“Bakit mo dinala ‘yang espada? Roi?” Tanong sa kaniya ni Lei.“Baka kasi kailanganin ‘e. Gusto ko din namang makatulong sa grupo kahit papaano.”
“O sige, sabi mo e.” At nagpatuloy na sila sa paglalakad palabas. Pababa na sila patungo sa kanilang silid nang mapansin nila ang mga estudyante sa pasilyo.
Kakaiba ang mga kilos ng mga ito. Blangko ang mga mata, tumutulo ang mga laway at sumusuray-suray ang lakad.
“Bakit ganyan sila?”
Kinakabahang tanong ni Azisa.
“Parang may hindi tama…” Puna ni Lei. Naghanda ang lahat.
Napansin nila na parang kakaiba na ang kilos ng kanilang mga kaklase at ng iba pang mga estudyante.
Nagkuyom ng kamao si Roi at hinawakan niya ng mahigpit ang dalang espada.
“Bakit di kaya tayo lumapit sa kanila? Lumapit sila ng kaunti pa papunta sa mga estudyante ngunit laking gulat nila nang makita nila ang isa sa kanilang mga kaklase ang kumakain ng laman mula sa isang bangkay na nakahandusay sa sahig.
“P*ta!” Napamura si Roi.
Nabaling sa kanila ang etensiyon ng mga estudyate at naghanda ang mga ito upang sila ay habulin.
Kaagad naman silang tumakbo sa takot na mapahamak sa kamay ng mga ito.
“Naloko na! Anong nangyari sa kanila? Parang mga wala nang utak!” Sigaw ni Frollo habang kumakaripas ng takbo.
“Mukhang ginamitan sila ng hipnotismo. Wala na silang sariling mga pag-iisip at p*ta! Kumakain sila ng kapwa nila tao.” Sabi naman ni Roi.
Nagmamadali silang umakyat muli sa ikalimang palapag. Balak nilang pumunta sa rooftop ng eskuwelahan.
“Bilisan ninyo! Baka maabutan na nila tayo!” Sabi ni Lei.
“Anak ng pating! Wala na nga akong isang mata e! ayaw ko makain ng mga ‘yan.!” Sa kabila ng bilis ng ilan sa pagtakbo ay kapansinpansin na ang pagod sa mukha ni Brea.
Humahangos na ito at parang hindi na kaya pang magpatuloy.
“Ayos ka lang ba Brea?” Nag-aalalang tanong ni Elaira
“Oo, ayos lang ako.” Ngunit kasabay noon ay siya naman nitong pagkadapa.
“Teka si Brea!” Alalang sigaw ni Elaira. Kaunti nalang ang pagitan nila sa mga humahabol sa kanila noon.
“Sige na! iwanan na ninyo ako! Napilayan ako!” Sigaw ng umiiyak na si Brea.
Malapit na sa kaniya ang mga estudyanteng humahabol sa kanila.
Babalikan sana nila ang kasama ngunit huli na ang lahat. Nakuha na ito ng mga estudyante at pinagkaisahang lapain.
Hinaltak ng mga ito ang kaniyang mga braso at paa hanggang sa humiwalay sa kaniyang katawan.
Ang iba naman ay binutas ang kaniyang tiyan at kinuha ang mga lamang loob. May iba naman na kumakagat sa kaniyang leeg.
“Tara na Elaira! Wala na siya!” Sabi ni Azisa sabay hatak sa kaniya sa braso.
“Tara na kung ayaw mong mamatay!” Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang makarating sila sa ikaapat na palapag.
Patuloy pa din ang paghabol sa kanila ng mga estudyante. Nang malapit na sila sa ikalimang palapag ay huminto si Roi. Hinigpitan nito ang kapit sa dalang espada at nagkuyom ng kamao.
“Babawasan ko muna sila! malapit naman na tayo e.” Sabi ni Roi sa mga kasama.
“Wag ka nang magpakabayani! Ang bayani namamatay!” Sigaw naman ni Frollo sa kasama.
“Hindi ko naman sinabing lalabanan ko silang lahat. Babawasan ko lang kako.”
Ngumiti ito at ipinatong sa balikat ang espada.
“Bahala ka na nga dyan! Pero sumunod ka! Wag kang mamamatay a!” Sabi ni Lei sa kaniya at nagpatuloy na nga ito sa pagtakbo.
Lumapit si Roi sa mga estudyante at iwinasiwas ang dalang espada. Pinutol niya ang mga ulo nito. Ang iba naman ay hinati sa dalawa.
“Matalim pa din kahit na luma na.” Nakangiting sabi niya. Samantala, narating naman nila Elaira, Frollo, Azisa at Lei ang rooftop ng eskuwelahan. Sinara na nila ang gate papunta doon. “Papaano si Roi?” Tanong ni Frollo kay Lei.
“Malalaman naman natin pag nandito na siya e. Kakatok siya malamang.” Sagot nito. Hingal na hingal silang umupo sa sahig at nagpahinga.
Isa nanaman ang nalagas sa kanila at hindi pa sila sigurado kung makakahabol pa ba si Roi.
“Kamalas malasan naman o! wala na nga tayong napala, hinabol pa tayo ng mga… A ewan!” Inis na sigaw ni Lei.
“Ano na kaya ang gagawin natin? At tsaka ano bang nangyari sa mga kaklase natin?” Tanong ni Azisa.
“Ewan ko ba… pero, sa tingin ko… habang nag-iimbestiga ang mga kaklase natin ay nakaharap nila ang isa sa mga diyablo at ginawa silang ganoon. Siguro ay nagkahawa hawa sila kaya naman dumami sila ng ganoon.” Sagot ni Lei.
“Tayo na lang yata ang matino e.” Sabi ni Frollo. Kinalma na muna nila ang mga sarili at nagpahinga. Hindi na rin sila nag-usap usap pa. Maya maya ay biglang may kumatok ng pagkalakas lakas sa pintuan ng rooftop.
“P*tang *na! papasukin niyo ako! Ayaw ko pang makain!” Sigaw ni Roi. Agad naman siyang pinagbuksan ni Lei.
Dali dali siyang pumasok na pawis na pawis at hingal aso.
“Roi! Masaya kami at nakahabol ka! Akala naming inulam ka na nila e.” Pabirong sabi ni Azisa.
“Syempre! Di ako magpapakain… gusto pa kitang makita e.” Sagot naman ni Roi dahilan ng pamumula ng pisngi ni Azisa.
Matapos noon ay natahimik silang mula sapagkat napagtanto nilang nakulong na sila sa lugar na iyon at walang malinaw na patutunguhan.
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
HorrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...