Prologue

123 5 4
                                    

Prologue:

"Mahal kita..." At ipinikit ko na ang aking mga mata..

 Naglakad ako and I smiled. This is the best part of my day.

Dumating na ko, kung saan kami laging nagkikita at hindi ako nabigo.

"Skye... Skye.. Nandito na ulit ako. Sabi ko naman sayo babalik ako. Hindi pwedeng hindi kita makita"  Sabi niya sa'kin. Sabi sa'kin ng lalaking mahal ko at mahal ako.

"Nakatalikod ka naman. Kailan mo ba ipapakita ang mga mukha mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

Niyakap ko siya sa may likuran. Inuukit ko sa isip ko kung gano kasarap damhin ang yakap ng lalaking mahal mo. Tiningnan ko ang orasan. Ang bilis ng panahon, kapipikit ko pa lang ngunit tila kay bilis ng oras. Iiwan mo na naman ako.

"Sa tamang panahon, mahal ko. Malalaman mo rin. Mahal kita, Skye. Tandaan mo yan." Sabi na naman niya sa'kin. At nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. 

Sa bawat araw at gabi lagi na lang ganito. Lagi na lang. Hindi ko na alam.

"Mahal din kita. Mahal na mahal."

Nagsimula na siyang maglakad palayo sa'kin. Nakatingin lang ako, hindi ko na siya mapigilan. Para akong napako sa kinalalagyan ko. Pasensya na, tanga lang ah.

"Mahal kita, Skye."

"Mahal kita, Skye."

"Mahal kita, Skye."

"Mahal kita, Skye."

"Mahal kita, Skye."

"Mahal kita, Skye."

Yan ang lang tangi kong naririnig habang siya ay lumalayo at lalong naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Mahal kita, kung alam mo lang. Iyan ang nais kong sabihin ngunit tila napipi ako.

"Mahal kita, Skye."

----------------------------------

"Anak, gising na. Umiiyak ka na naman. Bumangon ka na, may pasok ka pa."

Nagising ako, pinahid ko ang mga luha ko. Sabi ko na, panaginip na naman. Ako at ang lintik kong imahinasyon.Lagi na lang ganito, araw-araw at gabi-gabi.

Kailan ba kita makikila?

Kasi....

Mahal din kita.

My Imaginary Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon