Imagination 1: *~Believe me.~*

77 5 7
                                    

*Imagination 1*

[Skye's POV:]

Bumangon na ko. Hay. Araw-araw na lang na ganito, walang kasawa-sawa. Nakakapagod. Kakagising ko lang pero gusto ko ulit bumalik sa pagtulog ko. Medyo namamaga rin ang mga mata ko.

Gusto ko ulit siyang makasama. Kahit sandali lang.

Asan na kaya siya? Dadating pa ba siya? Makikita ko na kaya ang kanyang mukha?

Araw-araw yan ang tanong ko sa sarili ko. Sabi nila, weird daw ako. Oo, kasi sinabi kong may "boyfriend" ako. OO. Kaso.. hindi ko alam kung nasan na siya.

Ikaw, alam mo ba kung nasan siya?

Teka, bakit sayo ko ba to tinatanong. Pasensya na, sobrang nami-miss ko lang kasi siya. Oo. "SIYA." Hindi ko kasi alam kahit pangalan man lang niya.

Boses lang. Oo. Tanging boses lang.

*sigh*

Tapos na kong mag-ayos at kumain. Eto na naman, isang araw ng pangungulila at lungkot. Papasok na ko sa school. Since he came into my life, I've never been the same. Hindi na ko yung Skye na nakilala nila. I admit, nagbago na ko.

Oo. I've changed.

Dahil sa kanya. Pero, hindi ko pa rin siya nakikilala.

Pasensya na, naiintindihan mo ba? Ako kasi, hindi rin. HINDI ko maintindihan ang sarili ko.

Basta alam ko mahal ko siya. Believe me.

----------------------------------

Maingay sa classroom pero lumilipad lang ang isip ko. Wala pa rin yung prof nami. Buti na lang. ^o^ magkakaroon ako ng pagkakataon para makatulog lang.

Kahit sandali lang.

Kahit ngayon lang.

Unti-unting pumipikit ang mata ko.

*TOK*

LINTIK!!!!!

"Aray ko! Pusanggala naman. Ano bang problema ni ------ Mico! Epal mo naman. >< Bakit ka ba namimitik?"

Yan nga pala si Mico. Ang isa sa TRIO. Bespren ko yan. Di lang halata. May isa pa kong bespren, si Dominique. :D

"Hoy! Hershey Skye Blue Alfonso. Mahiya ka naman, silid-aralan natin to. Sagrado. Tapos matutulog ka lang? Langya naman oh. Iniisip mo pa rin si Fafa mo?" Ayan na, dumating na ang walang hiyang Dominique. Kung makapagsalita akala mo di babae. Pero wag ka, maganda yan.

Pero siyempre, mas maganda ako. Huwahahahahahaha. Napangiti ko syempre.

"Eto na naman tayo. Please lang Hershey. Tigilan mo na yan." sabi ni Mico.

Ugh. -____- Kontrabida talaga to eh.

"Please lang din Mico Kristoffer, tigilan mo na ang pagtawag ng Hershey sa'kin." Grrrrr. Nanggigigil na talaga ko.

Walang umiimik sa'min. Ramdam nilang galit na ko. Oo. Galit na ko sa lagay na to.

Tumingin sa'kin si Dominique, "Skye.. Totohanan na ba talaga yan? Para naman kasing imposbile yang lahat ng iyan. Hindi naman sa sinasabi ko sayong itigil mo na pero... Ayaw ka lang naming masaktan. Imaginary love lang yan."

Ewan ko, para kong sinampal. Ang sakit. Imaginary Love? May ganun ba? Siguro sa case ko meron talaga.

Imaginary love lang ba to?

"Oo nga Skye. Baka pinipilit mo lang ang sarili mo. O kaya naman eh adik ka na kakahanap niyong perfect guy na sinasabi mo." At eto, dumagdag pa si Mico.

Umiikot na naman yung paningin ko. Halu-halo na ang ingay na naririnig ko.

"Sigurado ka ba Skye? Mahal mo ba siya?" panabay na tanong sa'kin ng mga kaibigan ko.

Nanlalamig na ko. Nahihilo.

I managed to form a very faint smile, "Oo. Sigurado ako. Mahal ko siya.. Believe me."

And suddenly, everything went pitch black.

A/N: I need some readers and a little comment and votes too. Gustung-gusto ko siyang ituloy pero ewan ko. Nakakawala ng confidence. I don't know kung may makaka-appreciate neto. :(( I hope meron. Grabe, siguro, ito na yung masasabi kong pinaka-creative na nagawa ko. Madaling araw na but still, gusto ko pa rin siyang ituloy. Hay. Sana po may magbasa nito. :( Ang sakit din kasi na sulat ka nang sulat pero wala namang nakaka-appreciate. Para po sa inyo to. :) Sana magustuhan niyo.

My Imaginary Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon