Nakalas ang tali na nakakabit kay Lei at malinaw na ang kaniyang kaligtasan.
Nakahinga na rin siya ng maluwag. Ang pangalawang katanungan naman ay para sa kaligtasan ni Frollo.
"Binili ko nang di kagustuhan. Ginamit ko nang di nalalaman?"
"Hmmm. Wala pa naman akong binili na hindi ko nagustuhan pero... Ang mama ko oo." Sabi ni Elaira.
"Malungkot siya pero nagpabili pa din siya ng kabaong. At nung mawala na siya ay hindi na din niya nalaman na ginamit niya iyon." Dagdag pa niya.
"Tama ka ulit. Siguro ay masyadong madali para sa'yo ang mga tanong ko." Sabi ni Ariela.
Nakalaya na din si Frollo. Sa mga susunod na katanungan ay makikita na nila kung sino pa ang ililigtas ni Elaira.
Gusto sana nilang magtaka kung bakit madaling nasasagot ni Elaira ang mga katanungan ngunit masyado na silang takot para mag-isip pa.
"Dito na masusukat ang pakikipagkapwa tao mo ... hahahaha!" Napahalakhak sa galak si Ariela.
Alam niya na malapit nang mahirapan si Elaira sa mga susunod na katanungan.
Nagkuyom ng kamao si Elaira sapagkat alam niya rin sa kaniyang sarili na mahihirapan pa siya sa mga susunod na sitwasyon at katanungan.
"Pumili ka na ng sunod mong ililigtas."
"Si Roi." Inihanda na ni Elaira ang sarili sa ikatlong katanungan.
Kung masasagot niya ito ng tama ay maliligtas ang buhay ni Roi. Hindi tulad ng iba, kalmado lamang si Roi. Wala siyang imik ngunit nagmamasid siya sa mga nangyayari.
"Masasabi mo ba kung ilan ang mga matang pag-aari ko?" Maluwang na ngumisi si Ariela.
Sa dami ng mga mata sa mukha niya ay mahihirapan ang sinumang manghula sa bilang nito; lalu pa't limitado lang ang oras. Nabakas di ang pag-aalala nila Lei at Frollo kay Roi.
Maging sila ay nahirapan sa tanong kay Elaira.
"Tsk... mukhang delikado si Roi." Bulong ni Lei kay Frollo.
"Pero mas masuwerte pa din siya dahil napili siya ni Elaira upang maligtas. Masakit isipin na anim nalang tayong lalabas sa silid na ito." Malungkot na sabi ni Frollo.
"Pag-isipan mong mabuti... Gusto mo ba na mas lumapit ako sa'yo para makita mo?" Inilapit nga ni Ariela ang muka niya kay Elaira.
Napaatras naman si ito sapagkat nasindak siya sa hitsura ng nilalang na nasa kaniyang harapan.
"Lumayo ka nga sa akin! Sinusubukan mo pa talaga akong dayain!"
"HAHAHAHA! Bakit? Ilan ba sa tingin mo lahat ng mga mata ko?"
"Dalawa lang!" Pasigaw na sagot ni Elaira. Ikinagulat naman ito ng lahat sapagkat sa dami ng mata na bumabalot sa mukha ni Ariela; bakit dalawa lang ang isinagot ni Elaira.
Humalakhak ng pagkalakas lakas ang nilalang. Nabalot ang lahat ng kaba para sa kaligtasan ni Roi. Mukhang sa pagkakataon na iyo ay nagkamali ng sagot si Elaira.
"Nalintikan na!" Napasigaw si Lei. Nanlambot din ang kaniyang tuhod dahil sa nakaambang panganib para sa kasamahan.
Nuon di'y nahati sa gitna ang ulo ni Ariela. Mula sa tuktok at hanggang sa lalamunan ay hati. Mula sa loob ng lalamunan niya ay dinukot niya ang isang matalim na espada.
Napapikit ang mga mag-aaral nang makita ang kaniyang ginawa. Nakakakilabot at nakakadiri.
Matapos niya mahugot ang espada ay muli na ding bumalik sa dati ang kaniyang ulo. Nanigas ang buong katawan ni Elaira. Parang humiwalay ang kaniyang diwa mula sa kaniyang katawan dahil sa nasaksihan. Mababanaag na din ang pag-aalala sa mukha ni Roi na nuo'y nasa panganib na.
"Paano mo naman nasabi na dalawa lang ang mata ko?" Tanong ni Ariela kay Elaira.
"Noong lumapit ka sa akin, napansin ko na may dalawang mata sa mukha mo na magkatabi at mukhang magkapares. Hindi saliwa ang paggalaw ng mga ito. Kaya naman naisip ko na 'yun lang talaga ang mga matang pag-aari mo." Nanginginig na sagot ni Elaira.
"Iniisip mo talaga na dalawa lang ang mga mata na pag-aari ko? HAHAHAHA!" Umalingawngaw sa loob ng silid ang halakhak ni Ariela. Lumapit ito kay Roi at idinikit sa mukha nito ang dulo ng espada.
"Sa tingin mo ba... ilan na ang mga nakapasok sa silid na ito at nakipaglaro sa akin? Ilan na 'rin ba sa tingin mo ang nagkamali sa tanong na ibinigay ko sa'yo ngayon? Hmmm?" Mapangutyang tanong niya kay Elaira.
Pigil ang paghinga ng lahat. Tahimik at parang nawawalan na ng pag-asa ang mga mag-aaral.
"Ang totoo niyan... wala akong pagmamay-ari sa lahat ng mga matang ito na nasa mukha ko. Lahat ng ito ay nanggaling sa mga bisita ko. Paano ba 'yan, hindi ko na kailangan pang papiliin ka kung anong parte ang tatanggalin ko sa kasama mo. Kukunin ko na lang ang isang mata niya. HAHAHA!" Masayang sabi ni Ariela.
Nagkuyom ng kamao sa galit si Elaira. Hindi niya matanggap na mali ang sagot niya. Pumikit na lamang ang iba nilang kasamahan dahil hindi nila kayang tingnan ang sasapitin ni Roi.
Lumapit si Ariela sa binata at tinanggal niya ang salamin nito sa mata. Hinaplos niya ang mukha ni Roi at sinabing:
"Napakaganda ng mga mata mo kung wala kang salamin. Hihingin ko ang isa ha..." Inilapit niya ang talim ng espada sa mata ng binata at saka unti-unti itong itinarak.
Napahiyaw sa sakit si Roi. Umalingawngaw ang kaniyang pagmamaka awa sa buong silid ngunit walang magawa ang kaniyang mga kasama.
"WAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!! TAMA NA!!! ayaw ko na! WAHHHH!! ARAYYYYYYYYYY!!!" Malakas na sigaw ni Roi.
Nakababasag ng damdamin ang kaniyang pagtangis ngunit kasabay naman noon ang paghalakhak ni Ariela. Napaluha ang marami sa kasama na si Elaira.
Nakukonsensya siya dahil sa sinapit ng kaklase. Nang madukot ni Ariela ang mata ni Roi ay pinutol na din niya ang tali na nakakabit dito.
Agad naman itong pinuntahan at inalalayan nila Lei at Frollo. "Ano tuloy pa ba?" Tanong ni Ariela kay Elaira.
BINABASA MO ANG
High School of The Demon (Editing)
TerrorAre you ready to play the game made by a demon? Sa paghahanap ng panibagong simula, napadpad si Frollo Maidaz sa isang misteryosong paaralan. Ang akala niyang magandang umpisa ay mababalot ng takot at pangamba nang malaman niya na ang napasukan niy...