Pinasan ni Frollo si Elaira habang akay naman ni Lei si Roi.
Sumapit na sila sa pintuan silid aklatan at binuksan nila ito.
“Dito na muna tayo magpahinga. Bukas na tayo maghanap ng mga impormasyon. Sa mga naranasan natin ngayon ay tiyak na pagod na ang lahat. Humanap na kayo ng komportableng puwesto para sa inyo. Delikado kung lalabas pa tayo sa ganitong oras kung kalian gising ang mga diyablo. Bukas pa natin malalapatan ng lunas sila Elaira at Roi.” Paliwanag ni Lei sa mga kasama.
Kanikaniyang upo ang mga magkakaklase sa malawak na lugar ng library.
Binuksan nila ang mga lumang ilaw na siya namang nagbigay ng kakaunting ilaw para sa lahat. Bahagya pa ring madilim sa lugar.
Magkakatabi sa puwesto sina Azisa at Frollo, kapwa nila binabantayan si Elaira. Sa kabilang dako naman ay sina Lei at Brea naman na nagbabantay kay Roi.
“Matapang talaga si Elaira.” Nakangiting sabi ni Azisa. Sumang-ayon naman si Frollo sa pamamagitan ng pagtango.
“Naging matigas lang ang loob niya nang iwan siya ng mga taong mahalaga sa kaniya. Pinilit niyang maging matatag na mag-isa pero mahina talaga ang totoong siya. Gusto lang talaga niya na may mag-alaga sa kaniya.” Muling sambit ni Azisa.
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit hinayaan ni Elaira na mamatay ang nobya ni Francis?”
“Sa tingin ko, gumanti lang siya sa ginawa sa kaniya ng dalawang iyon.”
“Pero…”
“Papayag ka ba na ikaw ang namatay?” Naging seryoso ang mukha ni Azisa. Hindi naman nakasagot si Frollo.
“Kahit na itago mo pa… takot ka pa ding mamatay. Magpasalamat na lang tayo sa ginawa ni Elaira para sa atin.
“Ano ba ang ginawa ng nila Francis kay Elaira?”
“Si Francis… ginawa niya ito kay Elaira kapalit ng top sa klase.”
Hinawakan niya ang kamay ni Elaira at ipinakita kay Frollo ang daliri nito na walang kuko at may peklat.
Iniangat niya din ng bahagya ang damit nito at ipinakita din ang pilat sa likod nito.
“Ito naman ang kay Devine.”
Mahinang sabi ni Frollo. Sa likod ni Elaira ay may pilat na nakasulat ang pangalan ni Devine.
“Noong unang taon palang ni Elaira dito at inaapi na siya ni Devine dahil popular ito. Utusan siya noon ng babaeng iyon. Hanggang sa isang araw ay hindi na natiis ni Elaira ang pang-aapi sa kaniya ni Devine at nagtangka siyang manlaban. Pero, sinaktan siya nito kasama sina Jin, Chaila at Maia. Isinulat ni Devine sa likod ni Elaira ang pangalan niya gamit ang isang kutsilyo bilang tanda ng pagmamay-ari niya dito. Hanggang ngayon nasa likod pa din ni Elaira ang pilat.”
Kuwento nito kay Frollo. Sa loob ni Frollo ay nakaramdam siya ng awa para kay Elaira. Nang lumalim na ang hatinggabi ay nagpahinga na ang lahat ngunit gising pa din ang diwa ni Frollo. Nakahiga siya ngunit hindi siya mapakali kaya naman naupo na lamang siya.
“Hindi ka makatulog?” Si Elaira iyon na kapwa niya gising pa.
“Oo.”
“Ako din e.” Nilapitan siya nito.
“Natatakot ka alam ko.” Sabi nito sa kaniya.
“Bakit? Ikaw ba hindi?” Tanong niya dito ngunit hindi ito sumagot.
“Frollo… Pwede ba kitang pagkatiwalaan?”
“Ikaw ang bahala.”
“Maaasahan ba kita?” Tanong muli nito sa kaniya.
“Sa tingin ko naman…” Sagot niya. Nagulat na lamang siya nang ilapit ni Elaira ang mukha nito sa mukha niya. Nagpigil siya ng hininga.
Ganoon na lamang ang pagkabigla niya ng ilapat ni Elaira ang mga labi nito sa mga labi niya.
Saglit lamang iyon at parang halos hindi naramdaman ni Frollo.
“Iiwan mo din ba ako?”
Lumuluha ngunit nakangiting tanong nito sa kaniya. Malinaw niyang nakikita ang mukha ng dalaga dahil sa liwanag na galing sa bintana na nagmumula naman sa sinag ng buwan.
Nahayag ang maamo nitong mukha na ibang iba sa nakita niya noong nakikipaglaro ito kay Ariela. Hindi niya alam kung bakit ngunit nasambit niya mula sa kaniyang bibig na:
“Hindi kita iiwan.” Matapos noon ay napatanong siya sa kaniyang sarili kung bakit niya sinabi iyon. Malaki ang kaniyang pag-aalangan ngunit masaya siya sa naramdaman.
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
HorrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...