Chapter 4: Ang Hamon

42 17 5
                                    

“May magagawa pa ba tayo para mapigilan ang nangyayaring ‘to?” Tanong ni Frollo kay Elaira at Lei

“Lahat tayo mamamatay. Inumpisahan na ni Mira ang lahat. Isa isa na tayong mamamatay pero dapat ay ipagpatuloy natin ang pagpasok sa paaralang ito.” Sagot ni Lei.

“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh!”

“May magagawa pa tayo.” Sabat ni Elaira.

“Ano?” Magkasabay na tanong ni Frollo at Lei.

“Kailangan nating malaman kung bakit mali ang bilang ng mga mag-aaral sa section natin. Kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang orihinal na bilang ng pangkat natin.”

“Paano naman natin gagawin ‘yun?”Tanong muli ng dalawa.

“Aalamin natin ‘yun sa record ng school na ‘to.”

“Kailan?”

“Bukas ng umaga.” Nagkasundo ang tatlo na aalamin nila ang orihinal na bilang ng mga mag-aaral sa kanilang pangkat.

Gagawin nila ito sa lalong madaling panahon sa pag-asang maliligtas pa nila ang ilan sa kanilang mga kamag-aral. Sumapit na ang nakatakdang araw ng kanilang pagkilos.

Matama silang pumasok sa kanilang silid aralan upang gumawa ng mga normal na gawain. Kailangan nila itong gawin upang mapahaba pa ang kanilang oras pati na rin ng kanilang mga kaklase.

Alam ng ikalimang diyablo kung sinuman ang magtatangkang tumakas at gagawin niya ang paglipol sa lalung madaling panahon; kapag isa man sa kanila ay hindi na pumasok. Ikukonsidera lang na hindi na kabilang sa klase ang isang estudyante kapag ito ay namatay na.

Mukha namang normal ang lahat sa araw na iyon nang biglang pumasok ang isa nilang kaklase na duguan.

“Sinakal niya ako kaya naman naitulak ko siya sa banyo!” Nangangatal ang boses ng babaeng estudyante na si Rika.

Puno ng dugo ang uniporme niya at may bakas ng pagsakal sa kaniyang leeg. Pinakalma siya ng mga kaklase. Pinaupo siya sa kaniyang puwesto at sinimulan siyang tanungin ni Lei.

“Sino ba ang kasama sa banyo kanina?”

“Si Karen, bigla na lang siyang nawala sa sarili at sinakal ako kaya naman naitulak ko siya.” Sagot ni Rika.

“Sinungaling!” Sigaw ni Frollo. Lumapit ito kay Rika. Hinawakan niya ito ng mahigpit sa kuwelyo at saka tinanong.

“Kung totoo ka niyang sinakal… bakit may mga sugat ka sa kamay at braso mo? Kung naitulak mo siya bakit pa siya maanlalaban sa’yo?... at bakit duguan ang uniporme mo? Hindi ka magaling gumawa ng kwento.
Ginawa mo lang ang markang ‘yan sa leeg mo noong patay na si Karen!” Nagulat ang lahat sa mga sinabi ni Frollo pati na din si Rika. Yumuko ito at naiyak.

“Naisip ko kasi na baka kapag namatay na si Karen… baka… baka pwede na akong makalaya sa bangungot na ‘to. Baka kapag ako ang pumatay sa kaniya para sa ikalima ay baka lubayan na niya ako at hindi galawin kaya— Hindi na natapos pang sabihin ni Rika ang kaniyang paliwanag nang unti-unting mahati ang kaniyang bibig. Mula sa kaniyang bibig ay lumabas ang kaniyang mga lamang loob. Ang kaniyang atay, puso at bituka.

Mula sa napunit na katawan ni Rika ay lumabas ang ikalimang diyablo. Narinig ng lahat ang kakaibang tunog na nanggagaling sa katawan nito. Parang mga sanga ng kahoy na pumipilantik at nababali.

Wala itong mukha ngunit may bibig. Ngumisi ito ng pagkaluwang luwang. Hawak nito at nilalaro sa kamay ang mata ni Rika.

“Walang makakaligtas ni isa man sa inyo. Balak ng isang ‘to na tumakas. Pati matalik niyang kaibigan ay pinaslang na niya para lang maligtas. Tsk tsk tsk.”

Takot ang bumalot sa lahat ng mag-aaral. Takot sila na baka mapaaga ang pagpaslang sa kanila ng diyablo. Walang gumawa ng ingay ni isa man. Wala ring gumagalaw. Ang ilan ay napaluha na sa sobrang takot sa nasaksihan at sa nilalang na nasa kanilang harapan

“Wag kayong mag-alala… hindi ko kayo papatayin. Bibigyan ko pa nga kayo ng pagkakataong mabuhay eh.” Sabi ng diyablo sa mga estudyante.

“A… ano po ‘yun mahal na Edeman?” Naglakas loob si Lei na magtanong sa diyablo.

“Simple lang. Ibigay niyo sa akin ang tama at orihinal na bilang ninyo sa pangkat ninyo at matitigil na ang mga pagpaslang.”

“May patakaran din po ba ang kondisyon ninyong ito?”

“Meron. Isang tao lang dapat ang magbigay sa akin ng tamang sagot at isang beses lang niya pwedeng ibigay ang sagot niya sa akin. Kung alam ninyo na mali ang sagot ng taong pinagkakatiwalaan ninyo… mabuti pang wag na ninyo siyang pasagutin. Isa lang ang paraan para mapalitan ang taong sasagot.”

“Ano po? Mahal na Edeman?”

“Kapag namatay na siya. Pwede na ninyong palitan ang taong sasagot. Para sa akin, mas may tyansang maligtas ang sasagot. Kapag tama ang sagot ng taong pinili ninyo ay maliligtas kayong lahat. Kapag mali naman ay mamamatay kayo. Pero ang taong sumagot lang ang maliligtas. Ikinagulat ng lahat ang kondisyon ni Edeman ngunit hindi nila Elaira, Frollo at Lei. Pinlano na nila itong gawin bago pa man ito sabihin ng diyablo.

“Bibigyan ko kayo ng tatlong araw.” Matapos itong sabihin ay naglaho na ang diyablo sa kanilang harapan.

High School of The Demon (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon