Walang magawa sila Elaira sa sinapit ng mga kasama. Ganoon na lamang ang paghihinagpis ni Francis sa pagkawala ng kaniyang nobya.
Ang katotohanang sa harapan niya mismo ito nawalan ng buhay ay parang siya na ring pumapatay sa kaniya.
Nawala na siya ng tuluyan sa katinuan. Umiiyak siya habang tumatawa at patuloy lang sa pagtawag sa pangalan ni Devine. Nabalot naman ng pangingilabot, pandidiri at pagkasuklam ang mga kasamahan niya dahil sa mga nasaksihan.
Napakabrutal ng paraan ng pagkamatay ni Devine at ganoon din ang sasapitin ng tatlo pang kababaihang nakabitin. Tatlong tao pa ang papanoorin nilang bitayin.
Tila bumabaliktad na ang kanilang mga sikmura ngunit kailangan nila itong tiisin dahil nais pa nilang mabuhay.
Inipon na lamang nila ang lahat ng kanilang lakas ng loob upang mapagtagumpayan ang hamon sa kanila ng kapalaran. Sumunod namang lapitan ni Ariela ay si Maia.
Nagmamakaawa ito ngunit wala siyang pakialam. Mas umiiral sa kaniya ang kalupitan at sabik na sabik na siyang pumaslang. Dinilaan nila ang talim ng espadang puno ng dugo ni Devine.
Naging agresibo ang paggalaw ng mga mata sa kaniyang mukha na parang nagpapahiwatig ng kaniyang kaligayahan. Lumuluha si Maia at nagsisisigaw.
“MAAWA KA SA AKIN!!! Ayaw ko pang mamatay!”
“Napakaigay mo naman!” Iritang sabi ni Ariela. Kasabay nito ang patarak niya ng espada sa bibig ng dalaga. Idiniin niya ito hanggang tumagos ito sa likuran ng ulo ni Maia.
“Ayan… nanahimik ka din.”
Binalingan naman niya si Jin. Katulad ni Maia ay patuloy din ito sa pagmamakaawa para sa kaniyang buhay.
Ang bawat hiyaw naman niya ay binibilang ni Ariela hanggang sa sumigaw ito.
“Tahimik! P*ta!”
“Tapos ka na? o hihiyaw ka pa? Para sabihin ko sa’yo… ang bilang ng ginawa mong paghiyaw ay siya ding bilang ng sugat na gagawin ko sa katawan mo! HAHAHAHA! Sinabi ko na ayaw ko ng maingay eh!.”
Sabi ni Ariela sa kawawang si Jin. “A… Ano?”
“Oo. At dalawampung beses ka humiyaw.” Nilapitan nga niya si Jin at sinimulang hiwaan ng malalaki ang lahat ng parte ng katawan nito.
Habang dumadami ang hiwa sa katawan nito ay lalo itong nagmamakaawa at humihiyaw sa napakatinding sakit.
Naliligo na ito sa sariling dugo. Lumaylay na din ang mga laman sa buong katawan nito.
“AAAAAAHHHHHH! TAMA NA! PATAYIN MO NALANG AKO PAKIUSAP!”
“Paano ba ‘yan, lalo mo pang dinadagdagan ang bilang ng mga hiwang gagawin ko.” Malupit na pahayag ni Ariela.
Napakuyom ng mga kamao at napakagat ng mga labi ang mga nanunod sa ginagawa niyang pagpapahirap.
Nangingilid na din ang kanilang mga luha sa lubos na habag na nararamdaman nila para sa mga sinawing palad na mga kasama. Dumating na din sa puntong nawalan na ng malay si Jin na ikinainis ng tuluyan ni Ariela.
“Bakit hindi ka na sumisigaw? Sumigaw ka! Sumigaw ka pa!”
Patuloy niyang itinatarak ang espada sa katawan ni Jin hanggang sa mabutas na ang tiyan nito at lumuwa na ang mga lamang loob.
Halos masuka at mabuwal na sa kinatatayuan si Frollo. Mahina siya sa mga ganoong bagay ngunit hindi siya maaring pumikit. Napabuntong hininga si Frollo at bumulong sa sarili.
“Isa na lang at makakaalis na kami dito."
Kaunting tiis na lang. Ang huling babae na nakatakdang mamatay sa oras na iyon ay si Chaila. Hindi katulad ng mga naunang pinatay ni Ariela.
Tahimik lamang itong lumuluha. Alam nito sa sarili na huli na ang lahat para sa kaniya. Isa pa ay lalo lang magagalit si Ariela at baka pahirapan pa siya nito katulad ng ginawa niya kay Jin. Nilapitan na ni Ariela si Chaila. Hinaplos niya ang mahabang buhok nito.
“Gusto ko ang buhok mo… maganda.” Kasabay noon ay hinigpitan niya ang hawak dito at sinimulan niya itong gilitan.
Unti-unting tumagas ang dugo sa maputing leeg ng dalaga. Napahiyaw na may kasamang iyak si Chaila habang unti-unti siyang ginigilitan.
Tumirik ang mga mata niya hanggang sa puti na lang ang matira. Tuluyan nang naputol ang ulo nito at gumulong sa sahig.
“Ay, naisama ko pala ang ulo sa pagputol ko ng maganda niyang buhok.” Malungkot man ang magkakaklase sa nangyari sa mga kasamahan at may kaunting pagkakonsensya sa loob ni Elaira, nakahinga pa din sila ng maluwag sapagkat makakalabas na sila sa sinumpang lugar na iyon. Makakaakyat na din sila sa library upang maituloy ang kanilang dapat gawin.
Nagbukas na ang pinto ng silid.
“Maaari na kayong lumabas. Bilisan na ninyo! Ang maiiiwanan sa loob ng silid na ito ay mananatili dito at hindi makakalabas.” Sabi ni Ariela.
Naglakad sila papalabas ngunit nanatili lamang doon ang nasiraan na ng bait na si Francis.
“At tsaka pala… Nilalason kayo sa loob. Isa sa mga kagrupo ninyo ang hindi ninyo dapat na pinagkakatiwalaan.” Pahabol na paalala ni Ariela at tuluyan na itong naglaho.
Tuluyan nang nakalabas sa silid na iyon sila Azisa, Brea, Elaira, Frollo, Lei at Roi. Pagod na pagod ang bawat isa. Tahimik silang lahat at walang nagsasalita. Patuloy lang sila sa mabagal na paglalakad. Inakyat na din nila ang hagdanan na magdadala sa kanila sa ikalimang palapag ng paaralan kung saan naroon na ang library at isa sa mga pinakaligtas na lugar doon. Nagulat na lamang ang lahat nang mawalan ng malay si Elaira; inaapoy ito ng lagnat.
“Elaira!”
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
TerrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...