy na nadadagdagan ang sulat sa diary ni Ariela? Bakit hanggang dun lang ang nakasulat?" Tanong ni Frollo kay Lei.
"Hindi ko din alam. Ngayon ko lang din nakita ang diary niya kaya naman umasa lang ako sa mga kwento sa loob ng school na ito." Sagot nito sa kaniya.
"At tsaka... iba ang nakasulat sa kwento dito sa school. Ang sabi sa kwento, pinagsamantalahan daw si Ariela at pinaslang ng guro, pero bakit 'yung guro pa ang namatay?" Sabi naman ni Brea.
"May nakakita na ba sa Unang demonyo? Saan baa ng teritoryo niya?" Sabat ni Azisa.
"Wala pang nakakakita sa kaniya kahit na isa man. At, wala ding nakakaalam kung saan siya namamalagi." Sagot ni Lei.
"Ibig sabihin... Si Ariela lang talaga ang nakakaalam kung ano ang hitsura ng unang diyablo." Dagdag pa ni Brea.
"Kung hindi pinatay si Ariela, bakit namalagi ang mga diyablo sa paaralang ito. At siguro gawa gawa lang ng mga estudyante ang tungkol sa diary niya." Hinala ni Roi.
Sa kalagitnaan ng diskusyon ng mga mag-aaral ay nabitawan ni Frollo ang diary. At nag pulutin niya ito at buklatin; wala na ang mga sulat sa unang pahina at napalitan na lamang ng isang babala.
Sabi doon ay:
"Mag-ingat kayo kay Leizan. Siya ang pumatay sa akin. Nakalaya siya sa loob ko at pinalaya niya din ang anim pa."
"Bakit niya tayo pinag-iingat at kung pinatay siya ni Leizan... bakit nagmumulto pa din siya sa silid niya at pumapatay?"
Naguguluhang tanong ni Frollo. Kinabahan sila sa nabasa.
"Di ba sabi niya dun na lang siya sa silid na iyon? Baka dahil 'dun kaya nakikipaglaro siya sa kung sinuman ang mapadpad doon. Baka iyon ang ginagawa niya para maibsan ang pagkainip niya." Sabi ni Azisa.
Dinampot ni Elaira ang isa pang libro sa sisidlan. Isa iyong libro na naglalaman ng mga class picture ng mga nagdaang mga pangkat sa Mount Orphia Academy.
Sa unang pahina ay nakita nila ang mga pinakalumang mga litrato. At nasa dulo naman ang mga litrato ng mga kasalukuyang pangkat. Binuklat nila ito ng binuklat ngunit para namang wala silang nakitang makakatulong sa kanilang paghahanap ng sagot.
"Teka, may isa pang libro dito. Ito na yata yung talaan ng mga pangalan natin." Sabi ni Lei sabay dampot sa libro.
Hinanap nila ang talaan ng mga pangalan ng pangkat ng III-A ngunit kung ano ang nasa talaan sa kanilanhg silid aralan ay ganoon din ang nakalagay sa talaan na kanilang nakita.
Nawalan sila ng pag-asa sapagkat wala pa ding linaw sa kanila ang mga bagay bagay.
"Ano ba 'yan... wala namang nangyari. Wala din tayong napala." Inis na sabi ni Lei.
Lungkot din ang naramdaman ng mga kaklase niya. Hindi sila makapaniwala na ang lahat ng kanilang pinagpaguran ay nauwi lang sa wala. Pinanghihinaan na sila ng loob.
"Hintayin nalang kaya natin na mamatay tayo. Wala naman na yata tayong magagawa e." Pabulong na sabi ni Brea. Likas na talaga sa kaniya ang panghinaan ng loob.
"Wag tayong mawalan ng pag-asa. May oras pa tayo. Baka may magawa pa tayo. Pilitin nating mabuhay!" Sabi ni Frollo.
Sa kabila ng kawalang pag-asa ng mga kaklase ay pilit pa din niyang pinaniniwala ang sarili niya na may magagawa pa sila.
Gusto pa niyang magpatuloy. Ayaw ko na niyang sumuko sa mga bagay na humahamon sa kaniya. Ayaw na niyang takbuhan ang mga bagay na tumatakot sa kaniya.
Kaya lumipat si Frollo ng tirahan at ng eskuwelahan ay dahil sa kaniyang ama. Sinasaktan siya nito pati na din ang kaniyang ina kaya naman nagpasya silang lumayo na lang. Napakalaki ng takot niya rito sapagkat muntik na siyang mapatay nito.
Gusto na niyang harapin ang mga bagay na tumatakot sa kaniya. Ayaw na niyang magpakaduwag. Hangga't maaari ay pipilitin niyang mabuhay.
"Lumabas na muna tayo dito sa library. Kailangan na din nating kumain. Mag-iisip pa tayo ng paraan." Sabi ni Lei.
Ganoon nga ang ginawa nila. Itinabi na nila ang sisidlan ngunit kinuha ni Frollo ang libro ng mga litrato at kinuha naman ni Roi ang espada.
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
TerrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...